[Kenneth's POV]
Ilang beses na ako tumatawag kay Mine pero hindi niya sinasagot mga tawag ko. Siguro dahil nagalit siya sa ganiwa kong pagalis nung graduation ball. Nagawa ko lang naman yun kasi nasaktan ako sa mga narinig ko sa kanila ni Benj. Pero ngayon ko lang naisip na hindi ko man lang siya nabigyan ng chance na magpaliwanag. Hindi ko man lang tinanong si Mine kung totoo ba yung mga yun o baka namisinterprent ko lang.
Tsk...ano ka ba Tenten? Narinig mo nga na sinabi ni Natalie na niloloko ka lang niya at gusto ka niyang iwan tapos sasabihin mo na namisinterprent mo lang siya?
Hmmmp, malay ko naman kung may iba siyang dahilan kaya niya nasabi yun di ba?
Hayz...mababaliw na yata ako at pati sarili ko kinakausap ko. Kailangan ko siguro talaga ng makakausap pero ilang araw na din hindi nagpaparamdam si Chezter sa akin. Kung kailan naman kailangan ko siya ngayon.
Basta...kailangan ko talaga makausap si Natalie. Hindi pwede na maghiwalay kami, hindi pwede, dahil hindi ko kaya na mawala pa siya sa akin.
Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama ko at tumayo para magbihis at umalis para puntahan si Natalie sa kanila.
-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0
Nandito na ako sa may tapat ng pinto ng condo unit ni Natalie pero kung kanina ang lakas ng loob ko na pumunta dito, ngayon pa ako parang nanghina.
Kakatok na kaya ako?Pero natatakot ako sa mga sasabihin niya sa akin. Ano gagawin ko kung totoo lahat ng iyon? Tsk...bahala na nga.
Kakatok na sana ako sa pinto ng biglang may tumawag sa akin.
"Kenneth"tawag ni Natalie sa akin."Ano ginagawa mo dito?"
Napatingin ako sa kanya...sa kanila pala ni Clarrence. Teka...bakit magkasama sila nung lokong kuya ni Chezter?Wag niyang sabihin na sila na? Na ginawa din niya sa akin yung ginawa niya kay Jordan dati. Pero hindi pa naman kami break eh...kami pa rin naman.
Lumapit ako sa kanila at hinila ko si Natalie palayo kay Clarrence. Nakita ko na nagulat si Natalie sa ginawa ko.
"Sige Nat. Alis na ako."pagpapaalam ni Clarrence kay Natalie habang ako ay ang sama ng tingin sa kanya.
"Sige. Salamat ulit."nakangiting sabi ni Natalie sa kanya.
Nang makaalis na si Clarrence sa amin ay hinila ni Natalie yung braso niya at humarap sa akin.
"Ano ginagawa mo dito?"mahinang sabi niya sa akin.
Hindi ako makasagot agad dahil hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya. Naglakad siya at akmang papasok na sa condo unit niya ng yakapin ko siya sa likod.
"Alam ko naman hindi totoo yung mga narinig ko kagabi. Sorry kung narinig ko mga paguusap ninyo ni Benj. Hindi naman totoo yun di ba? May ibang dahilan ka kaya nasabi mo yun di ba? Pinilit ka lang ni Benj na sabihin yung mga yun di ba?"naiiyak na sabi ko sa kanya at hinigpitan ko pagkakayakap ko sa kanya, pakiramdam ko kasi parang mawawala siya sa akin.
Tinanggal niya yung pagkakayakap niya sa akin at humarap sa akin.
"Lahat ng narinig mo nun ay totoo. Totoo lahat ng iyon."seryosong sabi niya sa akin."Totoo na iiwan din kita at sasaktan lang."
"Pero tumagal naman tayo di ba? Umabot nga tayo ng isang buwan mahigit eh."sabi ko sa kanya.
"Dahil hindi ko alam kung pano kita hihiwalayan. Pero tutal alam mo naman na lahat at narinig mo naman na. Hindi na ako mahihirapan pa."sabi niya sa akin at tumingin siya sa mga mata ko."Break na tayo Kenneth."
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...