CHAPTER 32: THE MAN FROM HER PAST

1.1K 15 1
                                    

[3rd Person’s POV]

“Kuya Clarrence?” gulat na gulat na sigaw ni Chezter. Hindi siya makapaniwalang darating ang kuya niyang matagal niyang hindi nakasama at umuwi sa kanila.

Si Clarrence Dimaguiba, ang nag-iisang kapatid ni Chezter. Matagal din niya itong hindi nakita, simula kasi ng tumuntong si Chezter ng grade 6 ay hindi na niya ito muling nakita. Ito ay tumira sa Amerika kasama ang mga grandparents nila. Isa kasing pasaway na bata ang kuya ni Chezter noon kaya’t ipinadala ito sa Amerika at doon tumira ng mahabang panahon. Sa ngayon, nasa 2nd year na ito ng kolehiyo sa Amerika.

“Kelan ka pa nakauwi?” tanong niya sa kanyang kuya.

“Nung isang linggo pa. Nagstay lang muna ako sa condo ni Kevin.” Sagot ng kapatid niya sa kanya.

“Bakit ka nga pala umuwi dito?” –Chezter

“Nagbabakasyon? Bakit ayaw mo na ba akong makita?” -Clarrence

“Hindi naman sa ganon. Kaya lang kasi biglaan.” -Chezter

“Ah yun ba.. Meron kasi akong gustong makita na matagal ko ng hindi nakikita. At dun siya sa school ninyo nag-aaral.” Nakangiting sabi ni Clarrence sa kapatid niya.

“Oh paano, mukang hindi muna tayo makakapag bonding na magkapatid, may gagawin pa kasi kami ni Kevin kaya mauna na kami sayo.” Pagpapaalam ng kuya nito sa kanya at umalis na kasama ang kaibigang si Kevin.

Naiwan namang nakatulala at nakakunot ang noo ni Chezter. Hindi niya maintindihan kung sino ang tinutukoy ng kuya niyang matagal na daw na hindi nakita at nag-aaral pa iyon sa school nila.

“Pare, sigurado ka na ba sa gagawin mo?” sabi ni Kevin habang naglalakad sila patungo sa kung saan nakapark ang kotse nila.

“Oo naman. Ngayon na lang ang pagkakataon ko. Ang tagal ko itong hinintay.” Sagot niya habang binubuksan ang pinto ng driver’s seat. At agad nitong pinaharurot ang kotse.

******************

[Natalie’s POV]

Maaga akong gumising ngayon para mag jogging. Sinama ko din si Flappy para naman maipasyal ko siya.Sa may malapit na park lang sa condo ko ako nag jogging. Matagal ko na din itong hindi nagagawa na kasama si Flappy, namiss ko tuloy yung bonding moments naming dalawa. 

Habang nag jojogging ako, napansin kong parang may sumusuond sa akin. Kaya mas lalo kong binilisan yung takbo ko. Nung paliko na ako, nagulat ako dahil biglang may sumulpot na lalaki sa harapan ko. Sa sobrang gulat ko, napa atras ako.

“Bakit mo ako sinusundan?” matapang kong tanong sa kanya. Pero ngumiti lang ang lalaki at tinignan si Flappy.

Umupo ito at hinimas himas si Flappy. Tahol naman ng tahol ang aso ko.

“Ilang taon na din ang lumipas nung huli kong makita ang aso ko.” Sabi niya habang binubuhat si Flappy.

“Aso mo?” Nagtatakang tanong ko.

“Oo. Yung aso kong si Flappy na pinahiram ko sayo 10 years ago.”

Nagulat ako sa sinabi niya. 10 years ago? Ibig sabihin siya yung batang yun? Siya na ba talaga ito o manloloko lang? Tinignan ko siya ng may pagdududa.

“Hindi ako nagsisinungaling. Totoo ang sinasabi ko.”

“Kung totoo man yan, patunayan mo.” Hamon ko sa kanya.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon