10 Years Ago…
"Tree house?" tanong ng batang babae.
Tumango ang batang lalaki.
"Paano naman tayo makakagawa eh wala naman tayong gamit?"
"Meron. Ako na bahala." at nginitian ng batang lalaki ang batang babae.
Bigla namang tumahol si Flappy kaya napalingon silang dalawa dito.
Nagwawave ang buntot nito at nagtatatalon na parang sinasabi na laruin siya. Nilapitan siya ng dalawang bata at nagsimulang laruin ito.
Present…
[Claire’s POV]
Well, Monday na naman...Hindi ko man lang masulit yung weekend, sana magbakasyon na para bonggang out of town or out of the country kami.
Good Morning Natalie…Good Morning Claire.
Narinig kong bati sa amin ng mga kapwa naming estudyante habang naglalakas kami papasok ng classroom namin.
“Good Morning din.”nakangiting bati ko sa kanila habang si Natalie naman ay syempre wala pa ring pakielam.
Dahil nga busy ako sa mga bumabati sa amin habang naglalakad, hindi ko napansin ang biglang paghinto ni Natalie sa paglalakad kaya ayun nabunggo ako sa likod niya.
“Aray naman Nat. Bakit huminto ka bigla? Nabunggo tuloy kita.”reklamo ko sa kanya habang himas himas yung noo ko na tumama sa likod niya.
Tiningnan ko yung tinitingnan niya. Nakita ko si Kenneth kasama si Chezter pero ang kinagulat ko ay yung itsura ni Kenneth. Hindi naman sa panget siya kaya nagulat ako. Matagal ko naman na alam yun eh. Nakakagulat kasi ang dami niyang pasa sa mukha tapos yung katawan niya halos tadtad ng Salonpas.
Tumingin ako kay Natalie. Kung nagulat ako sa itsura ni Kenneth ng makita ko siya mas nagulat ako sa expression ng mukha ni Natalie ngayon. Pag-aalala ba yung nakikita ko sa mukha niya?
Bigla siyang lumapit kila Kenneth, sumunod ako sa kanya.
“Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo?”galit na tanong ni Natalie sa kanya.
“Eh---Ano kasi...Napagtripan kasi ako ng mga tambay sa kanto namin.”nakayukong sagot ni Kenneth sa kanya.
“Tsk…At pumayag ka naman mapagtripan ka? Dapat lumaban ka…kalalaki mong tao eh nagpapaabuso ka sa kanila.”galit na galit na sabi ni Natalie kay Kenneth at linagpasan ito at dumiretso na sa classroom namin.
“Uhm…Good Morning.”alanganing bati ko sa kanila.
“Bakit nagsinungaling ka? Dapat sinabi mo kay Natalie.”narinig kong bulong ni Chezter kay Kenneth.
Hindi ko alam kung ano iyon pero may palagay akong hindi nagsabi ng totoo si Kenneth kay Natalie.
……………………….
“Nat, di ba kahapon yung photoshoot mo kasama si DJ? Ano gwapo ba siya sa personal? Magkwento ka naman.”pangungulit ni Savannah kay Natalie. Wala kasi yung teacher namin kaya eto tsikahan ang ginagawa ng buong klase.
“Wala ako sa mood magkwento Sav. Kayo ni Claire na lang magusap.”matamlay na sagot ni Natalie kay Savannah at tinutok ang atensyon sa paglalaro ng 2Fuse sa Iphone 6 niya.
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...