[Chezter’s POV]
Hay, ang boring ng buhay ko, dati naman hindi ganito ah. Wala ako sa mood makipaglaro sa mga alaga ko ngayon. Si Tenten, ilang araw ko ng hindi nakakasama, miss ko na siya. Si My Way naman, super busy sa preparation ng school festival. Next week na kasi yun eh. Ano bang magandang gawin? Siguro, puntahan ko na lang si My Way sa school. Tama, mang gugulo na lang ako dun haha.
Gumayak ulit ako at nagpunta sa school. Pagkadating ko sa school, marami pa ring tao kahit na maaga kaming pinauwi dahil sa faculty meeting. Yung iba busy sa paghahanda ng mga booths/stalls nila para sa school festival. Didiretso na lang siguro ako sa gym, nandun siguro yun at busy sa pag aayos. Habang naglalakad ako, may nabunggo akong isang lalaki. Hay, ang tanga naman, hindi tumitingin sa daan.
“Sorry.” Sabi niya sa akin at yumuyuko pa.
“Okay lang. Tingin ka na lang siguro sa dinadaan mo next time.” Cold kong pagkakasabi sa kanya.
Tatalikod na sana ako ng magsalita siya.
“Hmmm. Pwedeng magtanong?”
“Nagtatanong ka na nga eh.”
“Ito ba yung Barden University?”
“Oo, bakit?”
“Ah, wala sige salamat.” Nagbow ulit siya sa umalis.
Tinanong ko ng bakit ang sagot wala? Tinong kausap nun ah, abnormal. Psh. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa gym. Pagkapasok ko, nakita ko naman kaagad si My Way. Hindi ko alam pero bigla akong nangiti nung makita ko siya. Namiss ko nga yata ang babaeng ito haha. Nilapitan ko siya pero mukang hindi niya ako napapansin kaya…
“BULAGA!” ginulat ko siya at naibuhos naman niya sa akin yung pinturang hawak niya. How nice T.T
“Ano ba bakit mo ako binuhusan ng pintura? Muka ba akong pader?” sabi ko habang pinapahid ng kamay ko yung muka kong may pintura. Pati damit ko natapunan. Bagong laba pa naman yun.
“Eh bakit ka ba kasi nang gugulat? Ayan tuloy natapon sayo. Di bale bagay naman.” Sabi niya habang nakangiti.
“Eh kasi hindi mo ako napansin kanina, kaya ginulat kita. Pero alam mo dapat patas tayo eh. Eto sayo.” Tinapunan ko din siya nung pintura sa muka at damit niya. Ayan, pareho na kami haha.
“Yon! Quits na tayo My Way!” sigaw ko habang tumatawa pa.
“AHHHHHH! Lagot ka sa aking mani ka!” sigaw niya habang pinapahiran yung pintura sa mukha niya.
Hinabol niya ako kaya napatakbo ako. Naghahabulan kami sa loob ng gym. At dahil maikli biyas niya, hindi niya ako mahabol. Sa huli, sumuko din siya.
“Lagot ka talaga sa akin. Wag kang magpapakita sa akin.” Pagbabanta niya sa akin.
“Kung ayaw mo akong makita, pikit ka na lang forever haha.” Pang aasar ko sa kanya.
“Ayieeeee! Ang sweet nyo naman. Ganyan na ba ang way ng pagbabanatan ha? Hindi na words kundi actions na?” sabi ni Cheska, yung classmate ni My Way.
“Ano kamo?” sabi ni My Way. Ako din eh hindi ko gets yung sinabi niya.
“Sabi ko imbis na sabihin nyo na lang yung pick up line eh ginawa nyo pa. Yung pick up line na ‘Pintura ka ba? Kasi you give color to my life’..yung ganon!” tapos tumawa pa siya ng malakas.
“Oo nga. Nagsabuyan sila ng pintura haha. Galing mo Cheska, naisip mo pa yun.” Dagdag naman nung isa pa nilang kasama na babae.
At sunod sunod na kantyaw ang natanggap namin mula sa mga kasama niya. Napapangiti na lang ako.
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Novela JuvenilSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...