10 Years Ago…
“Dumating ka.” Sabi niya ng nakangiti.
“Oo, hindi ba sabi mo magkikita pa tayo?” umupo na rin siya sa swing. Kinuha ng batang babae ang aso sa bisig ng batang lalaki.
“Kumusta ka na Flappy? Namiss mo ba ako?” tanong niya sa aso at dinilaan lang siya nito sa pisngi.
Tumitig ang batang lalaki sa aso at sa batang babae at bumulong. “Ang ganda niya.”
Nilaro laro nilang dalawa ang aso na para bang sila talaga ang mommy at daddy nito. Nang mapagod na sila ay nahiga sila sa madamong parte ng playground.
“Ang saya ko kasi nagkaroon ako ng kaibigang katulad mo.” Sabi ng batang babae habang nakatingin sa langit.
Present…
[Claire’s POV]
Ba, Ba, Ba, Ba, Bring the beat in! Honey, honey
I can see the stars all the way from here….
Napatigil ako sa paggawa ng assignment ko ng makita ko na tumunog ang Iphone 5s ko. Pagtingin ko sa screen si Benj pala ang tumatawag. Agad agad ko sinagot ang tawag niya.
“Oh Benj, Napatawag ka?”sabi ko sa kanya pagkasagot ng tawag niya.
“Nandito ako sa labas ng bahay ninyo. Kailangan ko ng makakausap Claire.”malungkot na sabi niya sa kabilang linya.
“Sige. Lalabas ako. Wait lang ah?”binaba ko na yung Iphone 5s ko at nagbihis ako saglit para labasin si Benj.
Nakita ko siya nakasandal sa kanyang motor. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Hay naku, wag mo nga ako ngintian ng ganyan kaya lalo ako naiinlove sayo eh, sa loob loob ko habang papalapit sa kanya.
“Oh bakit naligaw ka yata dito?”nakangiting tanong ko sa kanya. Naamoy ko na amoy alak siya. “Kailan pa naging pabango ang alak ngayon?”pangaasar ko sa kanya.
“Si Natalie kasi, hindi niya sinasagot tawag ko sa kanya tapos nalaman ko pa na magkasama pala sila nung Nerd na yun kanina.”malungkot na pagkwekwento niya sa akin.
NP: Kung Ako Na Lang Sana by Sarah Geronimo
Heto ka nanaman
Kumakatok sa aking pintuan
Muling naghahanap ng makakausap
At heto na naman ako
Nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan…
“Bakit ganon Claire? Hindi ba pwedeng ako na lang? Na sa akin na lang siya?”patuloy pa rin niyang sabi sa akin.
Well, ano pa ba ang bago? Lagi naman ganito eh. Kapag nasasaktan siya sa mga ginagawa sa kanya ni Natalie sa akin siya tumatakbo at naglalabas ng mga sama ng loob niya.
Ewan kung bakit ba
Hindi ka ba nadadala
Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan nya
At ewan ko nga sa'yo
Parang bale wala ang puso ko
Ano nga bang meron siya
Na sa akin ay di mo makita…
“Hindi ba dapat sanay na ako?”ngumisi siya.”Pero hindi pa rin eh, nasasaktan pa rin ako kapag nababalitaan ko na may iba na naman siyang dinadate. Lagi naman niya talaga minumurder itong puso ko, di ba?”sabay turo niya sa dibdib niya. Kitang kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Ficção AdolescenteSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...