10 Years Ago....
"Anong ginagawa mo dito,bakit ka umiiyak?" sabi ng batang lalaki sa batang babae. Hindi umimik ang batang babae at yumuko lang. Tumalungko sa harap ng babae ang lalaki upang maging magkalevel sila. Tinitigan ng batang lalaki ang batang babae.
"Madilim na. Wala ng tao dito at umuulan pa.Hindi ka pa ba uuwi?" tiningnan siya ng batang babae ng may halong pagtataka sa mukha.
"Eh ikaw,anong ginagawa mo dito?" tanong ng batang babae.
"Hinahanap ko kasi yung aso ko.Si Flappy. Isa siyang white Maltese. Nakita mo ba siya?"
Umiling lang ang batang babae.
Present.
[Kenneth's POV]
Bakit ko nga ba nagustuhan ang isang tulad ni Natalie? Kung ikukumapara ako sa kanya,malayong malayo ang agwat naming dalawa. Langit siya lupa ako.
Sikat siya ako hindi. Maganda siya,well,ehem,gwapo naman ako?
Hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan...basta bigla ko na lang naramdaman.
Nagsimula ang lahat 4 years ago. First year highschool ako nun ng may ipakilala sa amin ang aming teacher.
"Class,I would like to introduce your new classmate." sabi ng teacher namin sa buong klase at tumingin sa isang babae na nasa tabi niya.
"Hi. I'm Natalie Colin dela Vega." nagsmile siya sa amin at nagwave.
Kyaahhh....si Natalie yun di ba? yung vocalist ng Do Re Mi. at yung sikat na teen model sa US.
Wow pare kakalase natin si Natalie. Bigatin na talaga ang school natin.
Tama yung nabalitaan ko sa kabilang section na lahat ng miyembro ng Do Re Mi lilipat sa school natin.
Oo nga eh...hindi ko ineexpect na makakaklase natin ang vocalist nila.
Dinig na dinig ko yung bulungan ng mga kaklase ko tungkol sa bago naming kaklase. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung ano yung banda na yun na siya ang vocalist, ngayon ko lang siya nakita pero...
Bakit ganon? Nung tiningnan ko yung magandang mukha niya biglang bumilis ang tibok ng aking puso.
"Sige na Ms. Dela Vega, you may now take your sit." sabi ng teacher ko at sabay turo sa upuan na nasa harap ko.
Linapag niya ang bag niya sa desk at umupo. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya kahit na nakatalikod siya sa akin. Yung mahaba niyang buhok parang ang sarap amoyin.
Haixtz...sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko ngayon. Ngayon ko lang ito naramdaman. Ito na ba ang tinatawag nila na LOVE AT FIRST SIGHT?
............
Nasa school canteen na kami ni Chezter ng biglang may isang babae na sumigaw.
Nagsisimula na sila.
At biglang nagalisan ang lahat ng tao sa canteen. Lahat sila nagmamadali parang may isang malaking event na mangyayari.
"Teka Tenten...Ano na ba nangyayari? Nagugunaw na ba ang mundo? Tara na makitakbo na rin tayo. Iligtas na din natin sarili natin." sabi ni Chezter. Kakagat pa lang ako ng tinapay na hawak ko ng biglang niya akong hinila papalabas ng canteen at sumunod sa mga taong papunta ng gym.
Habang papalapit kami sa gym may narinig na lang ako na may kumakanta at hiyawan ng mga tao.
NP: Sparks Fly by Taylor Swift
Drop everything now
Meet me in the pouring rain
Kiss me on the sidewalk
Take away the pain...
Napatingin ako bigla sa may stage, nakita ko si Natalie na kumakanta kasama yung mga kabanda niya sa DRM.
'Cause I see sparks fly
Whenever you smile. Nagsmile siya sa audience.
Bigla na naman tumibok ng mabilis yung pusok ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Para bang anumang oras ako ay hihimatayin. Ang ganda ng boses niya para siya anghel na bumaba dito sa lupa.
I'm captivated by you, baby
Like a fireworks show.
Hindi ko alam kung ako lang ba nakakakita o lahat ng nanunuod sa kanya nakikita na nagniningning siya habang kumakanta.
Natapos ang kanta nila pero hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kanya. Nagpakilala lahat ng member ng DRM. Mula sa drummer hanggang sa kanilang vocalist na si Natalie.
"Ito po ang pagpapasalamat namin sa mainit na pagtanggap ninyo sa DRM." sabi ng keyboardist nila na nalaman ko na si Claire Andrada.
Naghawak hawak ng kamay ang DRM at sabay sabay na nagbow sa gitna ng stage at umalis. Palakpakan ang mga tao, at halos lahat hinabol sila ng tingin at yung iba sinundan pa sila.
Ako naman hindi pa rin umaalis sa kinakatayuan ko dahil hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng puso ko.
"Uy, isara mo nga yung bibig mo at kumurap ka naman diyan. Uy Tenten, ayos ka lang ba? Buhay ka pa ba?" sabay yugyog ni Chezter sa balikat ko pero hindi ko pa rin siya kinibo.
"Wag mong sabihin na tinamaan ka kay Natalie? Weh? di nga?" hindi makapaniwalang sabi ni Chezter sa akin dahil alam niya na simula pagkabata ay hindi pa ako nagkakagusto sa babae.
Simula nun lagi ko na siya sinusubaybayan at tinitingnan sa malayo. Halos lahat ng magazine na may litrato siya may kopya ako, punong puno ang kwarto ko ng mga pictures niya, at siya din ang wallpaper ng laptop ko. May unan pa nga ako na may litrato ng mukha niya na paggising ko sa umaga yun ang tinitingnan ko at niyayakap sa pagtulog. Ganito ako kaobsess kay Natalie dela Vega.
Ngunit hindi ko siya maligawan o makalapit man lang sa kanya dahil sa sobrang dami ng lalaking may gusto sa kanya at nanliligaw. Natatakot din ako na baka hindi niya din ako pansinin tulad ng ginagawa niya sa iba. Naniniwala naman ako na gwapo ako pero ewan ko ba pag kay Natalie nanghihina ako at para akong nauupos na kandila pag nanjan siya. Kaya nakuntento na lang akong pagmasdan siya at mahalin sa malayo. Swerte na lang din ako dahil minsan hindi ko lang siya kaklase kundi seatmate pa.
Haixtz...Kailan ka kaya magiging akin Natalie?
A/N: Hi, Author ChezZy here, sana magustuhan ninyo yung chapter na ito kung saan nalove at first sight si Tenten kay Nat. Actually medyo corny si Tenten ah, pero sana lang may guy na ganyan. Sino agree sa akin? hehehe... ^_^
Next Chapter Title: Do Re Mi
Thank you for reading our story.
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...