Chapter 2

40.9K 430 3
                                    

Chapter 2

"Tell me, Ligs sino ba 'yung boylet na nakilala ninyo kagabi? Ang guwapo raw sabi  nina Viviane at Eden." Nagniningning ang mga mata ni Patty sa sobrang kuryusidad. "Ang laki daw ng maskels,"  patuloy pa nito na waring gigil na gigil.

"I don't know his name." Tinalikuran ko na siya at umupo sa swivel chair. What happened last night with that stranger should be kept secretly. Although it was good, I don't have any plans to meet that stranger again. It sent shivers down my spine whenever thoughts of him crosses my mind, which is not good on my part. I should get back to work, keep myself busy to avoid thinking about him.

Kinuha ko ang ilang papel sa ibabaw ng mesa at binasa ngunit hindi pa ako nangangalahati, hinablot na ni Patty mula sa mga kamay ko.

"Okay na ito, bes," wika nito at ibinalik and papel sa mesa. "Binasa ko na 'to kanina."

"Pero..."

"No. Kumain muna tayo. Parating na 'yung lunch na in-order ko. Just sit back and relax. Marami kang kailangan ikuwento sa akin."

Hindi na ako nakapagreklamo pa dahil bigla itong tumalikod at lumabas ng opisina. Napailing na lang ako. Asa pa siya na sasabihin ko ang nangyari, baka mainggit pa siya. Natampal ko ang aking noo    dahil sumagi na naman siya sa utak ko. Hindi ito maaari.

Lumabas na lang ako ng opisina para tulungan ang mga sales lady, sa ganoong paraan malilibang ako at hindi ko na rin siya maiisip ngunit nakasalubong ko si Patrick dala ang in-order na pagkain.

"Help naman, Ligs. Nagmumukha
akong delivery girl nito. Hindi bagay sa beauty kno'n.

Napangiti na lang ako at kinuha ang bitbit niyang plastic bag kung saan nakalagay ang mga pagkain.
Nagtaka ako nang mailagay ko na
sa mesa, ang daming pagkaing in-order ni Patty. At mas lalo akong nagtaka dahil nilibre nito ng lunch
ang apat na sales lady gayong
napakakuripot nito.

Nagsimula na kaming kumain kaya hindi ko na inimik pa si Patrick. Pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain. At dahil masarap, naparami ako ng kain samantalang sumusubo ng paunti-unti ang kaharap ko. Nakatingin ito sa akin na tila hinihintay akong magkuwento.

"May problema ka ba sa akin? Bakit ganyan ka kung makatingin? Don't tell me nagbago na ang preference mo?" sunud-sunod kong tanong na ikinasimangot nito kaya tumawa ako.

"Maghubad ka man sa harap ko, hindi kita magugustuhan. Yuck! Hindi ako pumapatol sa kalahi ni Eba. Hallur..."

"Thought you like me," pang-aasar ko pa sa kaniya. May tiwala ako sa
kaibigan kong ito. Never itong
nagsamantala sa pagiging magkaibigan namin kaya kahit magbiruan kami gaya ngayon, okay lang. "Ang lagkit kaya ng tingin mo
sa akin. Huwag mag-deny, aminin,"
biro ko saka iwinagayway sa ere ang kanang hintuturo.

"I won't deny it, Ligs, I like you," ngumiti muna ito saka nagpatuloy,  "not romantically but as a friend or more like a sister to me. You  know naman na nag-iisa akong girl sa amin. Kayong apat para ko na kayong mga kapatid kaya gusto ko maging bahagi ng buhay ninyo."

"Naks, naman, Patty, nagdadrama ka na naman. Iiyak na ba ako?" biro ko pa dahil seryosong seryoso ito.

"Gaga 'to. Bakit? Bawal ba magdrama?" Ngumuso ito kaya humagalpak ako sa kakatawa.
Usling-usli kasi ang labi nito na parang tuka ng pato. Pinandilatan
niya ako ng mata kaya tumigil na ako sa kakatawa.

"Anyways, kumusta 'yung away kagabi? Parang may saksakan na naganap." Makahulugan itong tumingin sa gawi ko at ngumiti na parang kinikilig.

"Away? Saksakan?" tanging naisagot ko dahil hindi ko maintindihan ang
tanong niya. "Umalis din kaagad ako sa bar. Hindi ko alam kung nagkaroon ng away kagabi nang makaalis na ako. Tinanong mo na ba sina Viviane at Eden?"

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon