CHAPTER 51: LETTING GO

945 18 0
                                    

[Natalie's POV]

"Nandito na ulit siya sa Pilipinas. I guess dapat lang na ibalik na kita sa kanya."sabi ko kay Flappy habang nakakandong siya sa hita ko at hinihimas ko yung maputi niyang balahibo. 

"Ayaw ko man pero alam ko ito ang dapat kong gawin tutal pinahiram ka lang naman niya talaga sa akin eh."naluluhang sabi ko kay Flappy. Tumahol tahol naman sa akin si Flappy para bang may sinasabi siya sa akin at nagulat na lang ako ng marahang kinagat ni Flappy yung thumb ko.

Napangiti ako sa ginawa niya at niyakap siya."Hmmm, mamimiss kita."

"Tara na Flappy."sabi ko sa kanya at binaba na siya sa sahig. Sinuot ko din sa kanya yung tali niya at lumabas na kami ng kwarto.

Nagdrive ako gamit yung kotse ko papuntang Mango Thirteen kasama si Flappy. Sunday ngayon kaya nagbabaka sakali ako na nasa Mango Thirteen si Kenneth. 

Nang makarating kami sa Mango Thirteen pinarada ko yung kotse ko, tiningnan ko si Flappy na tahimik lang nakaupo sa passenger seat. Kinuha ko siya at bumaba na kami ng kotse.

Tiningnan ko muna ang Mango Thirteen. Ang tagal ko na din pala hindi nagpupunta dito. Simula kasi ng maghiwalay kami ni Kenneth iniwasan ko na pumunta dito dahil dito sa lugar na ito kami maraming memories.

Huminga muna ako ng malalim at pumasok na ako sa loob ng Mango Thirteen kasama si Flappy. Linibot ko yung paningin ko at hinanap si Kenneth. Nakita ko naman agad siya na nasa counter. Hindi ako nagkamali na tumutulong pa rin siya pagweekend sa business nila.

May kausap siyang dalawang babae na mukhang umoorder. Nakita ko na napatingin siya sa akin pero binalik din niya yung tingin niya dun sa dalawang babae. Mukhang nagpapacute naman sa kanya yung dalawang babae kasi ayaw pa magsialis sa counter obvious naman na tapos na sila umorder. 

Nakita ko na hinawakan nung isang babae si Kenneth sa dibdib nito. Aba aba, ang landi at ang sarap sabunutan. Nakita ko na ngumiti lang si Kenneth sa kanila. Nakakainis na ah? 

Lumapit ako sa kanila dahil hindi ko na kaya at kailangan makausap ko na siya. Habang papalapit ako sa kanila nainis lalo ako sa mga narinig ko at nakita ko. Hinalikan ni Kenneth yung isang babae sa pisngi at kinindatan. Ugh, saan pa siya natuto makipagflirt ah? At akala ko ba sila nung kulang kulang na yun bakit nakikipagflirt siya sa mga malalanding yun?

Nang makalapit ako sa kanila hindi ko mapigilan yung inis ko.

"Magsisialis ba kayo diyan o gusto ninyo hatakin ko kayo papalayo?"nakataas ang kilay na sabi ko dun sa dalawang babae.

"Natalie?"gulat na sabi nung dalawang babae. Oh well, buti naman kilala nila ako kasi sila hindi ko kilala eh. 

"What? Chupi."pagtataray na sabi ko sa kanila sabay senyas na umalis na sila.

"Thank you. Come again."narinig kong sabi ni Kenneth dun sa dalawa bago umalis. 

Nung makaalis na yung dalawang babae tuluyan na akong lumapit sa counter at masamang tiningnan si Kenneth.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago."iiling iling na sabi niya sa akin.

"Hindi nga ako nagbago pero ikaw ang laki na ng pinagbago mo."seryosong sabi ko sa kanya. Ang laki naman talaga ng pinagbago niya simula ng magbalik siya galing New York. Hindi na siya ang mahiyain at torpeng Kenneth na nakilala ko. Yung Kenneth na nasa harap ko ngayon ay Kenneth na nag-uumapaw sa self-confidence. Ngumisi lang siya sa akin.

"Kaya ako nandito dahil gusto kita makausap."sabi ko sa kanya. 

"Why?"nagtatakang tanong niya sa akin.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon