[Natalie's POV]
"Benj..."tawag ko kay Benj na tahimik na nasa driver's seat. Nandito na kasi kami sa harap ng condo unit ko. Simula kanina hindi kami nagkikibuan pagkatapos nung nangyari sa The Hikari kanina. Nakapagdrive naman siya ng maayos at mukhang natanggal na din yung pagkalasing niya.
"Sorry sa inasal ko kanina Nat."mahinang sabi niya sa akin pagkatapos ay tumingin sa akin.
Umiling naman ako."Ako dapat ang magsorry sayo Benj. Alam ko na ako ang may kasalanan bakit ka naging ganon."
"Nakita ko kasi kanina yung mga tingin mo sa kanya. Alam ko na siya pa rin ang mahal mo."seryosong sabi niya sa akin.
"Sorry Benj. Sorry...pinilit ko naman kaso ayaw talaga."naiiyak na sabi ko sa kanya. Sinubukan ko naman kalimutan si Kenneth at mahalin si Benj pero ayaw ng puso ko.
"Wala kang kasalanan Nat. Naiintindihan ko nararamdaman mo dahil ganon din ako sayo. Katulad mo, gusto ko man pilitin sarili ko na hindi ka mahalin pero ayaw ng puso ko. Ikaw pa rin mahal nito kahit alam ko na iba ang mahal mo."
Napahagulgol ako ng iyak dahil sa sinabi ni Benj. Tama naman kasi siya. Bakit nga ba hindi na lang natin piliin sino ang mamahalin natin?
Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap."Shhh...tahan na. Nandito pa rin naman ako sa tabi mo katulad dati kahit wala na tayo. Susuportahan kita sa lahat ng gusto mo. Basta ang gusto ko lang maging masaya ka."sabi niya sa akin habang hinihimas niya yung buhok ko. Lalo ako napaiyak sa sinabi niya. Bakit ba kasi hindi na lang siya ang minahal ko?
Hinawakan niya ako sa balikat ko at linayo ng konti sa kanya at tinignan ako."Sa ngayon, kailangan mo din lumaban Nat. Kailangan mo subukan ulit."
"Pero paano kung hindi na niya talaga ako mahal? Paano kung ayaw na niya talaga sa akin?"umiiyak na sabi ko sa kanya.
"Nat, ang love ay parang sugal."
"Sugal?"nagtatakang tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya sa akin."Kailangan mo kasi tumaya para manalo ka. Paano ka mananalo kung hindi ka naman tumataya di ba?"
Oo nga naman, ganon sa sugal.
"Hindi naman yan katulad ng pagbili mo sa tindahan na kapag sumobra yung bigay mo ay susuklian ka. Hindi ganon ang love Nat. Ang love ay isang malaking sugal kung saan ang itataya mo ay yung puso mo."
Ang lalim ng sinabi niya pero naiintindihan ko naman.
"Katulad ko, tumaya ako sayo pero natalo ako. At wala akong pinagsisisihan na tumaya ako sayo Nat. Atleast sinubukan ko di ba?"nakangiting sabi niya sa akin.
"Pwede bang mandaya na lang?"biglang sabi ko sa kanya sabay pout.
"Hahahaha....ikaw talaga."natatawang sabi niya sa akin at niyakap ulit ako. Yumakap naman din ako sa kanya.
"Salamat Benj."sabi ko sa kanya.
"You're always welcome Babe."narinig kong sabi niya at naramdaman ko na hinalikan niya ako sa forehead ko. Napangiti naman ako sa ginawa niya. Tama si Benj. Kailangan ko tumaya para manalo.
-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0
"Sige naman Natalie. Pumayag ka na?"pangungulit sa akin ng isang Photography student na pumayag maging model nila para sa photo exhibit nila na magiging base ng final grade nila.
"I already said NO."inis na sabi ko sa kanya.
"Sige na Natalie. Ibibigay ko kahit anong gusto mo."sabi naman nung isang kasama niya na kaklase niya.
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Ficção AdolescenteSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...