CHAPTER 67: SAVING NATALIE

693 17 0
                                    

[Natalie's POV]

Nagising ako sa isang malutong na sampal na dumapo sa kaliwang pisngi ko. Ramdam ko ang pagkamanhid ng pisngi ko. Shit! kung sino man itong sumampal sa akin bibigwasan ko  kapag nakaalis ako dito. Hindi ko siya makita dahil naka blindfold ako at nakagapos ang aking mga kamay. 

"Hoy gumising ka na diyan, hindi ka si sleeping beauty para hintaying may humalik sayo para magising ka." sabi nung lalaki.

"Alam kong hindi ako si Sleeping Beauty dahil di hamak naman na mas maganda ako dun." sagot ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Ano bang kailangan nyo sa akin? Pera? Puwes pakalawan nyo na ako dahil hindi ako mayaman. Walang pakielam sa akin ang mga magulang ko, wala kayong aasahan sa akin."

"Wala akong alam kung ano talaga ang balak nila sayo, sumusunod lang ako sa utos ng mga amo ko."

"Sino ba yang mga pesteng amo mo? Iharap mo sila sa akin ng malaman nilang balewala lang yung effort nilang pagkidnap sa akin."

"Makikilala mo din sila mamaya. Sa ngayon, dito ka muna." 

Nakarinig ako ng mga yabag ng paa papalayo at ang pagbukas at pagsara ng pinto. Sa tantya ko, nasa isang kwarto ako.  Nakakainis naman tong nakatakip sa mata ko, para tuloy akong bulag. First time kong makidnap, baka nag aalala na sa akin sila Claire lalo na si Ke----. Tsk, bakit ko naman iisipin kung nag aalala sa akin yun eh di ba nga ayaw na niya sa akin.

Narinig ko bumukas ang pinto at nakarinig ako ng mga paang papalapit sa akin. Yung isa tunog ng heels kaya malamang ay babae yung isa sa kanila. Tinanggal niya yung piring sa mata ko. Dahil nag aadjust pa sa liwanag yung mata ko, hindi ko pa masyadong nakikita ng malinaw yung mukha niya. Umalis siya sa harapan ko at naupo dun sa sira sirang couch malapit sa bintana.

Nagulat naman ako ng may nagbuhos sa akin ng malamig na tubig. Peste naman, hindi man lang sinabi na bubuhusan ako para sana handa ako. Pinasukan pa yata ung tenga ko ng tubig. Brrr, ang lamig.

May natanaw naman akong lalaki na nag-aayos ng video cam sa harapan ko. Mukhang enjoy na enjoy siya sa ginagawa niyang pagrerecord sa akin ah. Tumayo na yung babae sa pagkakaupo niya at pumunta sa harap ko.

"Kamusta Natalie?" tanong niya. Tinignan ko siya. Tsk, siya pala.

"Kung ganun, ikaw yung nagpapadala ng mga threats? Sobra na ba ang paghihirap mo at nagawa mo pa kong dukutin para lang sa pera? Sana nanghingi ka na lang."

Bigla niya akong sinabutan at tinignan sa mata.

"Oo, ako nga. Hindi ako naghihirap at lalong hindi maghihirap." binitiwan na niya ang buhok ko.

"Eh bakit mo pa ako pinadukot?"

"Simple lang, gusto ko lang na humingi ka ng tawad sa akin. Sa lahat nng ginawa mo sa akin, sa pang aagaw sa boyfriend ko pati na rin sa pagpapahiya mo sa akin sa school."

Napahalakhak ako sa mga narinig ko sa kanya.

"Ganyan ka na kadesperada na humingi ako ng tawad sayo kaya mo ito ginagawa, at talagang pinarerecord mo pa sa walang hiyang boyfriend mo. Bagay nga kayo, pareho kayong walang kwenta at mga talunan. Duwag ka, hindi ko akalaing ganito ka kababaw. Siguro natatakot ka sa akin noh, Bianca?" nakangisi kong tanong sa kanya.

Bakas naman sa mukha niya ang pagkainis at poot kaya't sinampal niya ako. Sa araw na ito, dalawang tao na ang sumasampal sa akin at hindi ko iyon mapapalampas. Una, ung tauhan nilang lalaki, ngayon naman, siya. Hintayin lang talaga nilang makaalis ako dito at pauulanan ko sila ng mag-asawang sampal.

"Yan ang hirap sayo Natalie eh, nasa ganitong sitwasyon ka na nga, ang tapang mo pa. Hindi mo pa rin magawang ibaba yang pride mo kahit alam mong kasalanan mo."

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon