[Natalie's POV]
Mahigit tatlong buwan na din ng magkabalikan kami ni Kenneth. Sa ngayon, masaya naman ako dahil ok na ulit kami. Pero...Ok na nga ba talaga kami? Medyo naninibago lang siguro ako sa mga nagbago sa kanya. Hindi na kasi siya katulad ng dati na sobrang sweet sa akin. Palagi nga kami nagaaway ngayon, hindi tulad ng dati. Kaso ganon naman talaga sa isang relasyon di ba? Part na dun yung pagaaway, dahil hindi normal ang relasyon ninyo kung hindi kayo nagaaway.
"Uy...mahipan ka ng hangin nyan."naputol yung pagiisip ko ng bigla na lang akong tapikin ni Benj sa balikat.
"Bakit ba nanggugulat ka ah?"pairap na sabi ko sa kanya. Nandito kasi ako ngayon mag-isa sa tambayan namin sa school habang naghihintay ng next class ko.
"Eh bakit ba kasi ang lalim ng iniisip mo ah? Kasing lalim ng dagat."pangaasar niya sa akin sabay upo sa tabi ko.
"Wala lang. Masama? Krimen na ba yun ngayon?"sarcastic na sabi ko sa kanya.
"Oo, masama yun. Lalo na kung si Natalie Colin dela Vega ang ganon."tinignan ko lang siya ng masama sa sinabi niya.
"May problema ba?"bigla niyang tanong sa akin. Umiling lang ako sa kanya.
"Kilala kita Nat. Mula pagkabata tayo na ang magkakasama."
"Wala nga. Ano naman magiging problema ko?"sabi ko sa kanya sabay ngiti.
"Hindi "Ano" ang tanong. Kundi "Sino"."
"Sino?"nakakunot noong tanong ko sa kanya.
"Si Kenneth. Sino pa ba? Siya lang naman ang prinoproblema mo palagi eh."sagot niya sa akin sabay tingin sa akin. "Tama naman ako di ba? Wag mo na itago sa akin na masaya ka na."
"Hindi naman. Para kasing may mali. Or may kulang."pagamin ko sa kanya.
"Bakit? Sinasaktan ka ba niya?"nagaalalang tanong niya sa akin. Umiling naman ako sa kanya.
"Nasanay lang siguro ako sa dating Kenneth na nakilala ko. Yung sweet, korny at halos sa akin lang umiikot yung mundo niya."sagot ko sa kanya.
"Kapag nalaman ko na sinaktan ka niya ulit. Hindi ako magdadalawing isip na bawiin ka sa kanya Nat."seryosong sabi ni Benj sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Alam ko seryoso siya sa sinabi niyang iyon. Maswerte ako dahil may isang Benj na nandiyan palagi para sa akin. Pero ayoko naman na maulit ulit yung nangyari dati na maging rebound ko siya at masaktan ko siya.
"Loko loko ka talaga."nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ayan...edi maaliwalas ang buhay. Napangiti na kita."nakangiting sabi niya sa akin sabay kindat.
"Ganon ba ako kaobvious?"tanong ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin.
"Naglunch ka na ba?"bigla niyang tanong sa akin. Umiling lang ako sa kanya habang nakapangalumbaba.
"Twelve thirty na. Tara, lunch na tayo."pagaaya niya sa akin sabay hila sa kamay ko na nakapangalumbaba.
"Pero tinext ko si Kenneth na sabay kami."sabi ko sa kanya sabay bawi dun sa kamay ko na hawak niya.
"Anong oras na? Hindi ka niya dapat pinaghihintay at ginugutom".sabi niya sa akin sabay hawak na naman sa kamay ko.
"Sa akin sasabay ang GIRLFRIEND ko maglunch."napalingon kami ni Benj dun sa nagsalita.
"Kenneth?"gulat na sabi ko sabay bawi sa kamay ko na hawak ni Benj. Nagulat ako dahil akala ko hindi na siya darating. Minsan kasi pinaghihintay lang niya ako. Naglakad palapit si Kenneth at hinawakan niya yung kanang kamay ko.
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...