CHAPTER 38: OUR MEMORIES TOGETHER

1K 16 0
                                    

[Natalie's POV]

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nung nangyari sa grad ball. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakakausap si Kenneth. Pag kasi tumatawag siya, hindi ko sinasagot. Hayaan ko na lang siguro na maging ganito kami dahil ito naman talaga ang dapat mangyari. Mawawala din naman agad ito, sanay na naman ako.

Hindi na din ako masyadong lumalabas ng condo ko ngayon, hindi ko alam kung bakit basta ayaw ko lang.  Pag tinatanong ako nila Claire, ang sinasabi ko na lang ay masama ang pakiramdam ko o kaya naman tinatamad akong lumabas.

Nakahiga lang ako sa kama ko ngayon. Wala akong magawa. Si Flappy panay ang dila sa pisngi ko. Namiss ko kahit papaano itong asong na ito.

Napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok.

"Ma'am Natalie, may bisita po kayo." sabi ni Grasya.

"Pauwiin mo na yaya, pakisabi hindi maganda ang mood ko ngayon." sigaw ko pabalik kay Grasya.

"Ma'am, siya daw po si Clarrence." napabangon ako ng marinig kong si Clarrence ang bisita ko. Agad agad akong humarap sa salamin at inayos ang sarili ko. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Clarrence na nakaupo sa sofa.

"Napadalaw ka?" bungad kong tanong at umupo sa upuan sa tapat niya.

"Hindi daw maganda ang mood mo? Gusto mo labas tayo?" yaya niya sa akin.

"Hindi na. Dito na lang ako sa condo ko." pagtanggi ko sa kanya.

"Halika na. Papasayahin kita." bigla niya akong hinatak patayo at itinulak papasok ng kwarto ko. "Magbihis ka, hihintayin kita."

Napangiti ako bigla. Wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kanya ngayon. Siguro kailangan ko munang kalimutan ang mga problema ko. Nagbihis agad ako at lumabas ng kwarto ko. Naabutan ko siyang nakatayo at hinihintay ako. 

"Tara na?" sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ako at ngumiti. Naglakad na kami palabas ng unit ko at bumaba ng elevator. Pagbaba namin ng building, nagulat ako ng balibagan niya ako ng helmet.

"Para san to?" tanong ko sa kanya. Don't tell me magmomotor lang kami?

"Sa ulo?" patanong niyang sabi. Natawa naman ako sa itsura ng mukha niya. Sana siya na lang ang nagustuhan ko para hindi ako naguguluhan ng ganito ngayon.

"Tss, alam ko. Sure ka magmomotor lang tayo?" 

"Oo, ayaw mo ba?" 

"Hindi naman, may naalala lang ako." bigla ko na lang naalala yung sa amin ni Kenneth. Nakasakay din kami noon sa motor. Takot siya sa motor, nagsuka pa nga eh. Napangiti na lang ako ng maalala ko iyon.

"Nangingiti ka diyan mag isa, baliw ka ba?" pabirong sabi ni Clarrence.

"Hindi ah. Tara na." 

Sinuot ko na yung helmet at sumakay na sa motor niya.  Pinaandar niya ito. Ilang minuto pa ang nakalipas at huminto na kami sa tapat ng mall.

"Okay lang ba sayo kung dito tayo?" tannong niya matapos tanggalin ang helmet niya. Tumango lang ako.

"Tara muna sa greenwich. Kain muna tayo." yaya niya sa akin saka ako hinila papunta sa greenwich. Pagpasok namin, may nahanap agad kaming upuan at agad siyang umorder.

Dumating na ung order namin, nagulat ako pagkalapag nung waiter sa order namin. Lasagna at pizza. Bakit ba sa dinadami ng kakainan at oorderin ito pa? Gusto ba talagang ipamukha sa akin na hindi ko kayang mawala si Kenneth? 

"Tulala ka diyan. Kumain ka na." nabalik ako sa sarili ko ng marinig ko ang boses ni Clarrence.

"O-okay." sa bawat pagsubo ko, si Kenneth ang naaalala ko. Bakit ba siya ang naiisip ko kung si Clarrence ang kasama ko? Feeling ko nawawalan ako ng ganang kumain.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon