CHAPTER 55: COUPLE'S GOLDFISH

875 15 0
                                    

[Chezter's POV]

Nasa tapat ako ng mcdo at hinihintay si Bea. Ngayon kasi yung usapan namin na pupunta kami sa art exhibit. Neexcite ako, ngayon lang kasi ako makakapunta sa isang art exhibit. Matagal ko na kasing pangarap magpunta sa ganun kaya lang hindi naman ako makapunta dahil wala akong kasama. Ayaw akong samahan ni Kenneth.

Wala pang 15 minutes akong nakatayo sa tapat ng mcdo ng matanaw ko si Bea. Ang ganda naman yata ng suot niya para lang sa isang art exhibit? May iba pa ba siyang pupuntahan at ang ganda ng gayak niya? Plain blue,3/4 sleeves at mid length dress with matching belt at saka pink na sling bag. Tapos naka black sexy cut out lace heels siya. Di naman kami magdadate ah? Bakit ganyan gayak niya?

"Kanina ka pa ba?" tanong niya agad sa akin ng makalapit siya sa pwesto ko.

"Hindi naman, nauna lang ako sayo ng 15 minutes. Bakit pala ganyan suot mo? May pupuntahan ka pa bang iba?" tanong ko habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa.

"Ah, hindi naman. Special lang kasi tong araw na ito para sa akin. Hehe." nahihiya niyang sabi sa akin.

"Ah..Bakit ano bang meron ngayon?"

"H-ha? Wala wag mo ng alamin. Tara na, para maenjoy natin ung exhibit." yaya niya sa akin.

Lumabas na kami ng mall at nagtaxi na lang para mabilis kaming makapunta doon. Nakakahiya din naman kasi kung magjeep kami eh ganda ng suot niya. Ako? Anong suot ko? Simple lang. White long sleeved polo at maong lang, syempre saka rubber shoes, alangan naman naka tsinelas ako di ba? Haha.

Nakarating na kami sa exhibit. Marami rami ring tao yung nandito ngayon. Nakakatuwa kasi ang laki nung lugar tapos ang dami pang nakadisplay na mga animals and insects. Gusto ko silang iuwi lahat, ang cute nila eh.

"Chezter, tignan mo oh. Ang cute nung painting, sa unang tingin akala mo parang binaboy lng yung gawa, pero pag matagal mo ng tinignan, makikita mo yung talagang nakapaint." sabi ni Bea habang nakatingin dun sa painting.

Lumapit naman ako dun at tinignan ung painting na sinasabi niya.

"Asan? Di ko makita." di ko naman talaga kasi makita eh. Kaya ayaw ko ng mga abstract painting eh. Di mo na nga makita yung pinaka pinaint, mukang binaboy pa yung mga kulay.

"Ayun oh, kita mo ito, ito yung mama bear, ito naman yung papa bear at itong pinaka maliit ung baby bear." paliwanag niya habang tinuturo yung mga bilog na hindi ko naman maintindihan kung bear ba talaga.

Pilit kong pinipihit yung ulo ko pakanan at pakaliwa para makita ko yung sinasabi niya kaya lang hindi ko talaga makita eh. Mukha na nga yata akong tanga sa ginagawa ko eh.

"Hindi ko talaga makita eh. Pasensya na. Ayoko talaga ng abstract." simangot kong sabi sa kanya.

Nagulat na lang ako ng hawakan niya yung magkabilang pisngi ko mula sa likod ko at inilapit yung mukha ko sa painting.

"Tignan mo kasi mabuti."

"Hindi ko nga makita eh, naduduling na ako."

Narinig ko naman yung buntong hininga niya.  Binitawan na rin niya ako pagkatapos at hinarap ko siya. Malungkot yung mukha niya.

"Bakit malungkot ka?"

"Kasi favorite ko yung mga abstract painting eh. Gusto ko sana na maappreciate mo yung mga ganung klase ng painting kaso mukang hindi mo yata gusto. Ang cute cute nga nung painting eh." malungkot na sabi niya.

"Er, sorry naman. Ayoko talaga ng ganun eh ang gulo sa utak."

"Hmp, nakakainis ka."

Napabuntong hininga na lang ako. Sayang naman yung pinunta namin dito saka yung outfit niya kung malulungkot lang siya di ba? Pasasayahin ko na lang siya. Ah, alam ko na.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon