Chapter 40

17.1K 178 4
                                    


Chapter 40

Natigilan ako sa tanong na iyon ni Eric. Wala akong maapuhap na isasagot. Nakatingin lang ako sa kaniya at pansin ko na tila nababasa nito sa mga mata ko ang katotohanan.

"Mom." Dinig ko ang pagtawag sa akin ni Clint kaya hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong ng kaibigan ni Chuck dahil nilingon ko na ang aking anak. "We are gonna sing a song. Pwede pong paki-video-han kami?"

"Sure, anak," sagot ko at kinuha ko sa bag ang aking cellphone. "Aren't you going to join them?" tanong ko kina Chad at Eric na parehas umiling.

"Just the two of us, mom." Tukoy ni Clint kay Chuck. Umupo si Chuck sa harap ng piano samantalang kinuha naman ni Clint ang gitara at inukopa ang upuan sa gitnang bahagi ng stage. Nagsimula na itong mag-strum ng gitara kaya ini-on ko na ang video sa cellphone. Segundo lang ang lumipas, nagsimula na ring magtipa sa piano si Chuck. Nilingon ito ni Clint na tila senenyasan na simulan ng kumanta.

"...I found the love for me
Darling just dive right in
And follow my lead
I found a girl beautiful and sweet
Well, I never knew you were the someone
That's waiting me..."

Matapos iyon ay pumailanlang sa ere ang boses ni Clint.

"...we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time..."

Mayamaya ay narinig ko na sabay ng kumakanta ang dalawa.

"...Baby, I'm dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening to our favorite song..."

"What a performance, boy!" dinig kong wika ni Chuck sa anak ko nang matapos ang awitin. "May boses ka. Keep it up. Who knows, maging recording artist ka pagdating ng panahon."

"Thanks, coach."

Ang kantang iyon ay nasundan pa ng tatlong piyesa at alam kong nag-enjoy nang husto ang anak ko. Maging ang mga kaibigan ko ay hindi makapaniwala na ganoon kalaki ang in-improve ng boses ni Clint. Panay ang puri nila rito.

"Okay, Clint, that's enough," wika ko nang nilapitan ko ito sa mini stage. "Mag-aalas sais na. Your father is expecting you tonight." Bigla ang paglukot ng mukha nito nang marinig ang sinabi ko. Parang ayaw nitong bitawan ang gitara na kanina niya pa hawak.

"Mom, please? I don't wanna go there."

"We have a deal, Clint," paalala ko sa kaniya. "At nangako ka, kaya tuparin mo."

Laglag ang balikat nito nang tumayo at tila nagdadalawang-isip na lumabas sa kwartong iyon. Nakasunod lang ang paningin ko rito nang lumapit  kay Patrick saka kinausap ito pero hindi ko marinig dahil hinapit ni Chuck ang baywang ko at hinalikan ako sa sentido.

"I'll take care of him," bulong nito at mabilis na tinanggal ang kamay sa baywang ko para hindi mahalata ni Clint saka lumapit sa mga ito. "Hey, boy, why don't we have dinner first bago ka magpahatid sa Tita Patty mo?"

Parang biglang umaliwalas ang mukha nito sa sinabing iyon ni Chuck. Lumuwang ang pagkakangiti nito. "Great idea, coach!" Nag-apir pa ang dalawa kaya napailing na lang ako dahil parang ayaw nitong puntahan ang ama at ito namang si Chuck ay parang pilit na kinukuha ang loob ng anak ko. Lahat ay tila pabor kay Clint, simula sa paborito nitong miryenda hanggang sa mga awiting gusto nito. At hindi na ako magtataka kung chicken teriyaki ang dinner na nakahanda ngayon sa mesa. Parang alam na alam ni Chuck ang mga maliliit na bagay pagdating sa anak ko na dapat ay ako at si Fern lamang ang nakakaalam dahil kami ang mga magulang.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon