CHAPTER 24: SLEEPOVER

1.1K 17 0
                                    

[Natalie’s POV]

 

“Pwede ba umuwi na kayo?”inis ko na sabi kila Benj. Pano ba naman imbis na makapagpahinga ako, hindi ko magawa dahil sa gulo nila.

Nandito kasi halos lahat ng myembro ng DRM plus Savannah. Pagkauwi ni Kenneth, sila naman itong mga bwi-sita ko. Mga bwi-sita dahil dumayo lang naman sila sa condo ko para maginuman at maglaro ng Tong-its. Medyo ok naman na ang pakiramdam ko hindi katulad kanina at bumaba na din yung lagnat ko.

Imbis na prutas at sopas ang dala nila katulad ni Kenneth kanina…ang dala nila ay Beer at pulutan. Haixtz…nagcecelebrate pa yata sila na nagkasakit ako.

“Oi, wag nga kayo magulo diyan. Naiingayan yung babe ko eh. Hindi tuloy makapagpahinga.”OA na sabi ni Benj sa kanila habang nakaupo siya sa gilid ng kama ko at panay din naman inom.

“Ano ba kasi ginagawa ninyo dito ah?”sita ko sa kanila.

“Edi dinadalaw ka namin babe…nabalitaan kasi namin may sakit ka daw.”sagot sa akin ni Benj.

“Grabe, iba din kayo kung dumalaw sa may sakit ah?”pangaasar ko sa kanila.

“Hayaan mo na kami Nat. Minsan lang naman kami mapunta dito sa condo mo tsaka Friday naman ngayon.”sabi ni Savannah sa akin habang linalaro niya si Flappy.

“Oo nga Nat. Tsaka hindi naman kami makakatugtog sa The Hikari dahil wala kaming vocalist. Kaya dito na lang kami magiinuman kasama ka.”pag sangaayon ni Harry kay Savannah.

“Tsk, Ganon? Wow…na touch naman ako sa inyo. Kung hindi ko lang alam na sawa na kayo tumambay sa The Hikari kaya nandito kayo sa condo ko.”pang-aasar ko sa kanila.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama ko at pumunta sa may balcony ng condo ko. Para kasing biglang gusto ko makalanghap ng hangin. Ang gugulo kasi nila sa loob.

Tumunog yung Iphone 6 ko. Nakita ko na nagtext sa akin si Kenneth.”Nakauwi na ako Mine. Pagaling ka ah? I Love You.”basa ko sa text niya. Napangiti na lang ako sa message niya.

“Ehem, ano ibig sabihin nung ngiti na yun ah?”narinig kong sabi ni Benj sa akin na nasa likod ko na pala.

“Ano ka ba naman Benj? Aatakihin ako sayo sa puso eh.”sabi ko sa kanya.

“Wow, himala yata…nagulat kita. Baka kasi may tinatago ka sa akin kaya ka nagulat.”sabi niya sa akin habang nakatingin sa akin.

“Ano naman itatago ko sayo?”nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Hinihintay mo pa rin ba siya ah?”biglang tanong niya sa akin.

“Sino?”nalilitong tanong ko sa kanya.

“Yung kinukwento mo sa akin na nakilala mo 10 years ago at yung batang nagbigay sayo kay Flappy.”seryosong sabi niya sa akin.

“Ah…siya ba?Hindi naman. Pero minsan napapaisip pa rin ako kung nasaan na kaya siya at kung ano na itsura niya.”sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga naglalakihang building na nasa tapat ng building namin.

“Ganon ba?”maikling sabi niya habang sumandal siya sa may rail ng veranda.”Nat, nagkakagusto ka na ba sa Nerd na yun?”biglang tanong niya sa akin.

“Si Kenneth ba ang tinutukoy mo?”sabi ko sa kanya sabay hagalpak ko ng tawa.”Ako? Magkakagusto sa Nerd na yun?Duh, he’s not even my type.”

“Napansin ko kasi parang nagiba ka nung naging kayo.”mahinang pagkakasabi niya sa akin

“Nagiba ako?Benj naman, Ako pa rin ito si Natalie Colin Dela Vega ang campus Queenbee at ang karma ninyong mga lalaki.”pagmamayabang na sabi ko sa kanya.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon