CHAPTER 54: HOW AND WHY?

816 17 0
                                    

A/N: Double update po para sa 3 consecutive days na walang update haha.. :)

________________________________________________________________

[Savannah's POV]

Sobra ang saya ko, mas masaya pa ata ung 19th birthday ko kesa sa 18th eh.  Kumpleto ang lahat kahit na medyo awkward yung iba.  Pero mas masaya ako dahil dun sa nangyari ng gabing iyon at dahil na din sa sinabi ni Nat na ipaglalaban niya ang pinsan ko. Napatingin ako sa braso ko at napangiti. Humiga ako sa kama at inalala ang nangyari nung araw na iyon.

Flashback

Habang busy ako sa pag intindi ng mga bisita ko, nilapitan ako ni Louis. At himala, kasi nakangiti ang loko. As in, ung wide smile.

"Problema mo?" simangot kong tanong. Kinikilabutan ako sa ngiti niya eh.

"Tara sama ka sa akin."

"Bakit naman ako sasama sayo? Di ko pwede iwan mga bisita ko." tinalikuran ko na siya. 

"Wait Sav. Ngayon lang ako nakiusap ayaw mo pa." Hinarap ko siya at nagulat ng makita ko siyang naka pout. Totoo ba itong nakikita ko? Si Louis naka pout, at ang cute niya. Natetempt akong halikan siya.

"B-bakit ba kasi?" nauutal kong tanong. Hindi ko maiwasang mapatingin sa labi niya.

"Basta. Tara na." saka niya ako hinatak palabas ng The Hikari.

Dinala niya ako sa isang bench na hindi kalayuan sa The Hikari at pinaupo. Hindi naman madilim kasi may katabi namang poste ng ilaw. Tahimik lang kaming dalawa, eh ano bang magagawa ko, pipi itong kasama ko.  Dinala lang ata ako dito  para  makinig sa katahimikan ng paligid. Napabuntong hininga na lang ako.

"Oh? Firefly?" turo ko dun sa mga lumilipad na ilaw.

"Ngayon ka lang nakakita niyan?" 

Tumingin ako sa kanya at tumango na parang bata. Natawa siya ng mahina. May lumipad na firefly malapit sa akin at hinuli iyon ni Louis tapos pinakita niya sa akin.

"Ang galing, umiilaw talaga yung buntot niya. May kuryente kaya yan?"

"Malay ko." sabi niya sabay kibit balikat.

Tss, akala ko pa naman matalino itong isa itong, wala din pala.

"Sav, may joke ako sayo." bigla niyang sabi at humarap sa akin. Pinakawalan na niya yung firefly.

"Ano naman yun? Siguraduhin mong  nakakatawa yan ha kundi tatadyakan kita." Humarap din ako sa kanya ng nakahalukipkip.

"May mag-asawa na nakatira sa bukid. Matutulog na sila. Sabi nung lalaki, "Hon, ang daming lamok, patayin mo na yung ilaw para hindi nila tayo makita." Pinatay nung lalaki yung ilaw tapos nahiga na sila. Maya maya, nagsalita yung babae, "Hon, bumalik sila, at nagdala pa ng ilaw."" joke ni Louis at humagalpak ng tawa.

Nakatulala lang ako sa kanya.

"Hahahaha! May dala daw ilaw, eh alitaptap yun." sabi niya habang tawa siya ng tawa.

Nakatingin lang ako sa kanya.  Wow ha, sira ulo ba ito, natawa sa sarili niyang joke?

"Nakakatawa noh?" sabi ni Louis habang pinapahiran yung luha niya dahil sa kakatawa.

"Anong nakakatawa? Ang korni kaya. Tignan mo nga, ikaw lang ang tumatawa."

"Eh nakakatawa naman talaga."

"Akala mo lang un noh. Nga pala, ngayon lang kita nakitang tumawa ng ganyan." sabi ko habang nakangiti ng nakakaloko sa  kanya. Bigla naman bumalik sa poker face yung mukha niya.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon