CHAPTER 57: SWEET AND SOUR

829 19 0
                                    

[Natalie's POV]

Medyo okay na din yung paa ko kaya naman kayang kaya ko ng pumasok, tumakbo at maglakad. Malayo pa ako sa gate ay rinig na rinig ko na ang  boses ng DRM  pati na si  Chezter at Bea. Hindi ko maintindihan kung anong pinagkakaguluhan nila dahil sabay sabay silang nagsasalita. Hindi uso sa kanila ang salitang 'bigayan'. Nang makalapit na ako sa kanila, hindi nila ako napansin, tanging si Chezter lang at Bea lang ang nakapansin sa presensya ko.

"Anong nangyayari?" bulong ko kay Chezter.

Nagshrug lang siya habang nakatingin sa mga hindi mo malaman kung nagbabangayan bang mga tao. Tinignan ko naman si Bea na katabi lang ni Chezter. Tinaasan ko siya ng kilay. Gets na naman na siguro niya yung ibig kong sabihin. Umiling lang siya at nag mouthed ng 'Hindi ko din po alam.'

"Mga kalokohan mo Harry!" sigaw ni Sav kay Harry. Si Harry naman tumatawa lang habang si Sav namumula sa galit? Or parang nagbablush?

"Yaan mo na Pea, maganda naman yung naging bunga ng kalokohan niya di ba?" sabi ni Louis sabay akbay kay  Sav.

Ano? Pea? Sino naman yun? Naguguluhan ako, ano bang meron?

"Kunwari ka pa Sav, alam ko namang gusto mo din eh haha." sinundot sundot pa ni Claire si Sav sa tagliran niya.

"Tss, pakipot pa kasi hindi na lang aminin na kinikilig siya." nakasimangot na sabi ni Benj.

"Eh kasi naman hindi nakakatuwa, kilala niya pala yung babae na yun tapos tapos..Arghhh! nakakahiya kaya yung pinag gagawa ko sa mall.  Alam nyo ba yun ha?" inis na inis na talaga si Sav.

"Sus, kailan ka pa ba nahiya ha? Eh ang kapal nga ng mukha mo eh hahaha." -Harry

"Nako, Harry, wag mo ipapakita pagmumukha sa akin nung babae mo kundi  pareho kayong hihiram ng mukha sa aso!" -Sav

"Oh Chillax ka lang Pea, ganyan ka ba sa mga Cupids in disguise natin?" Niyakap  patalikod ni Louis si Sav.

Er, bakit ganon? Ang sweet nila? May something eh, kailan pa naging ganyan yang dalawa na yan? Eh sa pagkakaalam ko magugunaw muna si mother earth bago maging magkasundo yang dalawa na yan eh,lagi kasi silang nag-aaway.

At dahil nacucurious na talaga ako sa nangyayari, sumingit na ako. Nakakahiya naman kasi, kanina pa ako nakatayo dito, hindi man lang nila ako napapansin.

"Anong meron?" tanong ko sa kanila kaya napalingon sila sa akin.

Bigla namang tinanggal ni Louis yung pagkakayakap niya kay Sav.

"K-Kanina ka pa diyan?" tanong ni Sav.

"Oo kaya. Narinig ko din yung paguusap nyo,ay mali, ung sigawan nyo pala. Bakit ba ang aga aga ganyan kayo mag-usap?" ginala ko yung mga mata ko para makita lahat ang expression nila. 

"Meron ba akong hindi alam?"

"OO! /WALA!" sabay sabay nilang sigaw.  Napatingin ako kay Sav, siya lang kasi yung sumigaw ng WALA. Tinaasan ko siya ng kilay. Anong iniinarte ng isang to?

"Nga pala, Nat, ikaw nalang ang hindi nakakaalam, kami na nga pala ni SAV,for real."  Sabi ni Louis. Gulat na gulat akong napaharap sa kanya pati na kay Sav.

"K-kayo na?" hindi ako makapaniwala. Tinuro ko pa sila gamit ang isang finger ko.

Tumango naman si Louis. Si Sav naman yumuko at parang nahihiya. Akalain mo yun, nagkainloveban itong dalawang na ito. Isang pipi at isang madaldal.

"Kailan pa?"  tanong ko.

"Nung birthday niya."  nakangiting sagot ni Louis.

"Wow, ha, ayos kayong dalawa, tinapat nyo pa talaga sa birthday.  Kailan ka pa nanligaw sa kanya Louis? Parang hindi ko naman napapansin na nanliligaw ka nitong mga nakaraang araw at buwan?"

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon