Chapter 17
Mag-aalas otso na ng gabi nang makasakay ako ng taxi pauwi. Habang lulan ng sasakyang iyon ay hindi ko maiwasang alalahanin ang nalaman ko kaninang tanghali nang makausap ko ang abogado ni dad. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang nakasaad sa last will and testament ni dad. Kung bakit ganoon ang nais na mangyari ng aking ama.
Iginagalang ko ang kaniyang pasya subalit hindi ko alam kung magagawa ko nang maayos ang kaniyang mga habilin dahil abala rin ako sa sarili kong negosyo.
Noon pa man gustong-gusto ng mga magulang ko na magtrabaho ako sa kanilang kompanya subalit hindi ko iyon nagawa dahil matapos akong g-um-raduate ng kolehiyo ay mas ginusto kong sumama kay Fern papuntang Amerika at doon makipagsapalaran. At dahil na rin sa pride, nagtayo na lang ako ng negosyo nang bumalik ako ng Pilipinas. Ni minsan hindi ko inisip na pamamanahan nila ako, sapat na sa akin na napatawad nila ako sa naging kasalanan ko noon. Ipinagpasalamat ko na lang na maaga akong natauhan sa isang relasyong wala namang patutunguhan.
Matapos magbayad ay bumaba na ako ng taxi. Pagbukas ko pa lang ng gate ay nagtaka na ako dahil bukas ang ilaw sa sala. Bukas pa ang dating ni yaya pati ni Clint, imposible namang si Patrick ang dumating.
Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at binuksan ang front door. Nagugutom na ako, kailangan ko pang magluto kaya iniitsa ko na lang ang bag sa sofa ngunit napansin ko ang bulaklak na nasa ibabaw ng mesa. Nagtaka ako dahil wala naman iyon doon kaninang umaga. Kinuha ko iyon at akmang titingnan kung kanino nanggaling nang mapansin kong tila may taong nakamasid sa akin. Awtomatikong napaangat ang aking paningin at nahagip ng mga mata ko ang taong nakatayo sa may pintuan ng kusina.
Natulala ako habang papalapit ito sa gawi ko. Seryoso ang mukha nito na lalong nagpatingkad sa taglay nitong kaguwapuhan. Namumutok ang muscles nito sa suot na puting V-neck tee shirt at hindi maipagkakailang matikas at may angking karisma ang lalaking ito. Para itong modelo na hinugot sa magazine.
"Nagustuhan mo ba?" wika nito nang makalapit na sa akin. Humalik ito sa aking pisngi kaya amoy na amoy ko ang panlalaking pabango nito. Nakakapanghina ng tuhod!
"How's your day?" muli nitong tanong nang walang makuhang sagot mula sa akin.
"Nakakapagod pero okay lang. Sanay na ako."
"Come here." Kinuha nito ang bulaklak mula sa pagkakahawak ko at inilapag iyon sa mesa saka iginiya ako paupo sa sopa. Inangat nito ang mga binti ko at matapos tanggalin ang suot kong sapatos ay sinimulan niyang hilutin iyon. Tatanggi na sana ako pero nang maramdaman ko ang paraan niya ng paghilot ay pinabayaan ko na. Nakaka-relax ang paghihilot niya at tamang-tama dahil masakit talaga ang mga binti at paa ko.
Hindi ko namalayan na naghihikab na pala ako kaya napangiti si Chuck. "Hey, mamaya ka na matulog, hindi ka pa nagdi-dinner."
"Oh my god!" Natampal ko ang aking noo nang maalalang hindi pa pala ako nagluluto. "Hindi pa ako nagluluto." Tumayo na ako at nagpunta ng kusina habang nakasunod si Chuck.
"I've already cooked dinner." Ipinaghila ako nito ng upuan. "Hope you like it, sweetheart."
Gulat ako sa pagkakaayos nito ng mesa, marunong talaga at masarap ang niluto niyang kare-kare. At dahil gutom na gutom na ako ay hindi ko na ito pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain, wala kaming imikan habang kumakain. Ito na rin ang nagpresinta na magligpit ng mga pinagkainan kaya umakyat na ako sa kwarto.
Pagkatapos maligo at magbihis ay bababa na sana ako nang tumawag ni Grace. Hindi ko na sana papansinin ngunit pangalawang beses na iyon kaya sinagot ko na dahil baka importante ang sasabihin nito.
"Hello...?
"Miss Elena," wika nito sa kabilang linya. Pansin ko rin ang malungkot nitong boses kaya doon ako nagtaka. Wala na iyong Grace na masigla at matatawa kahit sa cellphone lang kayo nag-uusap.
BINABASA MO ANG
The Joy of The Playboy (COMPLETED)
Romance#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this story isn't for you so please, try to read the story/ies that suit your age. ______________________________________ For Ligaya, the magic has en...