CHAPTER 15: PAYBACK TIME

1.2K 22 0
                                    

10 Years Ago…

“Anong nakakatawa sa sinabi ko?” takang tanong ng batang lalaki.

“Ang cute mo kasi mahiya.” Sabay kurot sa pisngi nito.

“Aray ha! Sadista ka.” Hinimas himas nito ang pisngi niyang namumula na.

“May naisip ako.” sabi ng batang lalaki.

“Ano yun?” sabi ng batang babae habang nilalaro si Flappy.

“Nakikita mo yun?” turo niya sa punong hindi naman kalakihan o kaliitan. Katamtaman lang ang laki nito. Tumango naman ang batang babae.

“Gawa tayo ng tree house.” Sabi ng batang lalaki habang nakangiti.

Present…

 

[Kenneth’s POV]

Late na ako nakauwi kagabi dahil hinintay ko pa yung sundo ni Natalie na driver nila Claire. Mag mamadaling araw na din nung nakauwi ako. Mabuti na lang, weekend ngayon at pwede akong gumising ng tanghali. Tuwing Friday kasi ang gig nila Natalie sa The Hikari.

Hindi nga pala ako pupunta sa shop namin ngayon dahil medyo masakit ang katawan ko dahil dun sa kagabi. Inalalayan ko kasi si Natalie hanggang sa dumating yung driver niya. Pagbaba ko sa sala, nakita ko si Kia na prenteng prente sa pagkaka upo niya at nanunuod ng tv. Naalala ko yung nangyari sa kanya nung isang araw.

“Oh! Goodmorning Tenten. Late ka na gumising, batugan..” Sabi niya na ngiting ngiti pa.

“Umagang umaga,wag mo akong simulan Kia, baka gusto mong ipaalala ko sayo ung kahihiyang nangyari sayo nung isang araw?” sabi ko at nagsmirk sa kanya.

Bigla naman nawala ang ngiti sa mga labi niya at sumimangot.

“WAHHHHHHHHHHHHH! Wag mo na ipaalala pwede ba?” binbalibag niya sa akin yung unan na nasa tabi niya. Nasalo ko naman yung unan.

“Bakit nakakahiya ba?” patuloy kong pang aasar sa kanya.

“Tama na kasi.”

“Sabihin mo muna na ‘Kuya Tenten,ang gwapo gwapo mo, bagay kayo ni Ate Natalie’.” Utos ko sa kanya at tumabi sa kanya sa pagkakaupo niya sa couch.

“Ayoko nga.” At tinalikuran ako.

“Eh sige ka,lagi ko ipapaala sayo yun, gusto mo ikwento ko pa kila Mommy.” Bigla siyang humarap sa akin.

“Ang sama mo talaga.” Sabay pout.

“Ikaw kaya tong masama. Nilalait mo ako. Dali na kasi, madali lang naman yun eh.” Pagpupumilit ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin. Nagmamatigas pa talaga.

“Sige bahala ka.” At tumayo na ako at lumakad papunta sa kusina.

“KUYA TENTEN!!!!” sigaw niya pero hindi ko siya nililingon.

“Arghhhh. Eto na.” huminga siya ng malalim.

“KuyaTentenanggwapogwapomobagaykayoniAte Natalie.”mabilis niyang sabi.

“Ano? Hindi ko naintindihan?” kahit naintindihan ko naman talaga. Gusto ko lang na bagalan niya.

“AHHHHH! Ayoko na! Di ko na uulitin.” At narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Malamang yun, nagpunta na naman sa club house at maglalaro kasama mga friends niya dito sa village. Napailing na lang ako at napangiti,ang sarap talaga asarin nung kapatid kong yon.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon