Chapter 3
Nagulat ako nang makauwi sa bahay at madatnan si Fern. Prenteng-prente ito sa pagkakaupo sa sopa at ngumiti nang makita ako. Napailing na lang ako. Same old Fern I used to know... napakaguwapo pa rin niya. Ilang taon din kaming hindi nagkita pero
parang hindi siya tumanda. Batang-bata pa rin siya sa edad na apatnapu't tatlong taon. Matikas pa rin ito at tila mas pumuti ang balat. Hind naman nakapagtataka dahil noon pa man maalaga na ito sa katawan at napakametikuluso kaya kung anu-ano ang mga produktong ginagamit para mapanatiling bata ang hitsura.Nanatili ako sa bungad ng pinto at pinilit kong kumalma kahit sumusulak na ang dugo ko dahil sa presensiya ng lalaking ito.
Parang nakaplaster sa mukha ang ngiti nito, wala yatang balak itikom ang bibig.
"Hey, babe," marahang sambit nito saka tumayo para lapitan ako ngunit sinenyasan kong maupo lang dahil iba ang pakiramdam ko sa pagbisita niyang ito. "Aren't you happy to see me, babe?"
Pilit akong ngumiti at naglakad papalapit sa kaharap niyang sofa
pero nanatili akong nakatayo. Ikinurus ko ang mga braso ko sa dibdib saka nagsalita. "Should I be?"Tumango ito. "I've come all the way from America just to see my family."
"Okay," sarkastiko akong ngumiti. "Excuse me. I'm tired, I need to rest." Tinawag ko si yaya para ipaghanda ng hapunan sina Fern at Clint pero tumanggi ito dahil kumain na raw sila sa labas.
"I want to talk to you, babe,
please?""We are already talking," wika ko pero hindi nito pinansin ang pagiging sarkastiko ko bagkus ngumiti pa na lalo kong ikinainis. "So, what do you want to talk about?"
"About you and me. Us. I was
thinking if you could give us another chance...last chance, babe."Boom! Parang bomba iyong sumabog sa harapan ko. Sabi na nga ba, hindi ito basta-basta bibisita kung walang intensiyong
makipagbalikan. Parang nauulit lang ang nangyari three years ago. Pathetic!"For Clint, for us to be happy as a
couple and as a family...again," patuloy pa nito nang hindi ako makapagsalita dahil sa sobra kong galit. Tumayo ito at akmang lalapit sa akin kaya napaatras ako. Hindi niya ako madadala sa mga paawa effect niya. Tama ng pinagmukha niya akong tanga noon, ayoko ng maulit iyon. I've learned my lesson."I'm sorry but it's a no. Masaya na ako, kami ng anak ko. Masaya kami na wala ka sa buhay namin."
Hindi ko inaasahan ang pagtaas ng boses nito nang nagsalita muli. "Pero anak ko si Clint at karapatan ko--"
Nagpanting ang tainga ko sa sinabi nito kaya agad din akong nagsalita. "Karapatan ba 'ikamo? Hindi kita
inaalisan ng karapatan sa kaniya.
You could visit him anytime you want. Hindi ko siya ipinagdadamot sa 'yo. Just make sure to keep whatever promises you said to him. Umaasa 'yung bata na dadalawin
mo siya at least twice a month pero anong ginawa mo? Three years kang hindi nagpakita sa kaniya.""I'm sorry. Kaya nga narito ako, babe para sa inyo ni Clint. Let's forget the past and start anew."
"I'm sorry?" ulit ko. "For god's sake, Fern stop saying those words. Napapagod na ko sa mga sorry mo. Laging sorry, sorry. For once, Fern panindigan mo ang binitawan
mong pangako.""I promise. This will be the last time I say sorry. Alam kong marami akong pagkakamali sa inyo ni Clint kaya kung pwede bigyan mo ako ng pagkakataong maitama ang mga 'yun. Come back to me, babe, please?" Malungkot ang mga mata nito nang muling tumingin sa akin. Pero ayokong magpadala sa drama ng lalaking ito. Maraming beses na niya akong niloko at ayoko ng maulit pa iyon.
BINABASA MO ANG
The Joy of The Playboy (COMPLETED)
Romance#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this story isn't for you so please, try to read the story/ies that suit your age. ______________________________________ For Ligaya, the magic has en...