***Hazel's POV***Nakaupo uli ako dito sa lugar na tinatawag kong "second home" ko. Sa hospital. Alam ko, more than a year na simula ng nagkaroon ako ng heart transplant. Sa iba, akala nila, after ng heart transplant mo, lahat okay na, normal ka na. Ang totoo, hindi, habang buhay na bahagi ng buhay ko ito. Sa ngayon, mas mahirap. Sa unang taon after ng surgery, Yan ang isa sa mga pinakacrucial na panahon. Pwede ng magfail uli ang bagong puso ko.
"Hazel?" Napahinto ang pag iisip ko ng tinawag ako ni Doc.
"Kamusta po ang results niya?" Nauna pa si Marlo sa pagtanong. Nakaupo siya sa tabi ko. Hindi kasi nakasama si Mommy. May mga business problems din si daddy kaya si mommy ay nagtrabaho uli.
"The results are fine. But... We still need to do more tests. Hazel, okay lang ba ang pakiramdam mo? Parang matamlay ka? Masama ba ang pakiramdam mo? You know you have to be very honest para maiwasan natin ang ibang komplikasyon habang maaga pa" paliwanag ni Doc.
"Sorry po. Pagod lang siguro ako. Hindi po ako masyadong nakatulog kahapon."
"Hazel, bawal ang masyadong pagpuyat pa rin. Always take care of your health first". Sabi niya
Hindi ko alam bakit parang bad trip si Marlo mula pa kanina. Hindi siya nagsasalita masyado. Kung nagsalita man siya, si Doc ang kinakausap niya. Naglakad kami sa parking lot at tahimik pa rin siya. Umaambon ng kaunti kaya siguro mas nagmamadali siyang maglakad at ako naman ay mabagal.
" ano ba? Umaambon na. Baka magkasakit ka na naman!" Galit na sinabi niya.
Binuksan niya ang pintuan sa passenger's seat pero hindi ako pumasok. Pinatong ko ang bag ko sa upuan at hinarap siya.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko
"Hazel, umaambon" mahinang sagot niya pero hindi siya nakatingin sa akin.
"Alam ko. Pero hindi ako sasakay sa kotse mo, hangga't hindi mo sinasabi sa akin. Galit ka ba sa akin?" Tumayo ako sa harapan niya pero ayaw niya akong tingnan sa mga mata.Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya at pinilit siyang tumingin sa mga mata ko.
"Galit ako!". Sigaw niya
Naglakad siya ng kaunti palayo sa akin, tumingala sa langit at ang dalawang kamay niya ay nasa ulo niya.
" Galit ako dahil pinapabayaan mo na ang sarili mo dahil sa kanya. Oo, wala na akong karapatan. You're not even mine to take care of pero ako pa rin ang nandito. Paano kung magkasakit ka uli? Paano kung biglang magfail ang puso mo? Anong gusto mong gawin ko?" Sabi niya.
Nilapitan niya ako at huminto siya sa harapan ko.
"Hazel, anong dapat kong gawin?" Tanong niya.
"Wala. Marlo, tama ka. Hindi nga tayo. Kaya wala kang gagawin. Kung mapapagod man ako, magkasakit o balang araw mamatay, walang may kasalanan maliban sa sarili ko. Huwag na huwag mong idadamay si Kaye." Galit na sinabi ko.
Kinuha ko ang bag ko sa upuan at naglakad.
"Hazel, ihahatid na kita" hinawakan niya ako sa braso para pigilan. Mas lumalakas na ang ulan.
"Kung ayaw mong mas magalit pa ako, bitawan mo ako." Mahinang sabi ko. Halos bumubulong na ako pero alam kong narinig niya ako at binitawan niya ako agad.