CHAPTER 49: THE NEWS

964 19 0
                                    

[Natalie's POV]

"Ugh, malapit na yung next class ko pero wala pa rin yung weird na yun."inis na sabi ko sa kanila. 

Nandito kami nila Claire, Louis, Harry at Benj sa tambayan namin sa may quadrangle at hinihintay si Chezter. Tinext kasi niya ako kanina na may ipakikilala daw siya sa amin at dito daw kami magkita. Tinext ko nga din si Savannah alam ko kasi vacant din naman niya para kumpleto kami.

"Kapag dumating yung weird na yun humanda siya sa akin."inis na inis pa rin na sabi ko sa kanila. Bakit ba kasi ang tagal tagal niya? Alam ko vacant din naman niya eh.

"Chillax lang babe. Baka natraffic lang?"sabi ni Benj sa akin at inakbayan pa ako.

"Natraffic? Wow ah? Saan may traffic sa school na ito?"pagtataray ko sa kanya.

"Oh, ayan na pala si Chezter eh."narinig kong sabi ni Claire.

Tumingin ako sa tinitingnan ni Claire at nakita ko na papalapit sa amin si Chezter at may kasama siyang babae. Tinignan ko yung babae, infairness ah cute siya.

"Hoy, tama ba paghintayin kami dito? Malapit na kaya next class ko."singhal ko sa kanya ng makalapit sila sa amin.

"Sabi ko sayo eh, umuusok na ilong niya sa galit."narinig kong bulong ni Chezter dun sa kasama niyang babae. Aba, at tumawa naman yung babae sa sinabi nung weird na yun.

"Hello? Tama ba pagtawanan ako?"naiiritang sabi ko sa kanila. 

"Naku po, sorry po."nahihiyang sabi nung babae sa akin. Hmmm, mukhang mabait naman itong kasama ni Chezter.

"Easy ka lang Nat. Masyado ka lang mainipin eh."sabi ni Chezter sa akin.

"Whatever."pairap na sabi ko sa kanya. Pero sa totoo lang kahit ganito pa rin kami magusap ni Chezter sa isa't isa tinuturing naman na namin ang isa't isa na kaibigan dahil na din siguro sa mga nangyari dati kaya naging malapit na kaming dalawa.

"Chezter, pakilala mo na sa amin yang chicks na kasama mo."sabi ni Harry kay Chezter.

"Sisiw? Wala naman ako kasamang sisiw ah?"nagtatakang tanong ni Chezter kay Harry.

Natawa naman ako sa reaksyon ni Chezter, kahit kailan naman kasi walang kamuwang muwang si Chezter sa mga pinagsasabi nila Harry. Hindi ko nga alam kung anong panahon ba pinanganak itong si Chezter at hindi makarelate sa modern world.

"Chezter, hindi sisiw ang tinutukoy ni Harry kundi yang babaeng kasama mo."paliwanag ni Claire kay Chezter sabay turo dun sa babaeng kasama ni Chezter.

Lumingon si Chezter dun sa babaeng kasama niya at tiningnan ito. Para kasing masusi pa niyang tinitingnan yung babae. 

"Mukha ka bang sisiw?"narinig kong sabi ni Chezter dun sa babaeng kasama niya. Nakita ko naman na biglang namula yung mukha nung babae. Naks, nagblush pa yata si girl. Pero alam ko hindi siya namula dahil sa hiya kundi dahil sa tingin ni Chezter sa kanya. Hmmmm, I smell something to this girl.

"Tama na nga yang kalokohan mo na yan Chezter. Go ahead, pakilala mo na siya sa amin."sabi ko sa kanila baka kasi sa kakaganon niya eh malate pa ako sa next class ko.

"Ah, mga dude..."nakangiting sabi ni Chezter sa amin at talagang tinawag pa niya kami sa tawagan naming magkakaibigan."....si Bea nga pala."

"Girlfriend mo?"biglang singit ni Louis na akala ko ay natutulog lang dahil kanina pa siya nakadukdok lang sa lamesa at natutulog. Sabagay, ganon naman talaga si Louis eh.

"Naku, hindi po."tanggi ni Bea sa amin. Pulang pula na nga yung mukha niya eh. Akalain mo nga naman? Mukhang may nagkakagusto din pala sa weird na yun.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon