[Natalie's POV]
Habang papasok ako ng school, hindi maiwasang hanapin ng mata ko si Kenneth. Nakashades din ako dahil ayaw kong isipin ng mga tao na namaga ang mata ko kakaiyak. Ayokong ipakita sa kanila na mahina ako, na umiiyak ako, dahil ang alam nila ang isang Natalie Colin Dela Vega ay matapang at ako ang nagpapaiyak. Hindi ko siya makita. Okay na rin siguro yun para hindi ko na makita yung ganung kalagayan niya. Pero ang totoo niyan, gustong gutso ko talaga siyang makita. Gusto kong malaman kung ok na ba siya.
"Nat..tatayo ka na lang ba diyan?" tawag sa akin ni Claire.
"Sorry." sabi ko at sumabay ng maglakad sa kanya papunta sa classroom. Hindi pa alam ng DRM ang nangyari sa amin ni Kenneth.
Pagpasok namin sa classroom, agad kong tinignan ung upuan ni Kenneth, wala siya. Papasok kaya siya? Siyempre Natalie, hindi na papasok un lalo na at ikaw ang katabi niya. Haha, Natalie,tanga ka ba? Matapos mo siyang saktan sa tingin mo papasok pa siya?
"Hindi makakapasok si Tenten, may sakit siya eh." lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Chezter. Medyo maaliwalas na ang mukha niya, ok na siguro siya.
"Ah." yun na lang ang nasabi ko kay Chezter.
"Yan lang ang masasabi mo? hindi ka ba nag aalala sa kanya?" umupo si Chezter sa tabi ko.
"Hindi naman. Alam ko namang gagaling din agad yun." sabi ko sa kanya at ngumiti ng pilit.
"Sabagay, yakapsul at kisspirin mo lang naman ang makakapagpagaling dun eh." nginitian niya ako at tinapik sa balikat saka bumalik sa kinauupuan niya.
Bakit ang hirap magpanggap na ok ka lang kahit ang totoo, nahihirapan ka na at nasasaktan? Gustong gusto kong magpunta sa kanila at alagaan siya? Pero bakit pa, kung pinagtabuyan ko na siya, wala na akong karapatan. Umayos na lang ako ng upo at naghintay na dumating ung teacher namin.
Habang naghihintay ng teacher, biglang may tumayo sa harap ko. Pag angat ko ng ulo ko, nakita ko si Sav na nakatayo sa harap ko na may lungkot at galit sa mga mata.
"Oh Sav..Di mo man lang ako babatiin ng good morning?" alam kong alam na niya ung nangyari dahil pinsan niya si Kenneth.
"Nat,bakit tinuloy mo pa? Akala ko mahal mo na siya?" sigaw ni Sav sa akin.
Napalingon lahat ng tao sa classroom sa amin.
"Hindi mo dapat siya sinaktan, alam mo bang mahal na mahal ka niya? Bakit ba ganyan ka kasama Nat?" may tumulong luha sa mga mata ni Sav.
"Wag mo akong sigawan Sav." matigas na sabi ko sa kanya. Ayaw kong sinisigawan niya ako lalo na sa harap ng maraming tao. Kahit ung mga members ng DRM, nakatingin lang sa amin.
"Hindi ko alam kung bakit kelangan pang umabot sa ganito. Nagmakaawa naman ako sayo na wag mo ng gawin. Naawa ako para kay Kenneth. Sobra siyang nasaktan, hindi mo ba alam na hindi siya kumakain ha? At ang taas ng lagnat niya ng umuwi siya kagabi sa kanila! Hindi pa alam nila Tita ang nangyayari sa inyo."
Bigla akong nanghina sa narinig ko. Hindi siya kumakain? Ganun ko ba siya nasaktan? Please naman Kenneth, wag mong gawin ito dahil ayokong nagkakaganyan ka dahil sa akin. Pero sinikap kong tumayo ng matuwid para hindi niya mahalatang apektado ako.
"Sav, alam mo naman kung ano ang ginawa niya di ba? Bagay lang sa kanya yun. Dapat lang na bumalik sa kanya lahat ng sakit na ginawa niya." sabi ko. Hirap na hirap akong sabihin ang mga salitang iyon. Para bang may bumabara sa lalamunan ko.
"Nagsisisi ako Nat kung bakit hinayaan kitang gawin ito sa pinsan ko."
"Ayoko na Nat. Hindi ko na kaya yung mga ginagawa mo, aalis na ako sa grupo." sabi ni Sav at umalis sa harap ko na lumuluha.
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Novela JuvenilSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...