CHAPTER 47: COME BACK

1K 17 1
                                    

[Natalie's POV]

One year after....

"Good morning babe."nakangiting sabi ni Benj sa akin sabay halik sa pisngi ko. 

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya at sumakay naman na ako dun sa passenger seat. Sinara na niya yung pinto at sumakay na din siya sa kotse. Lagi kasi niya ako dinadaanan sa condo unit ko para sabay kami pumasok kapag parehas kami ng schedule. 

Halos isang taon na din ang lumipas at ngayon first day ng pagiging second year college namin. Bilis ng panahon noh?

Sa West Ville University kami nag-aaral ngayon. Kasama ko ang DRM at sila Savannah at Chezter sa school kaya madalas pa rin kami magkita kita dahil magkakaiba lang naman kami ng course. Si Claire at Benj ang course nila ay Business Administration, si Savannah ay Culinary, si Louis ay Engineering, si Harry ay Fine Arts, si Chezter ay Doctor of Veterinary Medicine at ako naman Fashion Design and Arts.

Fashion and design ang kinuha ko dahil yun naman talaga hilig ko kahit na tutol si Mama na yun ang kuhanin ko. Gusto kasi niya mag medicine ako katulad niya eh, si Dad naman syempre business administration tulad nila Benj dahil ako daw ang magmamana ng company namin. At syempre pasaway ako, hindi naman nila ako napasunod. Lalo na ako pa rin naman nagbabayad ng tuition fees ko.

Napatingin ako kay Benj na busy sa pagdadrive. Halos isang taon na din kami, masaya naman ako sa kanya at hindi ko naman pinagsisisihan na siya ang naging boyfriend ko. Sabi nga nila sa school perfect couple daw kaming dalawa. Swerte daw ako sa kanya at swerte din siya sa akin.

Ilang minuto lang ay nasa parking na kami ng school. Halos lahat ng mga student dito ay mga nakakotse kapag pumapasok sabagay mayayaman kasi halos lahat ng nagaaral dito eh. 

Pinagbukas ako ni Benj ng pinto at kinuha yung mga gamit na dala ko. Kahit na matagal na kami hindi pa rin nagbabago yung pagiging sweet niya sa akin. 

Magkahawak ang kamay na pumasok kami sa school. Pero dahil maaga pa naman para sa mga klase namin pumunta muna kami sa tambayan namin sa school. Syempre kahit dito nakakuha na kami ng place namin na matatambayan. Kaya din naman kami maagang pumasok ni Benj para makita yung mga kaibigan namin dahil panigurado nasa tambayan na yung mga yun.

Hindi nga ako nagkamali halos kumpleto na sila Claire, Savannah, Louis, Harry at Chezter na masayang nagkukwentuhan.

"Hey, love birds."nakangiting bati ni Harry sa amin ni Benj.

"Love birds? Bakit? Hindi naman sila ibon ah? Wala naman silang pakpak."nagtatakang tanong ni Chezter sa sinabi ni Harry.

Nagtawanan na lang ang lahat dahil sa sinabi niya at ako din. Kahit kailan talaga si Chezter, weirdo pa rin. Pero tanggap naman na namin yung pagiging weirdo niya, siya nga din halos palagi ang nakakapagpasaya sa amin eh. Sa loob ng isang taon din kasi naging mas close sa amin si Chezter at masasabi ko na din na isa na siya sa mga kaibigan ko.

"Tangek, para lang kaming love bird. Yun ang ibig sabihin ni Harry."sabi ko kay Chezter at umupo sa tabi niya. Binaba lang ni Benj yung mga gamit ko sa table at lumapit kila Harry at nakipagapir bago umupo sa tabi ng mga ito.

"Ganon ba?"napakakamot ulong sabi niya sa akin. Ang cute niyang tingnan kapag ganon siya. May naalala tuloy akong tao na katulad niya. 

Nasaan na kaya siya ngayon? Kamusta na kaya siya? 

Naku, bakit ba naisip ko na naman yung nerd na yun? Dapat hindi ko na siya isipin pa dahil sigurado naman ako hindi na din naman niya ako naiisip.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon