***Kaye's POV***
Binalikan ko ang mga gamit ko sa mesa namin pero wala doon si Hazel. Nilapitan ko si Marlo at naupo ako sa tabi niya.
"Pwede mo ba siyang hanapin? " tanong ko
"Bakit hindi mo gawin ang pinapagawa mo sa akin? Hanapin mo, suyuin mo, siya ang piliin mo gaya ng pagpili niya sa yo." Sagot niya
"Ginagawa ko na naman eh. Pero ayaw niyang maniwala."
Huminga siya nang malalim at tumingin sa paligid.
"Ikaw? Naniniwala ka nga ba sa gusto mong paniwalaan niya? Kasi sa ngayon, ang labo. Wala na nga ba talaga? You're making it very easy for me to steal her." Panakot niya
"So, bakit hindi mo ginagawa? Natatakot kang ako pa rin ang piliin niya?" Sagot ko
Ngumiti siya at sinagot ako.
"Gusto mong subukan ko?"
Nakatitig lang ako sa kanya. Alam kong bakas sa mukha ko ang galit na nararamdaman ko. Nakakuyom na aking palad at halos namumula na yata ang mga mata ko. Yun ang tanong na takot akong totohanin niya. Paano kung mahulog uli si Hazel sa kanya?
Galit akong umalis at iniwan siya. Nagmadali akong lumabas at naghihintay na ang mga kasama ko dahil may isang event pa kaming pupuntahan. Tahimik akong naupo sa likuran at hinanap ang headphones ko, pero dahil hindi naman obvious na nagdadabog ako, halos natatapon na ang mga laman ng bag ko.
"Ayan oh, nasa harapan mo na, di mo pa nakikita. Ang labo kasi ng mga mata mo" sabi ni Mark sabay turo ng headphones kong hawak ko na pala.
"Paano di lalabo yan, gabing gabi nakashades. " sagot ng manager namin.
Nang tumingin ako sa kanila, nakita ko si Trisha na nakatingin at biglang tumingin sa malayo. Kinuha ko ang cellphone ko at may sinulat na text kay Marlo.
"I'm sorry. Ihahatid ko siya kung pwede lang. May trabaho pa ako. Paalis na kami. Kung hindi, sigurado akong Hindi na ako magtatanong pa sa yo at itatakbo ko na lang siya palayo. Pero, Hindi pwede. Kaya, sa taong minsan kong naging kaibigan, ikaw lang ang maaasahan ko sa kanya. Sana, huwag mo siyang iwan sa mga panahong wala ako kahit gusto ko. Pero, sabihin ko man to o Hindi, alam kong maasahan kita. Salamat."
Nang matapos kong nasend sa kanya, kinuha ko ang headphones ko at nakinig sa music. Maya maya ay nagbuzz uli ito.
"Pangako"
Napakasafe naman ng sagot non. Gusto ko siyang tawagan pero baka magkasama sila. Huminga ako nang malalim at pinikit ang mga mata ko. Siguro nakaidlip ako nang kaunti at nagising nang nagbuzz uli ang cellphone ko. May image na nakaattach ang message ni Marlo. Dahil mabagal pa ang net, ang caption muna ang binasa ko.
"Alam mo ba kung ano ang hiling niya sa buwan? Sana kaya kong ibigay yun sa kanya. Pero, kahit nakapikit ang mga mata niya, nakikita kita sa hinihiling niya. Kung ano man ang gusto ng puso mo, huwag mo sanang pagsisihan ".
Nang binuksan ko ang picture, nakita ko si Hazel na nakatingala sa buwan, nakapikit ang mga mata . pero bakit hindi ko makita kung ano man ang hiling niya?