10 Years Ago…
Masayang masaya ang dalawang bata habang kumakain ng ice cream na kanilang binili. Naupo sila sa ilalim ng puno habang si Flappy naman ay nasa gitna nila at himbing na himbing sa pagtulog.
"Gusto mong mag ukit tayo dito sa punong ito?" tanong ng batang lalaki.
"Mag ukit?"ulit ng batang babae.
Tumango ang batang lalaki.
"Sabi nila, para hindi niyo daw makalimutan ang isa't isa. Kumbaga, symbol of friendship." nakangiting sabi ng batang lalaki.
Gumanti ng ngiti ang batang babae at parehong tumayo at nagsimulang mag ukit sa puno.
Present…
[Kenneth’s POV]
Hawak pa rin ni Natalie yung kamay ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi siya nagsasalita.
“Samahan mo ako,” huminto siya at tumingin sa akin, “samahan mo akong magreview. Malapit na ang exams eh. Please.” Nagpout pa siya.
Ang cute niya sa ganyang ayos. Ang sarap halikan eh. Hala ano ba tong naiisip ko? Umiiling iling ako, mali tong nasa isip ko.
“Ayaw mo ba?” nakita kong nalungkot siya.
“H-ha? Hindi. Gustong gusto nga kitang turuan eh. San tayo magrereview?” nagpalinga linga ako para humanap ng pwede naming pwestuhan.
“Sa library na lang para tahimik.” Sabi niya at lumakad na.
Sumabay ako sa kanya sa paglalakad. Habang naglalakad kami, nagtatama ang aming mga kamay. Napatingin ako sa kamay niya at napalunok ng laway. Kaya ko naman sigurong gawin yun di ba? Girlfriend ko naman siya at ilang beses na kaming naghahawak kamay, yun nga lang,siya ang humahawak sa kamay ko. Nag ipon ako ng lakas ng loob. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan iyon. Ramdam kong medyo nagulat siya dahil napatingin siya sa akin. Nakatingin lang ako ng diretso sa daan. Nahihiya akong tignan siya eh.
“Buti naman naisipan mong hawakan yung kamay ko.” Sabi niya ng nakangiti sa akin.
Hinarap ko naman siya kahit nahihiya ako sa ginawa ko.
“H-ha?”
“Kasi medyo sumasakit na din yung kamay ko,kanina pa kasi nagtatama yung mga kamay natin eh.”
Napayuko naman ako.
“Namumula ka na naman.” Sabi niya at ginulo niya ang buhok ko.
Pagkarating namin sa library, halos wala ng tao. Nag aayos na din yung librarian. Umupo si Natalie dun sa pinaka dulong mesa kung saan hindi gaanong kita. Sinundan ko siya at naupo sa tapat niya.
Binuksan ko yung book ko sa Math. Tinignan ko si Natalie at ayun, nakabuklat yung notebook niya, at nagsusulat pa. Mukang nagsosolve siya. Nagpatuloy ako sa pagrereview.
“Ayan tapos na.” Tapos dumukdok siya sa table.
Mukang tapos na siya magsolve. Kinuha ko yung notebook para tignan yung mga sinolve niya pero nagulat ako sa nakita ko. Hindi pala siya nagsosolve, kundi nagdodrawing ng mga doodles. Akala ko ba nagpunta kami dito para magreview?
Kinalabit ko siya. Iniangat naman niya ang ulo niya at tumingin sa akin.
“Di ka ba magrereview? Sabi mo magrereview tayo.”
“Oo nga. Hinihintay lang kitang turuan mo ako eh.” Tapos tinapik niya yung upuan niya sa tabi niya. Tumayo ako at lumipat sa tabi niya.
“Kaya nga kita niyayang magreview eh, kasi magpapaturo ako sayo.” Binuksan niya din yung book niya sa Math. Nakatingin lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...