[Kenneth’s POV]
“KENNETH PANGET!”
Napabangon ako sa pagkakahiga ko dahil sa gulat ko sa sumigaw. Pagtingin ko sa orasan sa tabi ko 7am palang. Aga aga mambuwisit. Eh sino pa ba yun kung hindi ang magaling kong kapatid. Umupo ako sa kama at nakita ko siyang nakasandal sa pinto at ang lawak ng ngiti.
“Mapunit bibig mo.” Sabi ko at tumayo sa kama para magtungo sa banyo para gawin ang aking morning rituals. Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko lumabas na ako ng banyo at nakita ko siyang nakaupo sa kama ko.
“Alis nga diyan. Aayusin ko yung hinigaan ko.” Tinabig ko siya kaya nahulog siya sa sahig.
“Aray naman! Pwede naman akong paalisin ng maayos eh. Panget mo talaga!” at tumungo siya dun sa upuan sa study table ko at duon naupo.
“Ako panget? Nahiya naman ako sa pagmumukha mo. Maka panget ka bakit sa tingin mo maganda ka?” ganti ko sa kanya. Aba, nawiwili na siyang tawagin akong panget eh sabi na ngang gwapo ako eh.
“Oo kaya ang ganda ganda ko. Kaya nga madaming may crush sa akin sa school eh.” Pinuri pa sarili niya. Psh.
“Talaga lang ha? Eh bakit yung crush mo hindi ka naman mapansin pansin?” tapos nginisian ko siya. Huli ka. Haha.
Kumunot naman ang noo niya at sinamaan ako ng tingin.
“Haha. Di ka makapagsalita diyan, kasi totoo naman. Haha.” Tawa ako ng tawa hanggang sa batuhin niya akong unan.
“Yabang mo porket gf mo na yung si ate ganda.”
“Bakit ka nga pala nandito sa kwarto ko, aga aga mo pa akong ginising?” sabi ko habang inaayos yung bedsheet ko.
“Eh kasi gusto kong gumala. Tara gala tayo dali. Nagpaalam na ako kila mommy kanina bago sila umalis.” Tumayo siya at lumapit sa akin ng nakangiti. Akala niya mauuto niya ako ng ngiti niya ha, pwes hindi.
“Ayoko nga. Inistorbo mo tulog ko tapos magpapasama ka lang pala sa gala mo. Ano ka sinusuwerte?” at binelatan ko siya. Minsan lang ako makaganti sa batang ito kaya susulitin ko na.
“Sige na please please please kenneth panget!” at nag puppy eyes pa ha. Sige magpuppy eyes ka pa bagay sayo muka kang tuta.
“A.Y.O.K.O nga sabi eh.” Pagmamatigas ko. At dahil wala na din naman yung antok ko at wala naman akong magagawa sa bahay, gagala na lang din ako kasama itong maliit na ito pero papahirapan ko muna siya haha.
“Sige na please kuya kenneth.” Woaahh! Tama ba yung rinig ko, tinawag niya akong kuya.
“Anong sabi mo?” pagpapaulit ko sa sinabi niya. Sarap pakinggan eh.
“Sabi ko please KUYA kenneth.” Inulit nga niya.
“Wow. Tinawag mo akong kuya ah. Dagdagan mo ng gwapo.” Sabi ko sa kanya at tinaas taas pa ang kilay ko.
“Psh. Kung hindi ko lang gustong gumala hinding hindi ko sasabihin yan.” Bulong niya na narinig ko naman.
“Ano na? Sasabihin mo ba?” naiinip kong tanong.
“Oo na eto na.” Huminga siya ng malalim saka nagsalita. “Gwapong kuya kenneth please.” Sabi niya,grabe muka siyang tanga haha. Kasi naman, kumikindat kindat pa haha. Ako naman todo ngiti kasi naisahan ko siya.
“Osige magbihis ka na. Bilisan mo.” Agad agad naman siyang tumakbo sa kwarto niya at nagbihis.
***********************
“Kuya, pagod na ako. Pahinga naman tayo.” Sabi niya sabay paypay sa sarili gamit ang mga kamay niya.
“Panong hindi ka mapapagod, panay ang lakad at takbo mo.” Sermon ko sa kanya. Galing lang naman kami sa playground, ang bulilit na to kaya lang pala gustong gumala duon dahil nandun yung crush niyang si Jhaw.
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...