10 Years Ago…
Sa pagod kakahabol sa batang lalaki, napaupo na lamang siya. Nilapitan naman siya ng batang lalaki at umupo din sa harap niya.
Hinipan ng batang babae ang bangs niya.
“Cute.” Sabi ng batang lalaki. Biglang namula naman ang batang babae.
“Tumigil ka nga. Bakit mo ako kiniss sa pisngi?” tanong ng batang babae.
Napayuko naman ang batang lalaki.
“Ang ganda mo kasi eh..” sabi nito ng hindi tumitingin sa babae kundi sa ibang direksyon.
Bigla na lang natawa ang batang babae sa batang lalaki.
Present…
[Kenneth’s POV]
“Ok…Class dismissed.”pagtatapos ng teacher namin sa huling klase namin ngayong araw.
“Thank God. Natapos din ang boring na araw na ito.”narinig ko na sabi ni Natalie. Tumingin siya sa akin ng mapansin niyang sa kanya ako nakatingin ngumiti lang siya sa akin.
“Babe, may gig kami mamaya sa The Hikari. Sama ka sa amin?”pangaaya ni Natalie sa akin.Kahit hindi naman niya sabihin sa akin lagi naman talaga ako pumupunta sa The Hikari para panuorin siyang kumanta.
“Sige.”nahihiyang sabi ko sa kanya at sumama na ako sa kanila lumabas ng school gate.
Paglabas namin nakakita ako ng kotse na nakahinto sa tapat ng school gate at nakita ko din sila Benj na mukhang kanina pa naghihintay.
“Bakit kasama yan?”nagtatakang sabi ni Benj sabay turo sa akin.
“Ano masama dun? Boyfriend ko naman siya?”mataray na sagot sa kanya ni Natalie sabay hawak sa kamay ko at pumasok na kami sa loob ng kotse.
“Hayaan mo na.”narinig kong sabi ni Harry kay Benj sabay tapik sa balikat nito.
“Tsk.”narinig ko na lang na sabi ni Benj at sumakay na din sa driver seat at nagmaneho na.
…………………………..
“Babe, diyan ka muna ah? Magaayos lang kami.”sabi ni Natalie sa akin at iniwan na ako.
Mag-isa lang ako nakaupo ngayon sa may table na malapit sa stage. Parang dati lang sa malayo ako nanunuod sa kanya. Napansin ko na hindi sumama manuod ng gig nila si Savannah, sabi niya masakit daw kasi ulo niya ngayon.
Dapat pala sinama ko si Chezter para hindi lang ako mag-isa dito. Kaso ayaw niya sumama ng malaman na kasama namin sila Benj.
Nakita ko sila Natalie na nagsimula na pumwesto sa Stage.
“Let’s give it up to Do Re Mi.”sabi ng MC. Malakas na nagpalakpakan ang mga tao.
NP: Enchanted by Taylor Swift
There I was again tonight, forcing laughter, faking smiles
Same old, tired lonely place
Walls of insincerity, shifting eyes and vacancy
Vanished when I saw your face…
All I can say is it was enchanting to meet you…
Pagsisimulang kanta ni Natalie habang seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang sinasabi niya na para sa akin yung kinakanta niya.
Your eyes whispered, "Have we met?" across the room, your silhouette
BINABASA MO ANG
The Other Side of the Door [COMPLETED]
Teen FictionSabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Pero paano kung natatakot ka masaktan? Takot ka na din ba magmahal? Pero paano kung nagmamahal ka na? Pipigilan...