[Natalie's POV]
Ginala ko yung paningin ko sa dressing room at nakakita ako ng isang white dress at isang wig. Kinuha ko naman agad yun at tinignan. Siguro ito yung isusuot ko sa photoshoot namin. Bakit kaya white? Tsaka nakalimutan ko itanong sa kanya yung theme niya sa photoshoot. Kung ano ano kasing kalokohan ang nangyari kanina eh.
Sinuot ko na yung white dress pati na din yung wig at humarap ako sa salamin. Gulo gulo pa yung pagkakalagay ko ng wig ko. Tsk, malay ko ba kasi maglagay ng wig? Tsaka kailangan ko ba talagang magwig?
*Tok tok tok tok...
Napatingin ako bigla dun sa pinto ng may kumatok.
"Matagal ka pa ba diyan? Nakita mo ba yung isusuot mo?"narinig kong sabi ni Kenneth.
"Oo nakita ko na"
"Bakit ayaw mo pa lumabas diyan? Buksan mo na nga ito."naiinip na sabi niya.
"Oo na. Sungit."lumapit ako sa pintuan at pinagbuksan siya.
"Bakit ganyan itsura mo?"sabi niya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Bakit ano problema?"nagtatakang tanong ko sa kanya."Hindi ba ito yun?"
"Iyan nga yun pero ayusin mo naman itsura mo."naiinis na sabi niya sabay lapit sa akin at hila sa akin sa loob ng dressing room at inupo ako sa may harap ng salamin.
Nagulat ako ng ayusin niya yung wig na suot ko at may linagay siyang puting bulaklak na clip sa may gawing kanang nung wig tapos inayos din niya yung bangs nung wig sa noo ko. Tiningnan ko yung itsura ko sa salamin. Ang haba nung wig na pinasuot niya sa akin, hanggang bewang siguro ang haba. Nagulat ako ng iabot niya sa akin yung isang box ng tissue.
"Burahin mo yung make up mo. Lalo na yung lipstick mo na red."utos niya sa akin.
"What?"nakakunot noong tanong ko sa kanya. Hindi ba niya gusto yung make up ko?
"Wala kang make up dapat sa photoshoot na ito."
"Bakit? Ano magiging itsura ko nun sa camera?"nakasimangot na sabi ko sa kanya. Hindi ako sanay humarap sa camera ng walang make up.
"Innocent ang napili kong theme ng project ko kaya gusto ko magmukhang inosente ka."naiinis ng sabi niya sa akin.
Ano daw? Innocent? Parang ang hirap naman yata nun? Parang mas madali pa yata yung fierce look na lang.
"Alam kong mahirap para sa iyo magpanggap na inosente pero yun ang theme ko. Ikaw nagvolunteer kaya wag kang magreklamo."sabi niya sa akin. Nabasa yata niya yung iniisip ko. >.<
"Oo na po."nakapout na sagot ko sa kanya. Grabe naman siya, sobrang sungit talaga niya to the highest level.
"After mo diyan lumabas ka na ng makapagsimula na tayo."seryosong sabi niya at naglakad na palabas ng dressing room.
Grrr, arte arte naman niya. Walang make-up daw. Sige, yun ang gusto niya. Tiwala naman ako sa sarili ko na kahit wala akong make-up, maganda pa rin ako.
Nang matapos ko yung pagtanggal ng make-up ko, tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin. Naginternalize muna ako. Dapat daw inosente yung itsura ko. Inosente daw. Pumikit pa ako habang inuulit yung word na "Innocent". Dinilat ko na yung mga mata ko at tinignan yung sarili ko ulit sa salamin. Napangiti naman ako. Siguro ready na ako. Kayang kaya ko ito. Tumayo na ako at lumabas na ng dressing room.
Nang makalabas na ako ng dressing room hinanap ko agad si Kenneth. Nakita ko naman siya dun sa may studio na nagaayos at nagkakabit ng puting tela. Siguro yun ang gagamitin naming background at pati dun sa may floor may linatag siyang color white na malaking carpet. White na white talaga ah?
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...