CHAPTER 64: FRIENDS AGAIN

654 16 0
                                    

[Chezter's POV]

Tsk, sayang naman ung lakas ko sa pagpunta ko sa cafeteria, wala namang langaw. Di ba madalas sa mga kainan meron nun? Tatlong buwan na kasi ang nakakalipas pero hindi pa rin nabubuntis ung goldfish na binigay ko kay Bea. Nakakainip ng maghintay. Ang usapan kasi namin di ba sa akin niya ibibigay lahat nung anak nun kapag nanganak na. Kaya kagabi naisip kong langaw na lang ang ipalit ko dun sa gold fish. Napag isip isip ko kasi kagabi na mas madali palang paramihin ang langaw. Kasi di ba maraming mangitlog ang langaw, eh tamang tama, mukhang malungkot ung mga alaga kong langgam kasi paunti na sila ng paunti. Mga namamatay na ung iba eh, di ata kinaya ang depression kasi walang friends.

Ay teka wait, sabi ni Natalie kanina, masyado daw malinis ung cafeteria para magkaroon dun ng langaw, so ibig sabihin, sa mga maruruming lugar meron nun? Oo nga tama, sa mga basurahan haha. Mamayang uwian din, hahalungkatin ko ang mga basurahan dito sa school pati na sa bahay.

Sa ngayon, babalik na lang muna ako sa room namin, patapos na din kasi ung vacant ko eh. Pagpasok ko ng classroom namin, walang katao tao. Bigla kong naalala na sa lab pala ang klase namin ngayon. Tinignan ko yung relo ko at 5 minutes na lang at klase ko na, eh ang layo pa naman nung lab namin, sa kabilang dulo pa ng school kaya kahit tumakbo ako, late pa rin ako.

So ngayon may dalawang choice ako, papasok ako pero uulanin naman ako ng sermon, o kaya naman hindi ako papasok pero mamimiss ko naman ung activity at lecture. Pero, matalino naman ako eh saka hilig ko naman ang mga hayop at insekto kaya siguro magegets ko din naman agad yung mga lessons. Kokopya na lang ako kay Bea ng notes.  Napansin ko na din na wala na yung bag ko, siguro dinala na ni Bea sa lab kasi akala niya papasok ako. Mayang uwian ko na lang kukuhanin sa kanya. 

Pagkakataon din ito para maghanap ng flies. Pumunta ako sa may likod ng school, alam ko kasi dun nilalagay ung mga basura eh, tiyak dun maraming langaw. Nagdala na din ako ng net panghuli, saka lalagyan nung mahuhuli ko. Pagkadating ko dun, may narinig akong boses ng babae. Sumilip ako at nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ung mukha. Mukang may kausap siya sa cellphone niya.

"Oo malapit na. Konting panahon na lang, luluhod at magmamakaawa na din ang babaeng yon sa akin." sabi niya saka siya tumawa ng malakas.

"Ok sige, salamat sa mga impormasyon. Bye." sabi niya saka naglakad paalis. Base sa uniform niya, hindi siya taga rito sa school namin. Baka naman, may binibisita lang na kaibigan dito sa school namin,pero mukhang pamilyar yung boses niya. Parang narinig ko na dati.

Ay teka, hindi naman ang pag alala sa boses nung babae ang pinunta ko dito eh, kung di ung mga langaw. Grabe, ibang klase, hanga na talaga ang school namin, biruin nyo un, kahit sobrang dami na ng mga kalat, nagawa pa ring iseparate ang nabubulok sa hindi nabubulok, ang mga plastik sa papel.  Magsisimula na sana akong mag halungkat sa mga basura ng marinig ko at  matanaw ko sa di kalayuan ung School President na naglalakad at may mga kasamang iba pa na mga naka formal attire. Dali dali akong nagtago dun sa gilid ng isang basurahan.

"Ladies and gentlemen, ito ang school quadrangle. At sa bandang doon naman, ang school mini garden." sabi ni School President sabay turo dun sa garden.

Wrong timing naman si Mr. President. Hindi ata ito ang tamang oras para manghuli ako ng langaw ah. Siguro mamaya na lang. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at umalis ng hindi namamalayan ni Mr. President saka ng mga kasama niya. Dumaan ako dun sa dinaanan nung babae kanina. Buti na lang tago tong daan na ito kaya hindi masyadong kita. Nung makalabas na ako, laging gulat ko dahil wala na ako sa loob ng school, nasa labas na ako! Sikretong daan pala un palabas ng school.

"Ay pesteng unggoy ka!" nagulat kasi ako ng may kumalabit sa akin. Paglingon ko sa likod ko, si My Way pala tapos nakakunot ung noo niya.

"Ah hehe, sorry. Akala ko kasi kung sino." tapos nag peace sign pa ako.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon