CHAPTER 9: MOMENT

1.3K 25 5
                                    

10 Years Ago...

"Tara na. Lumalalim na ang gabi. Kahit ayaw mo pa,kelangan mo pa rin umuwi dahil alam kong nag aalala ang mga magulang mo sayo." nalungkot ang mukha ng batang babae.

Inilahad naman ng batang lalaki ang kamay niya sa harap ng batang babae. Iniabot naman ito ng batang babae saka tumayo. Buhat buhat pa rin niya si Flappy. Naglakad na sila patungo sa bahay ng batang babae. Makalipas ang ilang sandali,nakarating na sila sa tapat ng bahay ng batang babae.

"Sige na. Pumasok ka na. Medyo maginaw na din dito sa labas." sabi ng batang lalaki at kinuha ang himbing na himbing na tuta sa kamay ng batang babae.

Present...

 

[Chezter's POV]

Nakakainis yung mga kagrupo ko kahapon sa project namin,bigla bigla ba naman akong hinila,naiwan ko tuloy si Tenten kahapon. Buhay pa kaya yun? Baka kinuha na yun ng mga multo.

Papasok ako sa gate ng makita ko si My Way. Binilisan ko ang lakad ko para hindi niya ako makita. Kaya lang,nakita pa rin niya ako.

"Uy." bati niya sa akin.

Hindi ko siya nililingon. Nako,lord, ilayo nyo po itong babaeng ito sa akin. Tinapik niya ako sa balikat kaya napahinto ako.

"Hoy,tinatawag kita." sabi niya.

"H-ha?" nauutal kong sabi.

"Namumutla ka. May sakit ka ba?" Tapos hinipo niya yung noo ko. Agad ko naman itong tinanggal.

"Hoy,chansing ka ah. Wag mo nga akong hawakan. Baka akala mo nakakalimutan ko pa yung ginawa mo sa higad ko. Pinatay mo siya ng walang kalaban laban."

"Asa ka namang chachansingan kita. Tinitignan ko lang kung may sakit ka. At saka yung higad ba kamo, tama lang yun kasi perwisyo yun. Alam mo bang pag uwi ko kagabi nangati ako?" sumbat niya sa akin.

"Hindi ko alam nung una pero ngayon alam ko na kasi sinabi mo." sagot ko sa kanya. Hindi ko naman talaga alam na nangati siya tapos tatanungin niya ako? Nasisiraan na ata to ng ulo eh.

"Nga pala,yung sinabi ko sayo nung sabado,ano ng balita?" sabi niya na ikinabigla ko.

"Y-yung s-sinabi mo nung sa-sabado?" ayan na naman,ganun ba talaga siya kaobssess sa akin. hindi ko tuloy masabi sa kanya na,ayaw ko. Eto naman kasing si My Way, kababaing tao siya nanliligaw sa lalaki.

"Oo. Yung sa ano,basta alam mo na yun. Ayaw mo ba talaga?" malungkot niyang sabi sa akin.

"Hindi naman sa ayaw,kaya lang kasi My Way, hindi ba dapat maghintay ka muna? Pag iisipan ko munang mabuti." sabi ko. Grabe,ang atat naman nitong si My Way.

"Ganun ba? Sige,maghihintay ako." sabi niya saka ngumiti sa akin. "Nga pala, asan na si Tenten?"

"Onga no,lapit na magtime pero wala pa siya. Dati naman ang aga aga pumasok nun. Baka naman may sakit."

First time hindi pumasok ni Tenten ng maaga. Baka naman, nasa dreamland pa o kaya naman napapanaginipan si Natalie.

At dahil,magtitime na nga,umakyat na kami ni My Way at pumasok na sa room. Tumingin ako sa relo ko at 5 minuto na lang,dadating na ang teacher namin sa Physics.

"Mukang hindi na papasok yun ah." bulong ko. 1 minuto na lang ang natitira ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Tenten na pawis na pawis at hingal na hingal. Lalapitan ko sana siya para tanungin kaya lang dumating na yung teacher namin.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon