Chapter 14
''Nag-alala ako nang hindi kita nadatnan sa condo. Hindi mo man lang ako hinintay, Ligs." Mahigpit pa rin ang pagkakahawak nito sa kamay ko.
"Pasensiya na, kinailangan kong umalis." Nakatungo lang ako dahil sa hiyang nararamdaman. "Hindi ko alam kung kaya ko pang humarap sa iyo sa kabila ng mga nangyari. Nakakahiya ang ginawa ko."
"Hindi mo kasalanan 'yun, Ligs. Kasalanan iyon ng grupo ni Zid. Kung hindi ka nila pinainom ng droga, hindi iyon mangyayari." Hinawakan nito ang baba ko at iniharap sa kaniya. "Anuman ang nangyari hindi pa rin niyon mababago ang pagmamahal ko sa iyo, Ligs."
"Chuck, please," mahinahon kong wika. "I told you before na ibaling mo na lang 'yan sa ibang babae. Huwag mong sayangin ang buhay mo sa akin. Maraming babae diyan, kaya please lang."
"Pero ikaw ang mahal ko, Ligs. Hindi ko kayang magmahal ng ibang babae. Ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko." Nagtagis na naman ang mga bagang nito na waring napipikon na.
"Chuck," wika ko na para bang nagpapaliwanag sa isang bata. "Hindi ako ang babaing nababagay sa iyo."
Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito dahil sa sinabi ko. Umiling-iling ito na para bang hindi niya iyon kayang tanggapin.
"Bakit? Dahil ba magkalayo ang agwat ng edad natin? Dahil may anak ka na? I'm telling you, Ligs kahit singkwenta anyos ka pa, may anak ka mang sampu o isang dosena, mamahalin at mamahalin pa rin kita. Kaya please, huwag mo namang ipagkait sa akin na maipadama ko sa iyo ang pag-ibig ko," nagsusumamo nitong wika na tila maiiyak na.
"Let's not talk about this, Chuck. Umuwi ka na. Marami pa akong kailangang gawin dito." Iniiwas ko ang aking paningin, hind dapat ako magpadala sa batang ito.
"Why, Ligs? Bakit lagi mo na lang akong itinataboy? Bakit?""Hindi kita itinataboy, Chuck. Marami lang talaga akong kailangang gawin."
"Like what? Come on, I'll help you. Just let me stay."
"Kailangan kong ituloy ang paghahanap ng driver's license ko. Kanina pa ako naghahanap pero hindi ko makita. "Well, I'll let you stay kung mahanap mo iyon," wika ko. Malakas ang loob kong sabihin iyon dahil alam kong kahit magdamag siyang maghanap, wala siyang makikita. Ako nga na may-ari walang nakita, siya pa kaya? Goodluck sa kaniya, well sana swertihin siya.
"Really?" Ngumiti ito na tila may kalokohang naiisip. "You'll let me stay?"
"Of course."
"Ihahatid sundo kita sa trabaho mo?"
"Okay. Not a problem." Alam kong mananalo ako.
"What about sleepover for two weeks?"
"Sure. Not a problem." Kailanman ay hindi mangyayari iyon.
"Dinner date for seven days?"
Tumango ako."Papayagan mo akong ligawan kita kung mahanap ko ang lisensiya mo?"
Tumango na naman ako.
"May convention akong dadaluhan next month, sasamahan mo ako?"
"Call."
"You'll let me kiss you the moment I found it?"
Napatingin ako sa kaniya. Nagdadalawang-isip man tumango na rin ako. Abot-tenga naman ang ngiti nito."Okay." Inangat nito ang kanang kamay para bilangin ang kaniyang mga kondisyon sakaling siya ang makahanap ng lisensiya ko.
"One," wika nito. "You'll let me stay for tonight. Two, ihahatid sundo kita sa trabaho. Three, sleepover for two weeks, either your place or my place, you okay with that?"
BINABASA MO ANG
The Joy of The Playboy (COMPLETED)
Romance#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this story isn't for you so please, try to read the story/ies that suit your age. ______________________________________ For Ligaya, the magic has en...