CHAPTER 26: GF VS BFF

1.2K 18 2
                                    

[Kenneth’s POV]

 

You are the best thing that’s ever been mine….

Nasa dreamland pa ako ng marinig ko na may tumatawag sa S5 ko. Kinuha ko yung S5 ko na nasa drawer sa may gilid ng kama ko.

“Hello.”tinatamad na sabi ko sa kabilang linya habang nakapikit pa rin.

“Tenten, nasa reality ka na ba?”narinig kong sabi ng nasa kanilang linya.

Alam ko na agad na si Chezter yung nasa kabilang linya dahil dun sa sinabi niya siya lang naman itong pag tumatawag ng ganitong kaaga imbis na “Good Morning” ang sabihin ay “Nasa reality ka na ba?”

“Wala pa. Kaya tumawag ka na lang ulit mamaya.”inis na sabi ko sa kanya. Istorbo talaga itong bestfriend ko na ito. Nananaginip pa ako na magkasama daw kami ni Natalie na nasa beach at naghahabulan kaso naputol panaginip ko dahil sa kanya.

“Tenten naman eh. Samahan mo ako sa Pet Shop. Bibili lang ako ng Tarantula at Scorpion. Naiinip na kasi yung mga langgam ko dito eh kaya ibibili ko sila ng bagong kaibigan nila.”sabi ni Chezter sa akin.

Naku po…eto na naman po kami. Ewan ko ba kay Chezter kung bakit sa dami dami ng pwedeng alagaan eh mga insekto pa ang napagtripan. At hindi lang iyon…tinuturing pa talaga niya na parang tao yung mga alaga niyang insekto.

“Ayoko. Tinatamad ako.”tinatamad na sagot ko sa kanya.

“Sige. Ganyan ka pala Tenten ah? Kapag ikaw nagpapasama sa pagsunod kay Natalie at pagbili ng mga magazines na may pictures siya sinasamahan kita pero ako minsan lang magpasama sayo, ayaw mo pa ako samahan.”malungkot na sabi ni Chezter sa kanilang linya at medyo naririnig ko na sinamahan pa niya hikbi.

Nagsisimula na naman magdrama at mangunsensya itong si Chezter kapag ganito na ang usapan wala na ako magawa kundi pagbigyan siya. Kaming dalawa lang naman ang magkaibigan at nagdadamayan.

“Oo na sige na. Wag ka na magdrama dyan.”pilit na sabi ko sa kanya.

“Talaga Tenten? Punta na ako dyan ah?”sabi niya pagkatapos ay pinatay na niya yung tawag.

Hindi pa rin muna ako bumangon sa kama ko, nakakatamad kasi talaga eh. Kaso kailangan ko siya samahan…nakakaawa naman.

Babangon na ako sa kama ko ng biglang tumunog na naman yung S5 ko.

“Oo na nga…Babangon na nga ako eh.”pagsagot ko agad sa S5 ko sa pagaakalang si Chezter na naman ang tumawag para kulitin ako.

“Wait lang Mine…Easy lang. Sino ba yang kaaway mo ah?”narinig kong sabi ng nasa kanilang linya.

“Mine?”hindi makapaniwalang sabi ko ng makilala ko yung boses ng nasa kabilang linya.

“Oo Mine. Miss Me?”sabi niya sa akin. Napangiti ako bigla sa sinabi niya kung ganito ba naman lagi sa araw araw ang tatawag sa akin eh buo na araw ko.

“O-o naman Mine. Si Chezter kasi kinukulit ako eh.”sabi ko kay Natalie.

“Ganon ba? Nga pala Mine…gusto ko kasi magpasama sayo magshopping mamaya.”sabi niya.

“Magaling ka na ba? Baka mabinat ka kapag napagod ka na naman.”nag-aalalang sabi ko sa kanya.

“Magaling na ako. Magaling na magaling na. Kaya please…samahan mo na ako Mine ah?”paglalambing na sabi niya sa akin.

“Yun lang ba Mine. Sige ba. Sunduin na lang kita dyan sa condo mo.”excited na sabi ko sa kanya. Matagal tagal na din kami hindi lumalabas ni Natalie at nakakapamasyal dahil naging busy siya.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon