CHAPTER 31: I HEART YOU

1.1K 23 2
                                    

[Kenneth’s POV]

Sobrang special ng araw na ito para sa akin. Sobrang saya ko din dahil pinatawad na ako ni Natalie.  Hindi din naman kasi namin inaasahan ni Savannah na mangyayari ang ganun lalo na at vacation pa namin yun,kaya naiintindihan ko si Natalie kung nagalit man siya sa amin ni Savannah.

Pagbaba ko sa sala, nakita ko si Kia na nag bibihis na. Kakagaling lang yata niya sa school. 

“Excited ka ah.” Sabi niya habang tinatanggal ung sapatos niya.

“Hindi naman masyado. Mamaya ha, baka naman ikaw pa ang mawala.” Pag papaalala ko sa kanya.

“Hindi noh. Ako kaya ang star mamaya hahaha.” Tawa pa niya.

Star daw eh hindi naman para sa kanya yung mangyayari mamaya.

“O sige na, mauna na ako sayo dun. Ihahatid naman ako nila mommy eh.” Paalam niya sa akin. 

Tumango na lang ako at umakyat ulit sa kwarto ko para magbihis. Ngayon pa lang kasi ako papasok sa school,hindi ako pumasok kaninang umaga. Okay lang naman yun kasi ngayong week na ito,walang klase  dahil preparation ng bawat section para sa kanya kanyang booths/stalls.

Habang naglalakad ako papasok ng school gate, biglang may umakbay sa akin. Pagtingin ko si Chezter pala.

“Tuloy na tuloy ba talaga?” tanong niya.

“Oo naman. Handa na nga eh. Patapos na daw sabi ni Savannah.” Sabi ko sa kanya.

Nagpatuloy lang kami ni Chezter sa paglalakad.

“Si Liwayway nga pala?” bigla kong natanong sa kanya. Pansin ko kasi hindi na sila nag uusap or nakikitang sabay sa paglulunch. May nangyari bang hindi ko alam?

“Ah..hindi siya makakasama mamaya, alam mo naman yun busy.” Sabi niya ng may malungkot na boses.

Tumango na lang ako sa sinabi niya, sabagay, busy nga naman si Liwayway. Pero may nasesense akong parang may mali.

“Chezter, may problema kayo ni Liwayway?” 

Napatingin siya sa akin bigla.

“W-wala. Maliit na problema lang naman iyon at kayang kaya namang ayusin.” Sabi niya sabay ngiti ng matipid.

Napa “Ah” na lang ako sa kanya. Maayos na naman daw eh kaya hindi ko na lang papakielamanan pa ang problema nila. Sa ngayon, yung ‘project’ na iyon ang aasikasuhin ko.

Agad kaming nagtungo ni Chezter sa school ground para tumulong sa kanila.

[Natalie’s POV]

Late na ako pumasok sa school, kung tutuusin, tanghali na nga eh. Wala naman na kasing klase ngayon. Maaga ding pumasok si Claire, may kelangan daw kasi siyang gawin.

Pagpasok ko ng school gate, nanibago ako, wala kasing bumabati man lang sa akin ng “Good Afternoon Natalie” tulad ng dati. Hinayaan ko na lang at naglakad na lang para hanapin ang ibang members ng DRM,pero sa kasamaang palad, ni anino ng isang member ng DRM, wala akong nakita kahit si Savannah.

Siguro ay nandun sila sa music room at nagpapractice. Habang patungo ako sa building, may napansin akong mga pink arrows na nakadikit sa mga puno at iba pang mga bagay. May nakasulat sa mga pink arrows na iyon.

“Natalie, this way to fantasy.” Basa ko dun sa nakasulat. Sa bawat arrow na makikita ko, ganyan ang nakasulat.

At dahil inatake ako ng kuryusidad ko, sinundan ko ito at dinala naman ako nito sa isang stage na may nakatabing na pulang kurtina. Nasan ang fantasy dito? Eh mga estudyante lang naman at isang empty stage ang nandito. Pinagloloko ba nila ako? Kung sino man gumawa nito, makakatikim sa akin.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon