CHAPTER 37: GOODBYE

1K 16 0
                                    

[Chezter’s POV]

Ako lang ang walang partner sa graduation ball, lahat sila meron. Pero ayos lang sa akin, hindi naman malaking problema yun eh. Nakabili na din ako ng suit ko para mamaya. Sabi ni kuya, siya na daw bahalang maghatid sa akin mamaya.

“Lungkot mo yata? Di ka ba excited sa grad ball ninyo mamaya?” napatingin ako sa nagsalita. Si kuya Clarrence lang pala.

Hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako dun sa suit ko na nakasabit dun sa hangeran namin.

“Hay heto naman oh, masyadong seryoso.” Rinig ko pang sabi ni kuya.

Napabuntong hininga na lang ako. Wala ako sa mood.

“Picturan mo si Natalie para sa akin mamaya ha.” Napatingin ako sa kanya.

“Kuya..” tinignan ko siya sa mga mata niya.

“Ano?”

“Pareho nating alam na-----“ naputol yung sasabihin ko ng sumabat siya.

“Pwede ba Chezter, alam ko na yang sasabihin mo. Huwag na nating pag usapan yan ha, baka mainis lang ako at kung ano magawa ko sa iyo.” Sabi ni kuya at umalis sa bahay ng padabog. Napailing na lang ako.

Tinignan ko yung relo ko at nakita kong 4pm na pala. 5pm yung start ng ball. Naghanda na ako dahil mukhang wala namang maghahatid sa akin dahil nilayasan ako ni kuya. Mag-isa lang akong pupunta sa ball ngayon. 

Maaga naman akong nakarating sa ball, mga 15 mins before magstart. Madami dami na ding tao, mga excited siguro itong mga to. Nagtungo na ako dun sa pila, ako yung huli kasi wala namang akong partner. Unti unti ng nagdadatingan yung mga tao. Nasa kanya kanya na ding pila yung mga tao, at katabi yung mga partners nila. Nakita ko sila Tenten, kasama si Natalie. Nasa bandang unahan sila kaya hindi nila ako kita. Mukang masaya naman sila. Maya maya, naramdaman kong may tumabi sa akin. Pagtingin ko, isang nakangiting babae. Maganda siya, simple lang yung suot niya, naka curl ung buhok niya. 

“Hi. I’m Meridith. Wala din akong partner eh, pwede tayo na lang?” sabi niya at inilahad ang kamay sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya. Okay na rin siguro ito para hindi ako magmukang kawawa. Pagkapasok namin sa reception, hinanap ko kaagad ung upuan ko. Dun ako sa table nila Tenten kasama. 8 persons naman kasi per table eh. Ung partner ko, hindi ko alam kung san naupo, hindi naman kasi required na porket kapartner eh magkasama na isang table.

Maya maya, nagsalita na si Principal. Kung ano ano pang pakulo nitong si Mr. Principal, may paspeech speech at badge pang nalalaman. Habang nagsasalita si Principal, kusang hinanap ng mata ko si My Way. Nakita ko siya sa bandang unahan, nakasuot siya ng beige tube gown na fit sa katawan niya. Ang ganda niya ngayon, ibang iba siya. Gustong gusto ko siyang lapitan ngayon at sabihin na ang ganda ganda niya. Kaya lang, alam ko namang iiwasan lang niya ako. Simula nung nangyari un, sa tuwing susubukan ko siyang kausapin, lagi siyang umiiwas, lalong lumalayo ang loob niya sa akin.

Isa isa ng tinawag ang mga estudyante para magsalita. Hanggang sa dumating na kay Savannah,Tenten at Natalie. Kasunod na tinawag si My Way. Umakyat siya sa stage. Kumikinang siya, para siyang prinsesa.

"Good evening Seniors. Ngayong taon na ito magtatapos ang aking katungkulan bilang student council president. Aaminin kong hindi naging madali ang katungkulang ito para sa akin pero nag enjoy naman ako. Sa buong 4 na taon ko dito sa Barden University ay naging makabuluhan ang aking hs life. Nagkaroon ng mga kaibigan na maasahan," tapos tumingin siya sa mga kaklase niyang nasa table nila,"Pero sa 4 na taon na pamamalagi ko dito, itong taon ang pinakamalungkot. Malungkot kasi, sa kabila pala ng 4 na taong pagkakaibigan ninyo, bigla bigla na lang mawawala yung tiwala."

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon