CHAPTER 36: THANK YOU

1.1K 19 2
                                    

[Kenneth’s POV]

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung natapos ang school festival. Graduation Ball na mamayang gabi. Excited lahat ng graduating students dahil first time itong magaganap sa school. Dati kasi walang ganito at prom lang meron pero ngayon, pinagbukod ang graduation ball at prom.

*Tok…Tok…Tok…

“Tenten…Anak…pwede bang pumasok?”narinig kong sabi ni Mommy pagkatapos kumatok sa pinto ng kwarto ko.

“Sige po.”malakas na sabi ko habang heto busy pa rin ako sa pagaayos ng kurbata ko habang nakaharap sa salamin. Mga nakaformal attire kasi kami sa Graduation Ball.Nakablack formal suit ako ngayon syempre todo porma ako. Aba kailangan ko lalo magpagwapo para hindi ako mapahiya kay Mine.

“Halika nga dito. At tulungan na kita diyan.”nagulat na lang ako ng magsalita si Mommy na nakalapit na pala sa akin at siya na nga ang nagayos ng kurbata ko.

“Naku, binata na talaga ang anak ko.”nakangiting sabi niya sa akin habang hawak niya yung mukha ko sa dalawang kamay niya.

“Mommy naman, matagal na akong binata eh.”nahihiyang sabi ko sa kanya.

“Hmmm, tanggalin mo na nga itong salamin mo.”sabi niya sa akin sabay kuha sa salamin na suot ko.

“Mommy, hindi ako makakakita nito eh.”sabi ko sa kanya habang kinukuha sa kanya yung salamin ko.

“Hindi mo na ito kailangan anak. Ito ang isuot mo ngayon.”sabi niya sa akin at naramdaman ko na may linagay siya sa aking maliit na lalagyanan.”Contact lense yan anak, binili ko kanina.”

“Salamat Mommy.”sabi ko sa kanya at humalik sa pisngi niya. 

“Sige na gwapo kong anak. Mag-ayos ka na para masundo mo na si Natalie, sige ka baka sumama sa ibang lalaki yun kapag nainip.”nakangiting sabi niya sa akin.

“No way Mommy.”sagot ko sa kanya habang sinusuot na yung binigay niyang contact lense. 

Nang matapos ako sa paglalagay ng contact lense tumingin ulit ako sa salamin at ngumiti. Sana magustuhan ni Mine yung ayos ko ngayon. 

[Natalie’s POV]

“Perfect!!!Panigurado ikaw na ang star sa Graduation Ball ninyo.”pagmamalaki sa akin ni Mariah pagkatapos niya ako ayusan. 

Tiningnan ko sa salamin yung ayos ko. Tama nga siya, panigurado ako na sa akin na naman ang mga mata ng lahat ng tao na nasa Graduation Ball. Ang ganda ng pagkakaayos niya sa akin, syempre hindi naman niya ako binigo dahil si Mariah talaga ang make-up artist ko kapag may photoshoot ako kaya malaki tiwala ko sa kakayahan niya. Itinaas niya yung buhok ko kaya kitang kita yung maganda kong mukha habang yung bangs ko naman ay nakaayos lang sa left side ko. Light lang yung make-up ko tulad ng sinabi ko sa kanya, ayaw ko magheavy make-up ngayon lagi na lang kasi ganon make-up ko sa mga photoshoot ko at gusto ko din magmukhang bata sa make-up ko ngayon. 

“Thanks Mariah. I love it.”nakangiting sabi ko sa kanya pagkatapos ay tumayo na ako para makita ko sa full-length mirror ko yung gown ko na kulay silver na medyo kumikinang kinang pa.One Shoulder Tube Top na may color light gold na ruffles yung style nung gown ko kaya kitang kita yung maputi kong balikat. Tinernuhan ko din ng high heels silver sandals yung gown ko. 

Wow ah, ang ganda ko talaga. Napangiti ako ng makuntento ako sa itsura ko. 

“Sige na. Gora na akech pretty lady.”sabi ni Mariah sa akin at nakipagbeso beso na sa akin.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon