Chapter 57

21.4K 193 5
                                    


Chapter 57

Pagdating ko sa function hall ay mabilis akong kumuha ng wine sa dumaang waiter at inisang lagok lang iyon. Sinadya kong manatili sa isang sulok para hindi makita ang pagdating ng mga walanghiyang iyon. Kung pupuwede lang pumatay ng tao, ginawa ko na.

Limang waiter na ang dumaan kaya nakalimang shots na ako ng alak. Sabagay ayos lang na malasing ako ngayon dahil nariyan naman ang dalawa kong bodyguard. Para saan pa't sinasahuran sila ng mayaman nilang amo?

"Miss Elena?" Napangiti ako nang makita kong papalapit sa akin si Grace. Pihadong may baon na naman itong tsismis.

"Miss Grace, nice to see you here."

"Kanina pa po kayo hinihintay ni Mrs. Sayes. Gusto raw po kayong makausap ngayon mismo."

Tumango lang ako at sumunod sa kaniya papunta sa kinaroroonan ni Mamita.

Malayo-layo pa ay kita ko na ang abot-taingang ngiti ni Mamita. Kasama nito ang ilang kaibigan niya na halatang mga galing rin tinitingalang pamilya rito sa siyudad.

"Happy birthday, Mamita," nakangiting bati ko rito at humalik sa kaniyang pisngi.

"Nenita," wika no'ng babaing katabi ni Mamita. "Siya ba 'yung sinasabi mo na babaing gusto mong makatuluyan ng apo mo? Ang ganda naman niya. Bagay na bagay sa apo mo."

"Mismo, amiga," may pagmamalaking sagot ni Mamita at ipinakilala ako sa mga kaibigan niya. Ngiti lang ang isinukli ko sa kanila. "O siya, ladies, excuse us. May ipapakilala lang ako kay EJ. Enjoy yourselves." Iginiya ako ni Mamita papunta sa isang kwarto at nagulat ako madatnan si Chuck roon. Nakaupo ito sa sopa at may hawak na baso ng alak sa kaliwang kamay.

"Jusmiyo, Charles!" singhal ni Mamita sa kaniyang apo. "Hanggang ngayon ba naman, naglalasing ka pa rin? Hindi ka na ba nagsawa kakalaklak ng alak nang iniwan ka no'ng Ligaya na 'yun?" Gulat ako sa sinabi ni Mamita.

"Mamita, please," wika ni Charles na hindi man lang lumilingon kaya hindi niya alam na narito ako. "I made a mistake at hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang lahat. Lalo na ngayong naririto sa party ang-" Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil lumingon ito at natulala sa presensiya ko.

"See? Natulala ka kay EJ," tukso ni Mamita nang makitang napaawang ang labi ni Chuck. "Dinala ko rito si EJ dahil gusto ko ikaw ang date niya ngayon. Parehas kayo walang date ngayong gabi kaya okay lang siguro sa inyong dalawa na makita ng mga tao na magkasama. Charles, I won't take no for an answer."

"Mamita." Tila may gustong sabihin si Chuck pero pinatigil ito ni Mamita.

"Chuck, please. Just for tonight, tutal wala naman si Ligaya. Maybe you could pretend to be EJ's boyfriend."

"Mamita?" sabay na wika namin ni Chuck. Ginawa talaga ni Mamita ang plano niya. Gusto niyang ipangalandakan sa lahat ng tao na may namamagitan sa amin ng apo niya. Diyos ko! Kung alam lang niya ang totoong nangyayari sa amin ni Chuck.

"We don't need to pretend, Mamita," sabay na naman naming wika ni Chuck kaya nagkatinginan kami.

"It's just a favor, Chuck," wika nito sa sariling apo. "Nasa labas ang dating asawa ni EJ kasama ang maharot na model na iyon! Ayokong maging kaawa-awa si EJ sa party na ito! This is your fault, Chuck. Kung hindi mo kinuhang model ang malanding iyon, wala sana rito ang lalaking pinakaaayawan ng Tito Victor mo." Napaawang ang labi ko sa pagkagulat. Ibig sabihin dito rin ang punta nila. Bago lumabas ng kwarto si Mamita ay pinukol muna nito si Chuck ng isang matalim na tingin. "Do what I ask you to do or else..."

Mariin akong tinitigan ni Chuck nang makaalis na si Mamita. Titig na may halong pagnanasa pero hindi ko alam kung bakit nagugustuhan ko iyon. Nilapitan niya ako at hinaplos ang aking pisngi.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon