[Benj's POV]
Nakahiga lang ako sa kama ko, nakatitig sa kisame. Tinatamad akong lumabas. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil alam kong mahal na ni Natalie yung nerd na yun. Bakit siya nagawa niyang mahalin? Bakit ako na halos 8 na taon na niyang kasama at laging nasa tabi niya hanggang kaibigan lang ang turing niya?
Pumikit ako ng biglang nagring ang phone ko. Pagtingin ko, tumatawag yung Daddy ni Natalie. Agad agad ko itong sinagot.
"Hello Tito?"
[Benj, pumunta ka dito sa New York, somethings wrong about Natalie.]
Nagulat ako sa sinabi ni Tito Nathan. Nasa New York si Natalie? Anong ginagawa niya dun?
"Bakit po?"
[Dumating siya dito kahapon. Kahapon pa siya hindi lumalabas ng kwarto niya dito sa hotel. Nag-aalala na ako, sunduin mo na siya Benj. Ikaw ang tinawagan ko dahil alam kong makikinig siya sayo.]
"Thanks po tito. Dont worry,pupunta na po ako diyan ngayon."
[Salamt Benj. Huwag mo ng intindihin ang flight, nagpabook na ako ng pinaka maagang flight para sayo.]
"Ok po tito." then he hung up the phone.
Ano na namang nagyayari kay Nat? Ano o sino naman ang pinuntahan niya dun? Agad agad akong nag-impake at dumiretso sa airport. Pagdating ko doon, agad naman akong inasikaso at pinasakay ng eroplano. Matagal tagal ding biyahe ito kaya natulog muna ako.
**********************
Pagkalabas ko ng airport, may mga sumundo sa akin na tauhan ni Tito Nathan at dumiretso kami sa hotel na tinutuluyan ni Natalie. Hinatid ako ng mga staff ng hotel sa room ko. Sinabi din nila sa akin na katapat ng room ko ang room ni Natalie. Dumiretso muna ako sa room ko bago ako pumunta sa room ni Nat. Pagpasok ko, nakaramdam ako ng hilo. Dahil siguro ito sa biyahe. Hindi din kasi ako masyadong nakatulog sa biyahe dahil iniisip ko kung anong nangyari kay Nat. Hindi ko na lang ininda ung hilo at pagkatapos ko magayos ng gamit ko dumiretso ako sa tapat ng pinto ng room niya.
Kumatok muna ako ng tatlong beses. Hinintay kong buksan niya yung pinto pero wala. Kumatok ulit ako at naghintay. Nagulat ako ng may kumalabog sa pinto.
"Lumayas kayo, hindi ko kayo kailangan!" sigaw ni Nat sa loob.
Kinatok ko ulit siya, actually, hindi na katok dahil hinahampas ko na ung pinto.
"Nat, ako ito si Benj. Buksan mo na itong pinto." sigaw ko sa kanya.
Natahimik sa loob. Kinabahan ako, baka kung anong gawin niya.
"Kung may problema ka, sabihin mo sa akin Nat. I will listen to you, i can be your shoulder to cry on."
Biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin si Nat na gulo gulo ang buhok at parang zombie sa laki ng eyebags. Tinignan lang niya ako at pumasok sa kwarto. Pumasok din ako at sinara yung pinto sa kwarto. Pagpasok ko, nagulat ako sa nakita ko, sabog sabog ung mga gamit, mga nagkalat sa sahig. Basag din ung mga salamin,frames at ung ilang baso.
Napatingin ako sa kamay niya at nakita ko itong nagdudugo. Tumakbo ako palapit sa kanya na nakaupo sa gilid ng kama.
"Nat may sugat ka." lumuhod ako para makita ung sugat niya sa kamay. Pumunta ako sa banyo para kunin ung first aid kit. Nang makita ko iyon, bumalik ako sa kinauupuan niya at ginamot ang sugat niya. Nung ibabalik ko na yung kit, bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.
"Wag ka munang umalis." mahina niyang sabi.
"Hindi naman ako aalis, ibabalik ko lang ito." nginitian ko siya pero nagulat ako ng higpitan niya ang hawak niya sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Novela JuvenilSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...