CHAPTER 19: MINE

1.2K 25 0
                                    

10 Years Ago…

"Anong inukit mo?" tanong ng batang babae sa batang lalaki na naguukit pa rin.

"Puso." sabi ng batang lalaki. "Eh ikaw?"

"Tayo na magsukob sa isang payong." sagot ng batang babae.

"Ah..Mukang maganda pag kakagawa mo ah?" at tumawa ng mahina ang batang lalaki. Pinalo naman siya ng mahina ng batang babae sa braso.

"At dahil si Flappy ang reason kung bakit tayo nagkakilala, lalagyan ko ito ng initial niya." At nag ukit ang batang lalaki ng F sa gitna ng pusong inuukit niya.

Present…

[Claire’s POV]

Nandito kami ngayon nila Natalie sa school gym, may laban kasi ang basketball team namin sa St. Joseph. Nasa 4th quarter na at 91-93 ang score, syempre kami yung 93. Dikit na dikit yung laban lalo na dahil may sama ng loob sa isa’t isa ang basketball captain ng bawat team.

“Tsk, tiwala ako na mananlo sila Benj. Walang binatbat yang si Jordan.”sabi ni Natalie sa amin.

“Pero pano kung makathree points sila? Edi matatalo pa tayo.”malungkot na sabi ko sa kanya.

“Hindi yan. Ako bahala.”balewalang sabi niya sa akin. Tumayo siya sa bleacher. Nakaupo kami malapit sa court at kasama yung mga reserve players ng team namin. Syempre kilala kami sa school namin kaya ok lang kay coach na nandito kami basta wag lang daw kami magulo.

Nung bandang 20 seconds na lang 2 pa rin ang lamang ng team namin pero ngayon nakila Jordan ang bola. Nung 5 seconds na lang nakita ko na gagawa ng three points si Jordan.

“JORDAN!!! Wag mong ishoot.”narinig kong hiyaw ni Natalie kay Jordan with matching flying kiss pa at sabay kindat dito.

2…1…0…kring.

Natapos ang game, syempre ang Barden University ang nanalo at ang champion sa taong ito. Sumablay yung three points ni Jordan dahil nataranta ito sa ginawa ni Natalie kanina. Dami din pinagdaanan nila Benj para sila pa rin ang maging champion.

“Congrats.”sabi ko kila Benj at nakipagapir dito. Binati ko din ang ibang kateam niya.

“Well, dapat ilibre ninyo ako. Laki ng naitulong ko para manalo kayo.”Pagmamayabang ni Natalie sa amin.

“Hug and Kiss na lang babe.”sabi ni Benj at binuka ang dalawang braso niya.

“Yuck…kung yan lang…wag na lang Benj. Ang baho mo pa.”maarte na sabi ni Natalie.

Nakita ko na inakbayan ni Benj si Natalie kahit na tinatanggal ni Natalie yung pagkakaakbay nito sa kanya. Hmmmp, dito pa nagPDA yung dalawang ito. Nakakainis lang.

Kinakausap ako ni Harry pero hindi ko naman naririnig dahil nakatutok yung mata ko sa dalawa.

“Wait lang Harry.”sabi ko at pinuntahan yung dalawa. At….

“Ano ba Claire? Hindi naman ako apoy para buhusan ng tubig.”inis na sabi ni Natalie sa akin.

“Naku…Sorry Nat. Dumaplis kasi sa kamay ko. Bibigyan ko sana si Benj ng tubig kasi mukhang nauuhaw na siya.”pagdadahilan ko kay Natalie kahit sa totoo lang sinadya ko talaga siyang tapunan.

Apoy naman talaga siya eh…Isang malaking apoy para sa akin. Hmmmp, kaasar talaga. Kung pwede ko lang sana siya paalisin ginawa ko na.

“Tara Nat. Nasa locker ko yung jacket ko. Iyon muna isuot mo.”sabi ni Benj kay Natalie at inaaya ito paalis.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon