[Natalie’s POV]
Grrr….kung kailan naman nagmamadali tsaka naman walang dumadaan na taxi. Late na ako eh…nauna na kasi si Claire pumasok sa akin dahil nga tinanghali na naman ako ng gising. Kailangan daw niya maaga pumunta ng school para daw magayos sa booth namin para sa School Festival dahil kung ako daw aasahan nila na tutulong sa kanila baka daw abutin na ng hapon sa pagaayos lang ng booth.
Kaya heto kanina pa din nagriring ang phone ko kakatawag sa akin ni Savannah. Tinatanong nila kung nasaan na daw ako dahil maguumpisa na ang opening ng Shool Festival.
Biglang may humintong motor sa tapat ko na may sakay na nakaleather black jacket na lalaki. Hindi ko siya mamukhaan dahil nakasuot siya ng helmet.
“Clarrence?Ano ginagawa mo dito?”nagtatakang tanong ko sa kanya ng tanggalin na niya yung helmet niya.
“May dinaanan lang ako dito na malapit lang tapos nakita kita.”sagot niya sa akin habang inaayos yung buhok niya na medyo nagulo sa pagkakasuot niya ng helmet.“Tara na. Hatid na kita.”sabi ni Clarrence sa akin.
“Gosh…buti na lang dumating ka.”nakangiting sabi ko sa kanya. Binigyan niya ako ng helmet at umangkas na din ako sa motor niya.
-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-
“Salamat sa ride.Bawi ako sayo next time.”nakangiting sabi ko sa kanya ng makababa na ako sa motor ni Clarrence.
“You’re always welcome. Gusto mo para makabawi ka sa akin…isave mo number mo dito.”nakangiti ding sabi niya sa akin sabay abot sa akin nung Iphone 4s niya.
“Sure. Yun lang pala eh.”sabi ko sa kanya at sinave yung number ko sa Iphone 4s niya. Tutal magkaibigan naman na kami eh.
Iniabot ko sa kanya yung Iphone 4s niya at nagpaalam na ako sa kanya na papasok na ako. Sobrang late na din kasi ako eh.
Naglalakad na ako papasok ng school gate namin ng biglang may tumawag sa akin.
“Mine…kanina pa kita hinihintay eh.”sabi ni Kenneth sa akin na hinihigal pa.
“May gusto sana ako sabihin sayo Mine bago tayo pumasok ng school. Matagal ko na dapat sinabi ito eh.”seryosong sabi niya sa akin.
“Ano yun Mine?”nagtatakang tanong ko sa kanya. Ganon ba kaurgent yung sasabihin niya at kailangan hintayin pa niya ako dito sa labas ng school?
“Ano kasi Mine…Ak-----“naputol yung sasabihin niya ng biglang tumunog yung Iphone 6 ko.
“Wait lang Mine.”sabi ko sa kanya habang kinukuha sa bag ko yung Iphone 6 ko.
Nakita ko na unknown number yung tumatawag kaya sinagot ko naman agad.
“Hello?”
Siya ba yung sinasabi mo kahapon na BF mo?Pakilala mo naman ako.
Sabi nung nasa kabilang linyan na nabosesan ko naman agad. Tumingin ako kung saan ko siya iniwan kanina at tama nga hula ko na nandun pa rin siya. Nakangiti siya sa akin at nagwave. Ngumiti din ako sa kanya at pinatay ko na yung Iphone 6 ko.
“Mine, may pakikilala nga pala ako sayo.”nakangiting sabi ko kay Kenneth at hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya papalapit kay Clarrence.
“Akala ko nakaalis ka na. Pero ok na din para magkakilala kayo.”sabi ko kay Clarrence ng makalapit kami sa kanya.
“Clarrence, meet Kenneth…my boyfriend.”pagpapakilala ko kay Kenneth kay Clarrence. “Mine…meet Clarrence…yung batang kinukwento ko sayo na nagbigay kay Flappy.”pagpapakilala ko kay Clarrence kay Kenneth.
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Novela JuvenilSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...