[Kenneth’s POV]
“Kenneth, tingnan mo ito oh?”malakas na sabi ni Kia sa akin habang tumatakbo papalapit sa akin.
“Naku bata ka…umupo ka na nga dito at kumain.”sabi ng Mommy ko sa kanya.
Nandito kasi kami ngayon sa dining area at nagaalmusal ng biglan g dumating siya at may hawak hawak na malaking kalendaryo.
“Kenneth kasi…tingnan mo.”pangungulit niya sa akin na tumingin sa hawak niya. Para lang wag na siya mangulit, tiningnan ko yung hawak niyang kalendaryo. Nakita ko nasa buwan ng March yung kalendaryo niya at tinuturo niya sa akin yung number 5 na may bilog pa.
“O ayan…nakita ko na. Masaya ka na?”yamot na sabi ko sa kanya at pinagpatuloy ko na yung pagkain ko ng almusal.
“Hindi. Wag ninyong sabihin na nakalimutan ninyo?”nakasimagot na sabi niya sa amin.
“Syempre naman baby…hindi namin makakalimutan na birthday mo ngayon kahit hindi mo pa pakita sa amin yan.”sabi ng Mommy ko sa kanya habang lumalapit sa kanya at kinuha yung kalendaryong hawak nito. Ika-limang birthday kasi ngayon ni Kia.
“Happy Birthday Baby!!!”sabay na sabi ng Mommy at Daddy ko sa kanya.
“Kaya kumain ka na dahil pinagluto kita ng paborito mong sopas.”sabi ng Mommy ko sa kanya at pinaupo na siya para kumain.
“Edi may party ako mamaya?”tanong ni Kia kila Mommy habang kumakain siya ng sopas.
“Oo Baby. Pinadalan na namin sa school mo yung invitation mo sa kanila para mamaya sa party mo.”sagot ng Daddy ko sa kanya.
Ako naman tahimik lang na nakikinig sa kanila. Ganon naman talaga kapag mga bata eh excited sa birthday nila dahil may party. Lalo na si Kia na laging pinaghahanda nila Mommy sa Mango Thirteen. Kaya mamaya nyan maagang magsasara ang Mango Thirteen.
“Ikaw Kenneth? Hindi mo man lang ba ako babatiin?”sabi niya sa akin.
“Hindi.”maikling sagot ko sa kanya. Wala yata ako sa mood makipagkulitan sa kanya.
“Alam ko na gusto ko iregalo mo sa akin.”patuloy na sabi niya habang may malawak na ngiti.
Tsk, as if naman tinatanong ko siya kung ano gusto niyang regalo. Sabagay…ganon naman talaga siya palagi eh pinipilit niya ako bilin yung gusto niyang iregalo ko sa kanya.
“Gusto ko….”sabi niya na parang nagiisip.”Gusto ko kumata ang Do Re Mi mamaya sa party ko.”
“Ano? “gulat na sabi ko sa kanya at napatingin ako bigla sa kanya. Ilusyonada talaga itong kapatid ko. Gusto pa iguest ang Do Re Mi sa party niya.
“Di ba girlfriend mo si Ate Ganda?Edi invite mo sila mamaya sa Mango Thirteen tapos sabihin mo na tumugtog ang Do Re Mi sa birthday ko kahit isang song lang.”sabi niya sa akin habang pinapapungay pa ang mga mata niya.
“Ayoko. Iba na lang ipilit mo.”sagot ko sa kanya. Akala yata niya makukuha na naman niya ako sa pagpapacute niya.
“Sige na Kuya…matagal ko na gusto mapanuod sila na kumakanta ng live eh.”pamimilit pa rin niya sa akin. Aba…tinawag akong Kuya…porket may gusto siyang makuha sa akin eh. Sabagay, lagi sa pictures at sa mga video na kuha ko sa The Hikari ang napapanuod niya ang DRM dahil bawala ang bata sa The Hikari.
“Please?”pangungulit pa rin niya sa akin na ngayon ay nasa tabi ko na at hinawakan pa ako sa braso ko.
“Siga na Kenneth. Pagbigyan mo na yang kapatid mo. Tsaka dapat lang na iinvite mo ang girlfriend mo mamaya para makilala siya ng mga kamag-anak natin.”sumingit na sa amin ang Mommy ko ng mahalata siguro nila na wala akong balak sundin si Kia.
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...