Chapter 13

24.7K 234 2
                                    

Chapter 13

Umaga na nang magising ako. Maayos na rin ang pakiramdam ko dahil wala na ang kakaibang init sa aking katawan na naramdaman ko nitong nakaraang beinte kwatro oras. Kahit nanghihina, tumayo na ako para magtungo sa banyo ngunit nahagip ng paningin ko ang tray ng pagkain sa ibabaw ng mesa. May kasama iyong bulaklak at kapirasong papel. Napangiti ako, ang sweet ni Chuck. Matapos amuyin ang bulaklak kinuha  ko ang papel saka binasa:

"Eat your breakfast sweetheart. May kukunin lang ako sa office. I'll be back in an hour. Feel at home. I love you." -Chuck

Mainit pa ang pagkain, ibig sabihin kakaalis pa lang ni Chuck. Nagmadali akong pumunta ng banyo para maligo. Kailangan ko ng umuwi. Ayoko ng maabutan pa ni Chuck dito.

Matapos magbihis, dinala ko ang pinagkainan sa lababo. Hindi na ako nag-abala pang hugasan iyon.

Bitbit ang sariling bag, tinungo ko ang pinto palabas ngunit nagulat ako nang bigla iyong bumukas at iniluwa ang medyo may katandaan ng babae. Nagulat din ito nang makita ako.

"Good morning po, ma'am. Ako po si Sarah, katulong po ako ni Sir Charles. Narito po ako para maglinis," wika nito nang makabawi sa pagkagulat.

"Good morning din po. Nagulat ko po ba kayo?"
Tumango ito saka ngumiti. "Opo. Ngayon lang po kasi nagdala ng babae si Sir Charles dito sa condo niya. Ang ganda n'yo po, ma'am. Pihadong magugustuhan kayo ni Mrs. Sayes." Pinamulahan ako sa sinabi nito. "Antayin n'yo na lang po siya, ma'am. Papunta po rito si Madam ngayon."

Gimbal ako sa narinig pero hindi ko iyon ipinahalata. Kailangan ko na talaga makaalis. Nakakahiya kung madadatnan ako rito ni Mrs. Sayes.

Paglabas ko ng building na iyon ay kaagad akong pumara ng taxi para makauwi na. Nakahinga ako nang maluwag nang makarating ako sa bahay ngunit bigla ring sumulak ang dugo ko nang sumalubong sa akin ang namamagang mukha ng anak ko.
"Hi, mom." Humalik ito sa pisngi ko.

"What happened to your face?" Hinawakan ko ang magkabila nitong pisngi. Para akong dinagukan nang makitang magang-maga iyon. "Kailan ito nangyari?"

"Saturday morning, nagkarambulan sa court, but it's nothing, mom. Hindi naman ako nasaktan."

"Ako ang nasasaktan sa hitsura mo. Itigil mo na ang larong iyan, napapaaway ka lang."
"Mom, no! I love playing basketball. Isa pa walang panama sa akin 'yung nakaaway ko kahit tinulungan pa siya no'n tatay niya."
"What?! Pinagtulungan ka nang mag-ama? Idedemanda ko sila."

"No, mom. Huwag nga kayong OA. Mas grabe pa ang inabot sa amin ng mag-amang iyon. Halos dumugo 'yung ilong no'n tatay sa mga suntok ni Coach." At ginaya pa nito ang istilo ng pagsuntok no'ng sinasabi nitong coach na lalo kong ikinagalit. Saan ka nakakita ng coach na imbes na umawat ay nakisali pa sa away? Kailangan patigilin ko na ito sa paglalaro ng basketball. Bad influence ang coach na iyon.

"Sige po, mom. Kailangan ko na pong mag-ensayo. Hinihintay na ako ng tropa." Muli itong humalik sa akin saka lumabas na ng bahay.

Umakyat na ako sa kwarto para magbihis saka humiga sa kama dahil nanghihina pa rin ako. Hindi ko lubos maisip na ganoon ang epekto ng droga na ipinainom sa akin. I  had twenty four- hour unlimited sex. Grabe. Kahit ayaw ng utak ko pilit na hinahanap ng katawan ko. Ngayon ko lang naisip kung ano kaya ang nangyari sa akin kung nakuha ako ng limang lalaking iyon. Kung naging sex object ako at pinagpasa-pasahan sa loob ng beinte kwatro oras? Siguro gutay-gutay na ang katawan ko at hindi na makagulapay sa sobrang panghihina.

Si Chuck naging sensitibo sa lahat ng pangangailangan ko. Imbes na ako ang gawin niyang sex object, kabaliktaran ang nangyari. Para siyang robot na naging sunud-sunuran sa mga iniutos ko. Para siyang life-size sex toy. Nakakahiya. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kaniya matapos ang lahat, matapos kong ibalandra ang sariling katawan sa kaniya. Dinaig ko pa ang pokpok na nagbibigay serbisyo sa customer.  Parang naririnig ko pa ang sarili kong umuungol nang sobrang lakas na animo'y katapusan na ng mundo. Ang pagkasabik na maipasok kaagad ang pagkalalaki niya sa akin na hindi niya tinutulan bagkus ay walang reklamo niyang sinunod. Nakakahiya.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon