CHAPTER 65: COLD-HEARTED

701 20 0
                                    

[Natalie's POV]

"Ok. Last one. 1...2...3..."sabi nung photographer sa akin at sabay pose ko ulit sa camera.

"Good job."lumapit siya sa akin para kamayan ako.

"You too Jorge. Sana magkatrabaho ulit tayo."nakangiti ding sabi ko sa kanya. Magaling naman talaga siyang photographer. Hindi ako naiilang sa kanya, siguro dahil ilang beses na din kami nagkatrabaho at nagkasama sa isang project.

Naglakad ako papunta sa pwesto nila Mariah at Britney. Eight na ng gabi, buti naman natapos na din yung photoshoot na ito.

"Mariah, paki alis na yung make up medyo nangangati na kasi ako eh."naiiritang sabi ko sabay upo dun sa upuan na nasa tabi nila. Medyo pagod na din kasi ako at hindi ko na din matagalan na may kung ano ano ang nasa mukha ko.

"Sure Baby. Mukhang uwing uwi ka na ah?"maarteng pagkakasabi ni Mariah sa akin habang pinupunasan ng basang bulak yung mukha ko para matanggal yung make up ko.

"Uwing uwi na? O baka may date pa kayo ni Papa Kenneth."nanunuksong sabi ni Britney sa akin.

"Echoserang bakla."pairap na sabi ko sa kanya sabay pikit para mabura ni Mariah yung eyeshadow ko.

"Sabagay. Kung ako ba naman ang may ganong kagwapong papa, hindi ko hahayaang mawala sa paningin ko yun."malanding sabi ni Mariah na ngayon ay tinatanggal na niya yung fake eyelashes ko.

"Hindi din naman siya dehado sa alaga natin noh? Pamatay kaya ang beauty nyan."pagmamalaki naman sa akin ni Britney. Napangiti na lang ako sa usapan nila.

"Kaya nga bagay sila ni Papa Kenneth eh."sabi ni Mariah kay Britney."Ayan Baby, ok na."

"Thanks Mariah. Pahelp na din ako sa pag unzip nitong dress. Hindi ko kasi abot sa likod eh."sabi ko sa kanya sabay tayo at talikod kay Mariah. Nasa likod kasi yung zipper ng dress na suot ko.

"Gusto mo Nat. Ako na lang tutulong sayo."nakangising sabi ni Paul na nakalapit na pala sa amin. Freelance model din siya katulad ko. At may mga project na din kaming pinagsamahan.

"No but anyway thanks."liningon ko siya at matipid na nginitian. Alam ko na dati pa nagpapahangin na siya sa akin pero lagi ko naman sinasabi sa kanya na wala siyang mapapala sa akin. 

"Ako na pala Mariah. Kaya ko na."sabi ko kay Mariah pagkatapos ay humarap dito. "Punta lang akong dressing room."

"Papa Paul, ako na lang kasi ang ligawan mo. Sasagutin kita agad."narinig kong sabi ni Mariah kay Paul habang papunta ako ng dressing room.

Pagdating ko sa dressing room, linock ko agad yung pinto at nagpalit na ng damit ko. Nakakapagod na din yung trabaho kong ito pero kailangan ko magtiis para mapanindigan ko yung pagiging independent ko. 

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng dressing room at pununtahan ko ulit sila Britney.

"Brit, where's my phone?"tanong ko agad sa kanya ng makalapit ako. Kinuha naman niya agad sa bag niya yung Iphone 6 ko at ibinigay sa akin. Kapag kasi nasa photoshoot ako ay siya ang nagtatago ng phone ko.

"Packed up lang kami. Tapos alis na tayo."sabi ni Britney sa akin habang nagaayos na ng mga gamit namin. Umupo naman ako sa upuan na nandun at tinignan yung phone ko. May 2 missed calls na galing kay Mama. Wala man lang text at missed call kay Mine? Nakakapagtampo naman.

Dinail ko yung number ni Kenneth at tinawagan ito. Ilang segundo din bago niya sagutin yung tawag ko.

"Mine, tapos na yung photoshoot ko. Pwede ba tayo magkita ngayon?"sabi ko sa kanya nung sagutin niya yung tawag ko.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon