Chuck's POV
"Sayang, bro, nag-yaya pa naman si Kristel sa condo niya," wika ni Chad sa amin ni Eric. Narito kami ngayon sa isang bar kung saan namin napagkasunduan na i-celebrate ang pagtatapos namin sa kolehiyo.
"Huwag mo ng banggitin ang pangalan ng babaing 'yun, Chad," sagot ni Eric. "Kilala naman natin itong si Chuck, basta nadala na niya sa kama ang babae, hindi na niya babalikan iyon. Ayaw na niyang tikman ulit."
"Kung gusto mo, Chad sa 'yo na ang Kristel na iyon. Hindi siya ang tipo kong babae." Napangiti ako nang maalala ang babaing nakita ko sa mall five years ago. Siya, siya ang tipo kong babae. Kung bibigyan ulit ako ng pagkakataon na makita siyang muli, hindi ko na palalagpasin pa.
"At sino ang tipo mo, Chuck?" Napatingin ako kay Eric. "'Yung imaginary girlfriend mo? Tangna naman, pare, disiotso anyos ka pa lang no'n. Huwag mong sabihing..."
Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod na sinabi ng kaibigan ko dahil napako ang atensiyon ko sa babaing papalapit. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon! Napakaganda nang babae, nakasuot ng kulay lilac na damit at animo'y isang anghel habang patungo sa gawi namin. Tumayo ako para makipagkilala. Inilahad ko ang aking kanang kamay, subalit inirapan lang ako at dumiretso sa kabilang mesa dahilan para kantiyawan ako ng mga kaibigan ko. Damn! Ngayon lang ako tinanggihan ng isang babae.
"Nawawala na ang karisma mo sa mga babae, bro," kantiyaw ni Chad na ikinailing ko.
Tumingin ako sa kinaroroonan ng babaing iyon, nakatalikod ito sa amin kaya malaya ang mga mata ko na pagmasdan ang kabuuan nito. Fuck! It gives me a hard on just by seeing her laughing with her friends.
"Lapitan mo na, Chuck. Kanina ka pa naglalaway do'n sa babae," utos ni Eric.
Nang lumingon sa gawi namin 'yung kasama niya ay kumaway ako at nang kumaway din ito ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na lumapit sa kanilang mesa. Umupo ako sa tabi no'ng babaing nakasuot ng kulay lilac na damit at nakipagkilala, subalit parang wala itong marinig dahil patuloy lang ito sa pagpapak ng pulutan. Shit! Bingi ba ang babaing ito?
"I'm Vivienne," pakilala no'ng babaing kumaway kanina saka pinakilala ang mga kaibigan niya at napag-alaman kong Ligaya ang pangalan ng babaing kanina ko pa gustong makilala.
Damn! Ang gandang pangalan!
Panay lang ang kuwento ko pero parang wala lang sa kaniya. Napabuntong-hininga ako. I'm starting to think na bingi ang babaing ito. Mas lalo ko pang inilapit sa kaniya ang aking katawan at inilagay ang braso sa ibabaw ng sopa kaya parang nakaakbay ako sa kaniya. Mayamaya ay bumulong ako at shit! Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa mundo dahil nilingon niya ako at nginitian. Ang ganda talaga ng babaing ito! Kung alam lang niya na five years ko na siyang pinagpapantasyahan.
Dumaan ang ilang minuto at medyo nakikipag-usap na siya sa akin pero dama ko na pakitang-tao lang iyon. Parang ayaw niya lang na mapahiya ako kaya kahit papaano ay kinakausap niya ako. Hanggang sa lumalim ang gabi at narinig kong nagpaalam ito sa dalawang kaibigan na pupunta sa ladies room, pansin ko rin ang mga titigan nila. Kabisadong-kabisado ko ang mga ganoong titig dahil gawain ko iyon.
Nang umalis ito sa aming mesa ay kaagad kong sinundan at tama nga ako, uuwi na ito. Damn! Hindi isang kagaya ko ang basta-basta na lang iiwan ng isang babae. Marahas kong hinablot ang braso nito at isinandal sa pader saka hinalikan. Fuck! Hindi marunong humalik. Lintik! Kadalasan sa mga babaing nakikilala ko sa bar ay sila na ang bahalang tumapos sa sinimulan kong halik, pero ito...
Pero ang hindi ko makakalimutan ay ang narinig kong impit ng ungol mula sa kaniya kahit na malakas ang musika sa bar na iyon. Damn! Damn! Damn! Hindi marunong humalik, pero putcha! Ang sarap ng labi. Ang lambot, kakaiba sa lahat!
BINABASA MO ANG
The Joy of The Playboy (COMPLETED)
Romance#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this story isn't for you so please, try to read the story/ies that suit your age. ______________________________________ For Ligaya, the magic has en...