CHAPTER 10: JEEPNEY

1.2K 22 1
                                    

10 Years Ago...

Tumango ang batang babae at muling hinimas ang natutulog na aso bago ito tumalikod at buksan ang gate. Pero bago tuluyang pumasok,muling humarap ang batang babae saka nagsalita.

"Magkikita pa rin naman tayo di ba?" tanong niya.

"Oo naman. Magkikita pa tayo. Lalaruin pa natin ang anak nating si Flappy." sabi ng batang lalaki habang nakangiti. Ngumiti ang batang babae sa batang lalaki at pumasok na sa loob ng bahay nila.

Present...

 

[Kenneth's POV]

"Sige ha. Alis na kami. Bye, Chezter." sabi ni Natalie kay Chezter at saka ngumiti. Ikinapit pa ang braso niya sa akin habang nakatingin kay Liwayway. At hinila na niya ako papalayo kila Chezter.

Akala ko paggising ko kaninang umaga panaginip lang yung mga nangyari kahapon, pero hindi totoo nga at ngayon nga magkasama kami ni Natalie. Tinanghali nga ako ng gising kaninang umaga dahil napuyat ako kakaisip kay Natalie kagabi. Naalala ko na naman yung paguusap namin kagabi...

Drop everything now...meet me in the pouring rain.

Nagulat pa ako ng biglang magring yung phone ko at narinig ang boses ni Natalie na kumakanta. Iyon kasi ang ringtone ko palihim ko kasi rinerecord mga kinakanta niya sa DRM.

Tiningnan ko yung screen ng S5 ko...nakita ko unknown number yung tumatawag. Nagtaka ako kung sino yung tumatawag sa akin at medyo nainis kasi naistorbo niya pagtitig ko sa mukha ni Natalie sa mga larawan na nakakabit sa wall ng kwarto ko.

Sinagot ko yung tumatawag sa akin. "Hello?"

"Hi Kenneth, kamusta ka na?" sabi ng nasa kabilang linya na nakilala ko na si Natalie pala. Napatingin ako bigla sa screen ng S5 ko at sabay balik ulit sa tenga ko.

"Kenneth? Ikaw ba yan?"sabi ni Natalie dahil hindi pa rin ako sumasagot.

"O-o, ok lang ako. Ikaw ba?"nauutal kong sabi sa kanya.

"Eto kakauwi ko lang. Ok na ba mga sugat mo?"nagaalalang tanong sa akin ni Natalie.

"Oo ok na."sagot ko sa kanya at mahinang sinabing "sa boses mo pa lang ok na ako."

"Nga pala, bukas date tayo after class ah? Sige na maaga pa pasok natin bukas eh. Good night and Dream of me."sabi niya sa akin at nawala na siya sa kabilang linya.

Dream of me? Kung alam lang niya lagi ko naman talaga siya napapaginipan eh. Sinave ko yung number niya sa S5 ko..Linagay kong name niya sa contacts ko ay “Natalie ko”.Akalain mo yun? For so many years na gustong gusto ko malaman ang number niya ngayon ko lang nalaman at siya pa talaga kumuha ng number ko.

Humiga na ako sa kama ko pero hindi pa rin ako makatulog kahit anong pilit ko. Jusko naman 2am na ng madaling araw pero gising na gising pa rin ang diwa ko at nakatingin sa unan na may larawan ni Natalie.

Saan naman kami pupunta bukas? Ano gagawin ko sa first date namin? Pano ba makipagdate? Nalilito na ako...Grrr...hindi ko alam pano maging boyfriend niya pano ba naman hindi pa ako nagkakagirlfriend eh. -_-

Kaya ayun bangag ako kaninang umaga ng pumasok ako at for the first time muntik na akong malate. Naku...pag-ibig nga naman. Tinamaan ako ng pinakamalalang sakit na walang gamot na makakapagpagaling na ang pangalan ay "Pag-ibig".

"Tsk, kanina pa tayo pero parang wala man lang dumadaan na Taxi." bumalik yung diwa ko sa sinabi ni Natalie. Oo nga pala nandito na kami ngayon sa may labas ng school gate at nag-aabang ng masasakyan.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon