[Natalie’s POV]
Magkikita pa kaya kami nung taong matagal ko ng hinihintay?
Dadating pa kaya ulit yung araw na magkakasama ulit kami gaya ng dati?
At kapag ba dumating yung araw na iyon ay makikilala pa ba namin ang isa’t isa?
Kapag ba nagkasabay kami sa elevetor…
Kapag ba nagkasalubong kami sa daan…
Kapag ba magkatabi lang kami sa pila…
O kaya katabi ko lang siya ng upuan…
Makikilala ko pa kaya siya? Mararamdaman ko ba na siya iyon? O hindi na?
Arf…Arf…Arf…Arf…
Nagising ako dahil sa pagtahol at pagdila sa pisngi ko ng aso kong si Flappy. Dumilat ako….at nakita ko na nakatingin lang siya sa akin.
“Oo Flappy. Alam kong kailangan ko na pumasok sa school. Pero masama yata pakiramdam ko.”nakangiting sabi ko sa kanya sabay ubo.
Parang ang sama kasi ng pakiramdam ko ngayon at hirap na hirap ako bumangon. Buti na lang kasama ko sa bahay si Flappy, kahit papano may nagpapasaya sa akin. Kaya naman malaki ang pagpapasalamat ko dun sa batang nagbigay sa akin kay Flappy ten years ago.
Kinuha ko siya at pinaglaruan ko yung puti niyang balahibo. Kahit papano natatanggal yung stress ko kapag hinahawakan ko siya.
“Aiigooo…Mam Natalie…tanghali na bakit po hindi pa kayo bumabangon?”narinig kong sabi ng maid ko na si Grasya ng makapasok siya sa loob ng kwarto ko.
“I’m not feeling well.”walang ganang sagot ko sa kanya.
“Juskoh po…ang init mo po Mam. Sige po, wag na lang muna kayo pumasok. Tatawag na lang po ako sa school ninyo at ikukuha ko na din po kayo ng gamot.”sabi niya sa akin pagkatapos hawakan ako sa noo ko at lumabas na ng kwarto ko.
Siguro nga tama ang Dad ko nung ibinigay niya sa akin si Grasya para maging maid ko. Nung una kasi ayoko…ayoko na kasi umaasa pa sa kanila. Kaso ayaw nila pumayag ni Mama kung gusto ko daw tumira sa condo isama ko daw si Grasya. Kaya wala na ako nagawa kundi tanggapin si Grasya kahit ayaw ko man.
Matagal na kasi hiwalay ang parents ko, 10 years ago pa, dahil may ibang babae si Dad kaya dahil dun kung bakit gustong gusto ko pinaghihiganti yung mga babaeng pinaiiyak at pinaglalaruan ang mga babae. Sa loob ng 6 years, si Mama ang nakasama ko sa States…nung naghighschool na ako nun lang ako ibinalik ni Mama kay Dad…dahil dun feeling ko isa akong laruan na pinagpapasahan lang nila.
Madaming nagsasabi na naiingit daw sila sa akin. Akala kasi nila masaya maging isang anak ng isa may ari ng pinakamalaking kumpanya dito sa Pilipinas at isang sikat na ophthalmologist sa States. Pero kung ako tatanungin mas maiinggit ako sa mga anak na may buo ang family at masaya, ako kasi hindi masaya.
Nung kinuha ako ng Mama ko para sa states na kami tumira simula nun naging independent na ako. Ayaw ko na umasa pa sa kanila. Siguro nga dahil din masama ang loob ko sa pagkakahiwalay nila.Simula nun naging freelance model ako at naging vocalista ng DRM. Akala ng iba libangan ko lang yung mga yun pero hindi…dahil ang totoo ako nagbibigay ng allowance at pangtuition fee ko. Pero minsan pinipilit pa rin nila tanggapin ko mga bagay na binibigay nila tulad ng condo, kotse at si Grasya na maid ko.
Pati din ang pagbabalik ko dito sa Pilipinas ay ipinilit lang sa akin ng Mama ko. Kalimutan ko na daw ang mga nangyari nuon at gusto na daw bumawi ng Dad ko sa akin. Dahil hindi naman siya titigil sa kakakulit sa akin pumayag na din ako.
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...