[Savannah's POV]
Ilang lang araw na lang bago dumating ang kaarawan ko. Nakagawa na din ako ng mga invitations, hindi naman siya bongga kaya lang gusto ni Mommy may party. Siyempre kasi only daughter lang ako. Ganyan ako kamahal ng parents ko. Naalala ko nga nung 18th birthday ko, super bongga talaga. Puro bigatin yung mga bisita, may cotillion pa tapos ang escort ko ung inaanak ni Mommy na si Franz. And speaking of Franz, tagal ko ng hindi nakikita iyon. Balita ko umuwi dito yun sa Pinas eh, hindi man lang ako binisita.
Naglalagay ako ng lip gloss ng tumunog yung phone ko. Pagtingin ko si Louis pala.
"Oh bakit?" mataray kong sagot.
"Ganyan ka ba mag hello?"
"Hello? Di na uso ngayon un. Lagi naman ganyan ang bungad kong tanong sayo eh. Oh bakit nga kasi?" Arte, gusto pa naghehello.
"Nandito na ako sa tapat ng bahay ninyo."
Tumingin ako sa bintana at nakita ko yung kotse niya.
"Maghintay ka muna. Hindi pa ako tapos. Aish." kasi naman, ang usapan namin 10:00am, eh anong oras pa lang,9 am palang.
"Bagal mo talaga kahit kelan."
Pinatayan ko nga siya ng phone. Manenermon na naman siya about sa pagiging mabagal ko. Tinapos ko na lang yung pag-aayos ko at bumaba na ako. Nagulat ako ng sa pagbaba ko nakita ko si Louis na nakaupo sa sofa namin.
"Hoy! Sino nagpapasok sayo dito?" sigaw ko sa kanya.
Tumayo siya at pumunta sa pinto.
"Tara na." at lumabas na siya ng pinto.
Tignan mo ito, iiwanan pa ako dito ng hindi man lang sinasagot ang tanong ko. Ganito talaga kami ni Louis, nagsisigawan, i mean, lagi ko siyang sinisigawan. Eh paano naman kasi, ang tipid magsalita tapos minsan lang din magsalita. Hindi gayahin si Harry na madaldal, sarap kausap. Sabi nga ng ibang DRM members, pag kay Louis daw ako laging sumama, tiyak daw na matatanggal pagiging pagkamadaldal ko. Naku ayoko nga, 1 minuto nga lang akong tumahimik para na akong mamamatay eh.
Paglabas ko, nakita ko si Louis na nakasakay na sa driver's seat. Ugh, hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Padabog akong sumakay ng kotse niya. Dun ako sa likod sumakay, buti nga sayo, magmuka kang driver diyan.
"San tayo?" tanong niya.
"Sa Mall!" sigaw ko sa kanya.
Nakakainis. Bakit ba kasi siya ang kasama ko sa pagbili ng mga gamit para sa preparations. Naman kasi eh, si Nat at Claire may lakad daw, si Harry naman, may date daw siya, si Benj? Naku, nevermind, sungit kaya nun, hindi maasahan sa ganito yun.
"Louis, bakit ba ang tahimik mo? Sa 5 years na nakasama kita with DRM, ganyan ka na. Hindi ka ba napapanisan ng laway ha?" humawak ako sa driver's seat at tumingin kay Louis.
Ngumiti lang siya sa akin.
"Louis Dale Taftman, sabihin mo nga, baklang pipi ka ba?" bigla siyang prumeno kaya napasubsob ako sa harapan.
"Hoy, bakit ka ba pumupreno diyan bigla bigla?" sabi ko habang hinihimas ung ulo ko na tumama dun sa aircon sa harapan.
"Daldal mo kasi." sabi niya at pinagpatuloy na ulit ung pagdadrive.
"Ang tahimik mo kasi eh. Hindi ako sanay sa ganitong environment. Ayokong makasama ang isang pipi. Hindi ko maisip kung ano ang kahahantungan ng araw na ito na kasama ka."
"Tumahimik ka nalang." nakatuon pa rin ang mga mata niya sa daan.
Tumigil na lang ako tutal wala naman akong mapapala sa kanya. Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa mall. Hindi ko na siya hinintay makababa ng kotse at pumasok na ako sa loob. Dire-diretso lang ako hanggang sa makarating ako sa supermarket. Kumuha ako ng cart ng biglang may umagaw sa akin. Pagtingin ko si Louis pala. Aba, ang bilis makahabol ah. Tinignan ko lang siya at inirapan.
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...