[Natalie's POV]
Ilang minuto din akong umiyak ng umiyak kahit umalis na sila Chezter hindi pa rin ako umalis sa puwesto ko. Pinunasan ko yung mga luhang dumaloy sa pisngi ko. Dapat may gawin ako, hindi dapat ako magaksaya ng oras ngayon na umiyak. Kailangan ko siya makausap at makita.
Nagmamadali akong umalis sa may playground at sumakay ng taxi. Sana hindi pa huli ang lahat. Habang nasa taxi ako hindi ako mapakali. Sinubukan ko tawagan si Kenneth pero hindi niya sinasagot yung tawag ko sa kanya.
Kenneth...please naman oh. Hintayin mo ako.
Nang huminto sa may tapat ng bahay nila Kenneth yung taxi ay nagmamadali akong lumabas ng taxi. Nagdoorbell ako agad at pinagbuksan naman ako ng maid nila Kenneth.
Pagpasok ko sa may sala nila bumungad agad sa akin si Kia na umiiyak.
"Ate ganda...umalis na si Kenneth."umiiyak na sabi niya sa akin ng makita ako.
"Kia, babalik din naman Kuya mo."narinig kong sabi ng Mommy niya na nasa likuran niya.
"Oh Natalie, napadalaw ka?"gulat na sabi ng Mommy ni Kenneth sa akin. Medyo nahiya ako dahil alam ko na alam nila kung ano ginawa ko sa anak niya.
"Si Kenneth ba ipinunta mo? Kakahatid lang namin sa kanya sa airport eh."malungkot na sabi niya sa akin.
"Ganon po ba? Maabutan ko pa po kaya siya?"malungkot na sabi ko. Wala na pala. Huli na ako.
"Alam ko na ikaw unang nanakit sa anak ko at ang dahilan bakit siya malungkot at ayaw kumain. Pero sa nakikita ko sa itsura mo ngayon. Nararamdaman ko na nagsisi ka sa mga nagawa mo. Umalis ka na at baka maabutan mo pa siya mamayang eight pm pa naman flight niya."sabi ng Mommy ni Kenneth sa akin at tinapik ako sa balikat ko.
Tumingin ako sa relo ko. 7:15 pa lang naman. Aabot pa siguro ako kung aalis na ako ngayon.
"Sige po Tita. Salamat po."pagpapaalam ko sa Mommy ni Kenneth at aalis na sana ako ng may makita akong kahon na nakabukas na mga naglalaman ng pictures ko at mga magazine, na ako ang cover.
"Collections niya yung mga iyan simula nung high school at nagtransfer ka sa school nila. Yung mga poster na yan nakadikit pa talaga yan sa wall ng room niya. Tapos kumpleto siya ng mga magazines na may pictures ka."sabi ng Mommy ni Kenneth sa akin ng mapansin siguro niya na mapahinto ako at nakatingin ako sa kahon.
Lumapit ako sa kahon at kinuha isa isa yung mga laman nun. Hindi ko alam na ganito pala niya talaga ako kamahal. May nakita akong unan na may nakaprint na mukha ko. Kinuha ko yun at tinitigan.
"At yang unan na yan."pagpapatuloy niya sabay turo sa unang hawak ko."Lagi niya yan katabi sa pagtulog. Ganon ka kamahal ng anak ko."
Hindi ko mapigilan na mapaiyak dahil sa mga narinig ko. Hindi ko alam. Wala akong alam. Wala akong alam na may isang lalaking sobrang mahal na mahal ako. Pero sinaktan ko lang siya.
Niyakap ako ng Mommy ni Kenneth. Pagyakap niya sa akin napatingin ako sa mga frame na nakapatong sa may divider. Napahiwalay ako sa Mommy ni Kenneth ng may isang litrato dun na nakakuha ng atensyon ko.
Lumapit ako sa may divider at kinuha yung picture ng batang lalaki na may hawak na puting aso. Hindi ako nagkakamali. Siya iyon, siya yung batang lalaki na nakilala ko 10 years ago. At yung aso na kasama niya sa picture ay si Flappy.
"Si Kenneth yan nung bata pa siya at yung aso na hawak niya diyan ay yung aso niyang si Flappy. Kaso dati bigla na lang siyang umuwi ng bahay na hindi na kasama si Flappy sabi niya pinahiram daw niya yun sa babaeng nakilala niya sa playground. Pagkukwento din niya sa akin na hindi na sila nagkita ulit pa nung batang babae."pagkukwento ng Mommy ni Kenneth sa akin.
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...