10 Years Ago…
“Ang saya ko kasi nagkaroon ako ng kaibigang katulad mo.” Sabi ng batang babae habang nakatingin sa langit. Tumingin sa kanya ang batang lalaki.
“Ako din masaya ako kasi nakilala kita.” Sabi niya at hinawakan ang kamay ng batang babae.
Tahimik lang silang nakatingin sa langit. Tumayo ang batang lalaki kaya napatayo din ang batang babae. Nagulat ang batang babae ng lumapit ang batang lalaki sa kanya at hinalikan ito sa pisngi. Sa gulat ng batang babae ay nanigas ito sa kinatatayuan niya. Hinabol naman niya ang batang lalaki na kasalukuyang tumatakbo papalayo sa kanya.
Present…
[Kenneth’s POV]
“KENNETH!” Sigaw ng makulit at walang galang kong kapatid na si Kia.
“Ano ba? Gumalang ka naman sa kuya mo Kia.” Pinagalitan siya ni Mommy.
“Yaan mo na mommy,ok lang naman kay kenneth eh, di ba?” tapos humarap pa siya sa akin.
“Kenneth, sigurado ka bang girlfriend mo yung magandang babae kagabi?” eto na naman siya at nangungulit sa akin. Kagabi pa siya ganyan pagkauwi ko.
“Oo nga sabi eh. Bakit ba ayaw mong maniwala?” irita kong sabi sa kanya.
“Kasi naman,hindi kapani-paniwala. Kung ako nga,hindi ako nagagwapuhan sayo eh yun pa kaya? Baka naman blinack mail mo siya kaya pumatol sayo?” naupo pa sa tabi ko.
“Eh kung sinasapak kaya kita ngayon diyan?” sabi ko sa kanya. Makapagsalita akala mo hindi niya ako kapatid.
“Kasi ayaw talaga mag sink in sa akin na gf mo yun.” Kulit talaga. Kung ayaw niya maniwala, adeh wag.
“Bahala ka nga sa buhay mo.” Linayasan ko na siya dun sa sala. Gagayak na ako at baka mahuli pa ako sa klase ko.
Pagbaba ko sa sala, nakita ko namang paalis na din sila Mommy at daddy,pati na rin si Kia.
“Kenneth, isabay mo muna sa pagpasok mo itong kapatid mo, may dadaanan pa kasi kami ng mommy mo.” Utos sa akin ni daddy. Tumango na lang ako.
Nag simula na kaming maglakad ni Kia. Habang naglalakad kami,etong kasama ko walang tigil sa pagdaldal.
“Kenneth, mag ingat ka.” Sabi niya habang naglalakd ng patalikod.
“Bakit naman?”
“Kasi baka mamaya bigla ka nalang mabugbog lalo kang papanget niyan. Panget ka na nga,lalo pang papanget.” Pang aasar niya sa akin. Kung hindi ko lang to kapatid, baka matagal ko na tong pinatulan.
“Oy, si Jhaw oh?” turo ko sa likod niya.
“Weh? Di mo ako maloloko. Hindi naman dito dumadaan si Jhaw eh.” Sabi niya habang naglalakd pa din ng patalikod. Si Jhaw yung crush na crush niya sa school nila.
“Sige bahala ka. Umayos ka nga ng paglalakad, baka matisod ka. Nakakahiya makikita ka ng crush m----“ hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ng may matunggo siya at matumba siya. Ayan, ang bilis ng karma.
“Bata ok ka lang?” sabi nung lalaking natunggo niya.
“Arghhh! Naman kasi eh bakit hindi ka umi-----“ napahinto siya sa pagsasalita ng makita niya si Jhaw sa harap niya. Bigla siyang tumayo at namula. Nakakatawa itsura niya.
“Ah..a-ano…so-sorry Jhaw.” Nahihiyang sabi ng kapatid ko.
“Papa, halika na. Malalate na ako sa school.” Sabi ni Jhaw. Papa niya pala yung kasama niya.
“Pasensya na ha.” Sabi nung papa niya saka umalis.
Biglang humarap sa akin si Kia.
“Sinasabi ko sayo, wag kang tatawa!” sigaw niya sa akin.
“Ayan kasi. Nilalait mo ako kanina, pahiya ka tuloy sa crush mo. HAHAHAHA!” sabi ko saka ako tumawa at naglakad na ulit.
“AHHHH! Nakakainis ka Kenneth!” rinig kong sigaw niya at sumunod na din siya sa akin maglakad.
Pagdating namin sa school niya, nakasimangot pa rin siya.
“Sumasayad na nguso mo sa lupa. Umayos ka nga.” Nakabusangot kasi eh.
“Heh! Ewan ko sayo.” At pumasok na siya sa school gate nila.
Ako naman patuloy na naglakad papunta sa school namin. Habang naglalakad ako, may sumabay sa akin na lalaki. Paglingon ko, si Chezter pala.
“Goodmorning!” bati niya sa akin.
“Goodmorning din.” Bati ko ng may malaking ngiti sa aking mga labi.
“Oh? Ang laki ng ngiti ah? Baka mapunit na labi mo diyan.”
“Wala. May maganda lang na nangyari.” Sabi ko.
“Ikaw ha, mapaglihim ka na.”
“Ikukuwento ko sayo pero wag ngayon.” Sabi ko para hindi na nya ako kulitin.
Nakarating na kami sa school. Agad kaming pumasok sa room namin. Wala pa namang gaanong tao kaya lumabas muna kami ni Chezter sa room at bumaba sa canteen. Nakasalubong naman namin si Liwayway sa pagbaba namin. Iika ika siya maglakad.
“Anong nangyari sayo?” tanong ko sa kanya.
“Ah kasi tatanga tanga yang si My Way. Akalain mo ba namang sagiin yung pako,para namang kaya niya yun.” Sagot ni Chezter.
“Hoy,ikaw ba tinatanong ha?” inis na sabi ni Liwayway kay Chezter.
“Hindi. Pero totoo naman na sinagi mo yung pako eh.”
“Anong sinagi? Malay ko bang may pako dun.”
“May malay ka nun My Way. Kaya wag mong itanggi.”
Eto na naman sila. Maiwan nga lang sila at ako’y bababa muna sa canteen. Pagbaba ko sa canteen, nakita ko si Savannah.
“Hello Savannah.” Sabi ko sa kanya. Tinignan lang niya lang ako at hindi man lang nagsalita. Iniiwasan niya ba talaga ko. Pero pagkatapat niya sa akin, may ibinulong siya.
“Kenneth, may sa----“
“SAVANNAH!” napahinto siya sa pagsasalita ng tinawag siya ni Claire.
“Tara na. Akyat na tayo.” Aya sa kanya ni Claire. Hindi na muling tumingin sa akin si Savannah at tuluyan ng umalis.
Ano kaya yung sasabihin niya? Baka naman wala lang yun. Hayaan na lang.
A/N: Nakakagutom talaga magsulat >.< Nakakaubos ng energy. Salamat sa mga sumusubaybay :D
Sorry short update..pero promise, mahaba na yung kasunod.. Dedicated to Jhaw, kasi nandito siya sa chapter na ito haha..
Next Chapter Title: Enchanted
-KIRIN
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...