Chapter 37
Tanghali na nang magising ako kinaumagahan. Nagmadali akong maligo at pagkatapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Pababa na ako ng hagdan nang marinig kong tila may nagtatalo sa sala. Mahina lang ang boses ng mga ito na wari'y ayaw marinig ang kanilang pinag-uusapan pero alam ko galit ang mga ito sa isa't-isa.
Tuloy-tuloy lang ako pababa ng hagdan at nang makababa na ako ay nawala na ang pagtatalo ng mga ito. Nakatingin lang ang mga ito sa isa't-isa na animo'y walang nangyari.
"Hi, babe."
"Hi, sweetheart."
Tumaas ang kilay ko sa dalawang lalaki. "What are you two doing here?"
"I wanna see my son, babe," Fern replied confidently. Pero alam ko kung ano ang totoong pakay niya sa pagpunta rito.
"And you?" baling ko kay Chuck nang nakataas ang kilay.
"You have an appointment with the CEO of Faulker Industries. I'm here to fetch you." Ngumiti ito dahilan para dumilim ang mukha ni Fern. Mariin nitong tiningnan si Chuck na nakasuot ng gray sweatshirt, maong pants at hi-cut leather shoes.
Napakunot ang noo ko. Papasok ito sa opisina pero ang suot nito ay tila pupunta sa kung saan lang. Huh! Wala ba itong alam sa office attire? O sadyang hindi naman talaga ito papasok sa opisina?
"Nagtatrabaho ka sa kompanyang iyon?" tanong ni Fern na tila interesado sa kompanyang binanggit ni Chuck.
"Yup!"
"Funny. You look like a driver," komento nito nang muling pasadahan ang kasuotan ni Chuck. Ngumiti lang ang huli at itinuon ang paningin sa akin.
"So shall we?"
"Okay," sagot ko at tinawag si yaya. "Yaya, I have to go. Pakisabi kay Clint narito ang dad niya."
"Ay, ma'am, kanina pa po lumabas si Clint. Sinundo po ng mga kaibigan niya. Magba-basketball daw sa covered court."
"Ah, gano'n ba? Pakisabi na lang hindi ko na siya mahihintay. May meeting ako ng alas diyes." Tumango ito kaya nilingon ko na si Fern. "Just wait for your son to come home. I have to go." Hindi ko na hinintay na sumagot ito, dumiretso na ako palabas dahil alas nuwebe y medya na.
"Anong pinagtatalunan ninyo kanina ni Fern, Chuck?" Tumingin ako sa gawi nito. Nakatutok lang ang mga mata nito sa kalsada habang nagmamaneho. "Chuck?"
"Oh, it's nothing, sweetheart." Muli itong tumingin sa kalsada at hindi na umimik pa. Tila napakalalim ng iniisip nito. Ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso ang mukha nito. Parang pinagsakluban ng langit at lupa.
Mayamaya ay ipinarada nito ang kotse sa labas ng isang restaurant. "Bakit narito tayo? Akala ko ba alas diyes ang meeting natin?"
"I haven't eaten my breakfast at alam kong gano'n ka rin. Come on, nagugutom na ako." Hindi na ako nagprotesta pa nang pagbuksan ako nito ng pinto dahil kumakalam na ang sikmura ko.
Wala kaming imikan habang kumakain, parehas nasa pagkain ang konsentrasyon naming dalawa. Panay lang ang subo ko ng pancake na inorder nito para sa akin.
"Sweetheart," wika ni Chuck matapos itong kumain. Seryosong-seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa akin. Hinawakan pa nito ang kaliwang kamay ko na naroon sa ibabaw ng mesa. "Let's take our relationship into the next level." Napatitig ako sa mukha nito, bakit parang may takot akong nababasa sa mga mata nito? Nakumpirma ko iyon dahil nauutal ito nang magsalitang muli. "I love you, Ligs and I know, deep within your heart, you love me too."
"Chuck." Napalingon ako sa paligid para tingnan kung may nakakarinig sa pag-uusap namin at laking pasasalamat ko na kakaunti lang ang mga parokyano ng restaurant na iyon. "You knew very well kung ano ang sagot ko sa tanong na 'yan. Ang akala ko malinaw na sa 'yo ang lahat." Lakas ng sapak ng lalaking ito. May nalalaman pa na next level, e, wala nga kaming relasyon.
BINABASA MO ANG
The Joy of The Playboy (COMPLETED)
Romance#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this story isn't for you so please, try to read the story/ies that suit your age. ______________________________________ For Ligaya, the magic has en...